Tuesday, November 15, 2011

Si RC at si Brian Kinney*

Isang linggo akong nagkasakit. Dalawang araw hindi nakapasok sa office. Feeling ko, ang dami-dami kong namiss. Pero mas naging excited din ako sa mga mangyayari sa akin sa mga susunod na araw. 

Weird man, pero tuwing November 9, sinecelebrate namin ng bestfriend ko ang aming anniversary. Last time, 8 years na kami! Ahi. We became bestfriends nung second year college kami, after ng aming ROTC. Tapos every year, may celebration. Nakakamiss lang this year kasi hindi kami nakalabas bilang nakaratay ako sa kama. At dahil walang something, naisip ko na lang na ilagay dito sa blog ko yung naipost ko dati sa blog ko sa Multiply. 


Adik na adik ako 'nun sa Queer As Folk. Paano namang hindi, feeling ko, 'yun din ang buhay ko (feel na feel ko si Michael). And now I'm sharing my bestfriend - RC! :D

------

Napag-iwanan na ata ako ng buong mundo at ngayon ko lang napapanuod sa DVD ang Queer as Folk. At aaminin ko na kahit Season 1 pa lang ako, sobrang nakakaenjoy talaga siya. Siguro din kase, ang dami-daming kaparehong mga nangyari dun na nangyari at nangyayari din naman saken. Iba pala kapag ikaw mismo ang nakakakita nung mga bagay bagay sa buhay mo. Nagkakaroon ka ng ibang pagtingin dito. Naiisip mo yung mga naging epekto nito, at kung ano yung mga natutunan mo sa mga yun. May mga eksena na bigla na lang tutulo yung luha ko lalo na sa usapin ng pagtanggap, pag-ibig at pagkakaibigan. Iba sa pakiramdam ang palabas na yun.

Sa unang tingin, parang Sex and the City yung show. Nakakatuwa na may tumatalakay sa mga isyu naman ng mga bakla na umiikot sa apat na karakter dito. Sa kanilang apat, pinakapaborito ko si Michael. Ewan ko ba, pakiramdam ko sobrang pareho kami sa napakaraming aspeto. Sa pagtingin sa pakikipagdate, sa sex, at lalung-lalo na sa pagkakaibigan. Yung pagkakaibigan nila ni Brian, hindi ko maiwasang ikumpara sa pagkakaibigan namen ng bestfriend ko din na si RC. Na lalo lang nagpamiss saken kay RC. Katulad nina Michael at Brian, may panahon na sobrang naging close din kami, na tipong kulang na lang matulog kami at gumising na kami ang magkasama.

Si RC ay si Brian. Ang dami dami nilang pagkakapareho. Sa itsura, sa trabaho, sa ugali, sa pakikipagrelasyon at sa pagiging bestfriend ko. Kapag magkasama kami, laging nasa kanya yung atensyon. Well kase naman pogi siya. Kapag nasa bar kami, hindi siya nahihirapang makahanap ng kasayaw, habang ako ay nasa isang sulok at inaaliw ang sarili. Kapag nakipagdate naman ako sa iba, katakot takot na kutya ang maririnig ko dun. Madalas parang bata yun na kapag may problema, kailangan tulungan agad. Lagi akong handa na tulungan, malaki man o maliit yung problema niya. At katulad ng mga tao sa paligid ni Brian at Michael, nagtataka din sila kung bakit ako nananatili sa tabi ni RC.

Michael and Brian | Drama King and RC
May mga oras na naiinis din ako. Na bakit ba lagi akong kailangan ni RC. Pero kapag magkaibigan kasi ang dalawang tao, handa ka sa lahat lalo na at para sa ikabubuti ng kaibigan mo. Hindi ka naman naghahangad ng kapalit. Pero ang totoo, hindi rin naman kase nakikita ng ibang tao kung gaano kabait at kasweet na tao si RC. Matigas man ang ulo niya, mas malaki pa rin kabutihan sa puso niya. Alam ko, pinapahalagahan niya ako at ang pagkakaibigan namin at gaya ko, handa naman siyang gawin ang lahat para sa ikasasaya ko.

Sa loob ng halos limang taon naming pagkakaibigan, madami na rin kaming napagdaanan at nalampasan na pagsubok. Kung minsan akala namin, susuko na kami pero magkasama pa rin kami. May ilang mga pagbabago pero siguro parte naman yun ng pagtanda namin at pagharap sa mga bagong kabanata ng aming buhay.

Malayo pa ang tatakbuhin ng panunuod ko ng QaF pero excited na din akong bigyan ng kopya si RC, ang Brian Kinney ng buhay ko.

------


*Pasensya at hindi muna ako gagamit ng movie title. Hihi. Nauna kong naisulat sa aking Multiply Account noong July 18, 2008. 

Thursday, November 3, 2011

Halloween


Ang tagal ko rin nawala sa blog na ‘to! Hindi rin naman ako masyadong naging busy, more on arte lang talaga. Papanindigan ko lang ‘yung title ng blog ko, kaya more on drama king lang ako nitong mga nakaraang araw. Pero sa totoong buhay kapag nakasama n’yo ko, hindi talaga ako emo. Gusto ko puro fun-fun ang nasa paligid. Nagiging emo/drama king lang talaga ako kapag mag-isa ako at nagmomoment.

Pero hindi talaga yan ang kwento ko ngayon. Hihi. Wala lang ‘to. Gusto ko lang ng chikahan tayo, kumustahan ganyan. Matapos ang araw ng mga patay, I’m sure buhay na buhay na naman tayo sa ating mga buhay. Ahi. Share ko lang ‘yung naging costume ko last Halloween Party sa office. Actually, wala naman talagang todong prize ito. Sapat lang. Naging event na lang din siya kasi masaya magcostume. At lagi ko nga sinasabi sa mga teammates ko, you only wear costume once a year. Kaya ienjoy na! This year, movie theme kami sa office. Ayoko naman malimitahan sa isang pelikula ang team ko kaya ang theme naming: highest-grossing films of all time! Why not ‘diba? Ahi. So pabonggahan na. 




I decided to be Jack Sparrow from the Pirates of the Caribbean.



Last year, ang theme ng team ko ay Plants vs Zombies.  Haha.  Kariran din talaga! At nanalo kaming best team. Tapos nanalo akong best in costume. Ngayong year na ‘to, natalo kami ng mga taga-Alice in Wonderland. Karir din naman kasi ‘yung kanila. Okay na ‘yun, nanalo na naman ako last year.




So siguro ang point ng entry na 'to ay magmaganda ako. Haha. Chika lang. Gusto ko talaga ang Halloween eh. Ang sarap kasi magcostume. Dala na rin siguro ng pagiging theater person kaya kinakarir ko ang event na 'to. First time ko magpost ng picture ko sa blog na 'to! Hihi. :D

Next week, pasukan na naman sa Masters. Sana maging exciting ulit ang buhay ko. 

-----

Halloween is a 1978 American independent horror film directed, produced, and scored by John Carpenter, co-written with Debra Hill, and starring Donald Pleasence and Jamie Lee Curtis in her film debut and the first installment in the Halloween franchise. The film is set in the fictional midwestern town of Haddonfield, Illinois. On Halloween, six year old Michael Myers murders his older sister by stabbing her with a kitchen knife. Fifteen years later, he escapes from a psychiatric hospital, returns home, and stalks teenager Laurie Strode and her friends. Michael's psychiatrist Dr. Sam Loomis suspects Michael's intentions, and follows him to Haddonfield to try to prevent him from killing.

Stand By Me


Dear D,

Namimiss na kita!

Birthday mo na pala bukas. Ano ang birthday wish mo? Wish ka lang. Malay mo magkatotoo ‘diba? Hindi lang ako sure sa height. Haha. Sabi mo nga, papadagdagan mo na lang ‘yung tuhod mo kapag yumaman ka na para tumangkad ka na. Siguro isyu talaga sa mga lalaki ‘yung height ano? Pero alam mo, kung ano man ang kakulangan mo jan, nacocompensate naman sa ibang meron ka. Biruin mo, 27 ka na bukas pero mukha ka lang 21. Arte pa?  Haha.

So ayun nga, namimiss na kita. Lagpas dalawang linggo na rin naman ‘nung huli tayong nag-usap sa FB. Nagdecide akong umiwas muna sa’yo kasi hindi na nga healthy sa akin ‘yung relationship natin. Dati sabi ko kasi, okay lang na kahit ako lang ‘yung nagmamahal kasi naiinspire naman ako. Nararamdaman ko rin naman ‘yung pagmamalasakit mo sa’kin kahit paano. Pero ‘yun nga, dumating rin ako sa point na nasasaktan at nagseselos na ko. At tingin ko, hindi na siya maganda para sa akin. Kailangan kong tulungan ‘yung sarili ko. At masaya akong naintindihan mo ang desisyon ko ng buong puso.

Ang hirap na rin kasi talaga. Magkabarkada tayo pero hindi naman ganun ‘yung tingin ko sa’yo. Tuwing magkakantahan tayo, hindi ko maiwasang tumitig sa’yo tapos maglalakbay na ‘yung utak ko sa kung saan-saan. Parang masyado na kong matanda sa mga ganung ilusyon. Mas gusto ko sanang realistic na lang.  And eventually mapapagod naman talaga ako. At dumating na nga ako sa estado na ‘yun.

Nagdecide akong umiwas muna kasi sa tingin ko, kailangan ko ‘yung panahon para mas tanggapin ‘yung katotohanan sa ating dalawa. Nakakatawa na ilang beses na rin naman akong nagsabi sa sarili ko na ayoko na, pero lagi-lagi na lang akong bumabalik. Sana after nito, mas okay na ako. Mas matatag at mas kayang panghawakan ‘yung mga desisyon na ginawa ko para dito.

Gusto ko pagbalik ko, barkada na lang talaga ang tingin ko sa’yo. Kakanta ulit tayo ng Tuloy Ang Pangarap ni Angeline Quinto. Sasayawan mo ulit ako ng mga old-school Britney Spears dance steps. Magcocompare ng mga latest trend sa men’s fashion scene. Magsasabi ng mga pangarap niya sa buhay. Magsusumbong ng mga inis niya sa pamilya niya.

Excited na ko. Hintayin mo ‘ko ah? Magkikita tayo sa dating tagpuan. Pero pagdating ng panahon na ‘yun, magiging isang totoong kaibigan na ako para sa’yo. Mas matatag. Mas realistiko. Mas tinatanggap ang katotohanan sa ating dalawa.





------

Stand By Me is based on the Stephen King short story The Body, Rob Reiner's easygoing nostalgia piece is set in Castle Rock, OR, over Labor Day weekend, 1959. A quartet of boys, inseparable friends all, set out in search of a dead body that one of the boys overhears his brother talking about. The foursome consists of intellectual Gordie (Wil Wheaton), born leader Chris (River Phoenix), emotionally disturbed Teddy (Corey Feldman), and chubby hanger-on Vern (Jerry O'Connell). The boys' adventures en route to the elusive body are colored by the personal pressures brought to bear on all of them by the adult world. Richard Dreyfuss, playing the grown-up Gordie, narrates the film, while Kiefer Sutherland dominates every scene he's in as a brutish high-school bully.