Posts

Showing posts from May, 2012

Zack and Miri Make a Porno

H indi ko na matandaan kung kailan ako nagsimulang mahilig sa porn. Basta ang alam ko, ang porn ngayon, una kong tinawag na triple x. Medyo makitid ang utak at konserbatibo ang pamilya ko. Promise OA sina Mama at Papa. Naalala ko dati kapag nanunuod kaming buong pamilya ng mga pelikula nina Andrew E, tapos sa ending biglang may torrid kissing scene siya sa mga leading ladies niya, sasabihin nina Mama, “o pikit muna kayo.” OA diba? Comedy kasi ‘yun. Kaya ganun na lang ang gulat nila ng buong pamilya kaming manuod ng Amityville sa VHS tapos biglang nagtirahan sa kusina ‘yung mga bida. Na-off bigla ang TV! Tawang-tawa ako sa reaksyon nila. Hindi nila alam na rated-R ang movie. Kaya nasanay na lang ako, na kapag ganun ang eksena, ako na ‘yung yuyuko ng kusa. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako komportable makapanuod ng mga medyo maseselang eksena kapag nanunuod sila. Asiwa ba. Awkward ganyan. Pero hindi na naman nila ako pinapapikit. After all, 27 years old na ko. RANG!* Bal