Posts

Showing posts from November, 2011

Si RC at si Brian Kinney*

Image
Isang linggo akong nagkasakit. Dalawang araw hindi nakapasok sa office. Feeling ko, ang dami-dami kong namiss. Pero mas naging excited din ako sa mga mangyayari sa akin sa mga susunod na araw.  Weird man, pero tuwing November 9, sinecelebrate namin ng bestfriend ko ang aming anniversary. Last time, 8 years na kami! Ahi. We became bestfriends nung second year college kami, after ng aming ROTC. Tapos every year, may celebration. Nakakamiss lang this year kasi hindi kami nakalabas bilang nakaratay ako sa kama. At dahil walang something, naisip ko na lang na ilagay dito sa blog ko yung naipost ko dati sa blog ko sa Multiply.  Adik na adik ako 'nun sa Queer As Folk. Paano namang hindi, feeling ko, 'yun din ang buhay ko (feel na feel ko si Michael). And now I'm sharing my bestfriend - RC! :D ------ N apag-iwanan na ata ako ng buong mundo at ngayon ko lang napapanuod sa DVD ang  Queer as Folk.  At aaminin ko na kahit Season 1 pa lang ako, sobrang nakakaenjoy talaga s

Halloween

Image
A ng tagal ko rin nawala sa blog na ‘to! Hindi rin naman ako masyadong naging busy, more on arte lang talaga. Papanindigan ko lang ‘yung title ng blog ko, kaya more on drama king lang ako nitong mga nakaraang araw. Pero sa totoong buhay kapag nakasama n’yo ko, hindi talaga ako emo. Gusto ko puro fun-fun ang nasa paligid. Nagiging emo/drama king lang talaga ako kapag mag-isa ako at nagmomoment. Pero hindi talaga yan ang kwento ko ngayon. Hihi. Wala lang ‘to. Gusto ko lang ng chikahan tayo, kumustahan ganyan. Matapos ang araw ng mga patay, I’m sure buhay na buhay na naman tayo sa ating mga buhay. Ahi. Share ko lang ‘yung naging costume ko last Halloween Party sa office. Actually, wala naman talagang todong prize ito. Sapat lang. Naging event na lang din siya kasi masaya magcostume. At lagi ko nga sinasabi sa mga teammates ko, you only wear costume once a year. Kaya ienjoy na! This year, movie theme kami sa office. Ayoko naman malimitahan sa isang pelikula ang team ko kaya ang the

Stand By Me

Image
D ear D, Namimiss na kita! Birthday mo na pala bukas. Ano ang birthday wish mo? Wish ka lang. Malay mo magkatotoo ‘diba? Hindi lang ako sure sa height. Haha. Sabi mo nga, papadagdagan mo na lang ‘yung tuhod mo kapag yumaman ka na para tumangkad ka na. Siguro isyu talaga sa mga lalaki ‘yung height ano? Pero alam mo, kung ano man ang kakulangan mo jan, nacocompensate naman sa ibang meron ka. Biruin mo, 27 ka na bukas pero mukha ka lang 21. Arte pa?  Haha. So ayun nga, namimiss na kita. Lagpas dalawang linggo na rin naman ‘nung huli tayong nag-usap sa FB. Nagdecide akong umiwas muna sa’yo kasi hindi na nga healthy sa akin ‘yung relationship natin. Dati sabi ko kasi, okay lang na kahit ako lang ‘yung nagmamahal kasi naiinspire naman ako. Nararamdaman ko rin naman ‘yung pagmamalasakit mo sa’kin kahit paano. Pero ‘yun nga, dumating rin ako sa point na nasasaktan at nagseselos na ko. At tingin ko, hindi na siya maganda para sa akin. Kailangan kong tulungan ‘yung sarili ko. A