Posts

Showing posts from February, 2012

Questions

Are there gays in paradise? Of course there are.  How can you say that? Because God loves the homosexual as a homosexual and not because in heaven he can finally become a heterosexual.  Because God is GAY.  - J. Neil Garcia, Philippine Gay Culture

Melancholia

A t ako ay muling nagsulat. Sabi ko, gusto ko ng isara ang blog na ito. Parte ng mga pagbabago na gusto kong gawin ngayong bagong taon. Pakiramdam ko kasi, kinukulong ko ang sarili ko sa mga pangyayari ng nakaraan kapag nagsusulat at nagkukuwento ako rito. Tulad ng isang ibon, para akong nasa hawla kahit bukas naman ang pintuan nito. Pilit kong isinisiksik ang sarili ko sa apat na sulok nito, kahit kayang-kaya naman ng pakpak ko na ako ay ilipad. Pero may kung anong puwersa ang nagsasabi na huwag. O maaaring huwag muna. Siguro kasi, parte na ng pagkatao ko ang pagiging emosyonal. At kailangan ko ng takbuhan kapag hindi ko na kaya. Kapag pakiramdam ko eh guguho na ang mundo ko. Kailangan kong isigaw ang lahat ng galit at pagkabigo sa puso ko. At dito, malaya akong magagawa ang mga iyon. Positibo ko naman na ang sinalubong ang bagong taon na ito pero parang sumpa, binabalik ako ng mga pangyayari sa kalungkutan. Sabi nila, it’s all in the mind. Na tipong puwede mo naman iko