Posts

Showing posts from September, 2016

Fatal Attraction

U malis ka na pala. Hindi man lang ako nakapagpaalam. Ang daming emosyon. Pero alam ko, pinakamarami 'yung lungkot. Tsaka panghihinayang. Hindi na ko kakabahan tuwing bubukas 'yung elevator sa 3rd floor kasi baka bigla kang sumakay. Hindi na hahaba 'yung leeg ko kakatingin kung nasa smoking area ka sa baba ng office. Hindi na mawawala 'yung atensyon ko sa speaker kapag town hall kasi madalas ikaw ang hinahanap ko. Hindi na ko magmumukhang ewan kapag magkakasalubong tayo - habang nagpapanggap na wala lang ang presensya mo. Mamimiss ko 'yun. Nakakatawa kung paano nagsimula 'yung kwento natin dalawa. Or mas kuwento ko sa'yo kasi hanggang ngayon hindi ko alam kung nagkaroon ba ko ng epekto sa buhay mo. Second year college ako. Freshie ka. Magkaklase tayo sa Anthropology 10. Nung college, naniniwala ako na dapat sa lahat ng klase ko, may magiging crush ko para ganahan ako pumasok. Unang araw ng klase, parang wala akong mapili sa klase natin. Pero sigur