Posts

Showing posts from March, 2012

Serendipity

N aalala ko pa ang lahat. Malinaw pa sa aking memorya. Dalawang taon na rin ang lumipas ‘nung una kitang “nakilala”. Kasama ko ang bestfriend ko ‘nung HS, nakatambay kami sa Starbucks sa Megamall. Nagbukas siya ng Downelink, nakiusyoso ako. Nakita “kita”. Isang larawan na kumuha agad ng atensyon ko. Hinanap kita sa Facebook. Ang laking tulong rin talaga ng mga social networking sites para “pagtagpuin” ang ating mga mundo. Inadd kita. Nagmessage ka. “Do I know you?” Syempre hindi tayo magkakilala. Paano ko ba sasabihin na wala lang, naging crush ko lang ang picture mo. “I’m Mike’s friend. I saw you in Downelink. You’re cute.” Wala na kong pakialam sa hiya-hiya. Hindi naman tayo “magkakilala.” Wala kang sagot sa mensahe ko. Hindi mo rin ako inadd. Hindi na rin ako masyado nag-isip. Dalawang taon. Isang mukha. Linggo-linggo akong naglalaro ng badminton. Napagod na ang mga kasama ko kaya kailangan namin ng bagong kalaro. Nakita ka namin. Tinawag ka namin at madali ka namang