Posts

Showing posts from July, 2011

I Am Legend

M ay attempt akong puro movie titles yung magiging title ng posts ko. Haha. Sana mapanindigan. Para swak sa tema ng blog. Mahihiya yung Gossip Girl. Pero yung saken, walang twists. Ayoko na mag-isip. Dahil napag-usapan na rin ang tema, medyo nakakahilo 'tong blogger ah. Ang daming magandang themes, backgrounds, colors pero nagstick na ko sa gamit ko ngayon kasi mahilig ako sa mga tao. Mahilig makipag-usap, makinig, makipagkulitan at kahit manuod lang. Sabi samen sa teatro, ang pinakamabisang paraan para maging mahusay na artista ay magmasid ng mga tao. Umupo ka sa isang coffee shop, tapos mag-observe ka lang ng isang tao tapos ang dami mo ng malalaman sa mga kilos niya.  Pero hindi pala tungkol sa acting ang post na ito. Hindi rin ito tungkol sa pelikula ni Will Smith. Tungkol ito sa akin. Para naman may konting background kayo sa nagpapakilalang si Drama King.  1. Una, 26 years old na ko. 5'10, hawig ni John Lloyd (Haha. Gusto ko maniwala kase sabi ng mga officemates

Virgin People

Sa wakas! Sa loob ng halos dalawang taon na pagbabasa ko sa mga blogs, nagkaroon na rin ako ng lakas ng loob na gumawa ng sariling akin. Actually, meron na ako nung college ako. Pero dahil uso lang 'nun, ayon nakalimutan ko na rin. Kaya kahit hindi naman talaga ako "virgin" na sa pagbablog, feeling ko, virgin ulit ako!  Maraming rason kung bakit hindi ako gumawa ng blog noon at naging masugid na tagapagbasa lamang. Una, may mga naisusulat ako sa aking multiply site ba pakiramdam ko ay sapat na para sa mga nararamdaman ko sa isang partikular na panahon/pagkakataon. Ikalawa, gusto ko sana laging may updates ang blog ko at natakot ako na baka hindi ko naman magawa kapag nagsimula na ko (na nangyari sa unang blog ko dito). At huli, gaya siguro ng karamihan ng nagsusulat ng blog, gusto ko ng audience at mga mambabasa sa mga sinulat ko. May pangamba akong wala namang magbabasa sa akin. Hanggang blog, laos ako! Parang hindi naman masaya pag ganun.  Pero sa araw na ito, magba