Posts

Showing posts from August, 2012

21 Grams

N apapadalas ako sa Planet Romeo nitong mga nakaraang araw. Bago ang internet connection sa bahay at sabihin na nating, matagal na rin ‘yung huli ko. Sabi nga nila, hindi naman porke’t single eh tigang ka na rin. Sa kaso ko, oo. Single ako at tigang ako. Para kasing ‘nung gumradweyt ako ‘nung college eh nabawasan na rin talaga ang hilig ko. Mas gusto kong makasama ‘yung boyfriend ko sa aspetong ‘yun ng aking buhay. Paminsan-minsan, meron din namang mga hindi karelasyon. Pero mas maraming beses, kulang ‘yung satisfaction na nabibigay niya sa akin. Iba pa rin talaga kapag may kasamang pagmamahal. Naks. Aaminin ko, ang lakas ng loob kong tumambay sa gay site na ‘yun eh duwag naman ako. Kapag may nagyaya na sa akin na gusto ko rin naman, ang dami kong dahilan para hindi matuloy. As in ang labo kong kausap. Bigla na lang mag-ooffline at hindi na magrereply sa text. Kung ikaw ‘yung “kausap” ko, mapipikon ka talaga. Pero wala akong pagkatuto. Tatambay pa rin ako doon at makikipagpalita

Changing Lanes

H alos tatlong buwan din pala akong hindi nakapagsulat dito. Ang dami-dami rin kasi talagang nangyari sa buhay ko. May mga malungkot pero mas marami ang masasaya. May mga pagbitiw at may mga bagong mundo akong sinimulang pasukin. Masyado pang maaga para sabihin kung tama ang mga naging desisyon kong ito pero isa ang sigurado, masaya ako. After 5 years, finally ay nagdecide na kong magresign sa trabaho. Mahirap sa totoo lang. Masyadong madali ang trabaho ko at napakarami kong nagagawa kahit nasa office ako. Pero dumating na rin ako sa puntong “eto na lang ba ang gagawin ko buong buhay ko?” Kumbaga, wala na kong nakukuhang bago eh. Tsaka hindi talaga maayos mamalakad ‘yung mga bossing namin. Nakakapikon lang. Kaya kinuha ko ang lahat ng lakas at tapang sa katawan ko at nagpasa ng resignation letter. Ganun pala ‘yun no? Pag-uwi ko ng bahay, umiyak talaga ako. Hagulgol. Hindi dahil mamimiss ko ‘yung work ko, kasi ang dami rin talagang memories sa office na ‘yun. Lalo na ‘yung mga