Thursday, September 1, 2016

Fatal Attraction

Umalis ka na pala. Hindi man lang ako nakapagpaalam.

Ang daming emosyon. Pero alam ko, pinakamarami 'yung lungkot. Tsaka panghihinayang.

Hindi na ko kakabahan tuwing bubukas 'yung elevator sa 3rd floor kasi baka bigla kang sumakay. Hindi na hahaba 'yung leeg ko kakatingin kung nasa smoking area ka sa baba ng office. Hindi na mawawala 'yung atensyon ko sa speaker kapag town hall kasi madalas ikaw ang hinahanap ko. Hindi na ko magmumukhang ewan kapag magkakasalubong tayo - habang nagpapanggap na wala lang ang presensya mo.

Mamimiss ko 'yun.

Nakakatawa kung paano nagsimula 'yung kwento natin dalawa. Or mas kuwento ko sa'yo kasi hanggang ngayon hindi ko alam kung nagkaroon ba ko ng epekto sa buhay mo.

Second year college ako. Freshie ka. Magkaklase tayo sa Anthropology 10. Nung college, naniniwala ako na dapat sa lahat ng klase ko, may magiging crush ko para ganahan ako pumasok. Unang araw ng klase, parang wala akong mapili sa klase natin. Pero siguro after ilang meetings, napansin kita. Sabi ko sa sarili ko, "parang cute 'to." Groupie kayo sa klase, kasama mo lagi 'yung mga kaibigan mo sa UPIS. Typical freshies. Hindi naman kasi ikaw 'yung mala-atom araullo na mapapalingon ka talaga. Ikaw 'yung tipo ng cute na habang tumatagal, sumasarap sa paningin. Naalala ko tinanong ka pa ng prof natin - "bakit yan ang pangalang mo?" Sabi mo, "sabi po kasi ng mama ko mukha raw po akong anghel nung pinanganak ako..." Tawanan sa klase, pero ako kilig na kilig.

Bihira tayong magkatabi sa klase. May isang beses, nakaupo ka sa likod ko. Boring 'yung topic kaya ang ginawa ko, nagdoodle ng pangalan mo nang paulit-ulit sa notebook ko. Hindi mo naman kita kasi matangkad ako. Tapos bigla mo ko kinalabit. Sabi mo, "puwede pakuha ng ballpen ko sa ilalim ng chair mo?" Eh ako naman si gago, biglang yumuko at hinanap 'yung ballpen mo sa ilalim ng upuan ko. Pagkabigay ko nung ballpen, nakangiti ka na. Pagtingin ko sa desk ko, nakabukas pala 'yung notebook ko na punung-puno ng pangalan mo. Gusto ko biglang kainin ng lupa.

Araw-araw yata kitang bukambibig nun sa bestfriend ko. Nacurious si gago, sabi sit-in daw siya sa klase natin. 1130 'yung klase natin, pero 1115 pa lang andun na kami. Si bestfriend inip na inip na yatang makita ka kaya hindi na napansin na dumating ka na at umupo sa likod. Hindi na nakatiis si bestfriend. Tumayo siya tsaka tinanong ako ng malakas - WALA PA BA 'YUNG J.A NA YAN?" Nagtinginan sa klase. Gusto ko mawala. Una kasi magkakakilala naman kami sa klase at pangalawa, nasa loob ka na kasi at sigurado akong narinig mo 'yung tanong. Parang wow siya oh, "nagpasit-in para ipakita 'yung crush?"

Hindi mo na siguro naalala 'yan. Hindi nga tayo naging friends sa loob ng sem na 'yun. Pero crush pa rin kita. Bilang marami tayong common friends, nalaman ko na may girlfriend ka na at masaya kayong dalawa. Nakikita ko kayo minsan sa college mo tsaka sa CASAA. Kinikilig pa rin ako.

Panibagong taon. Lantern Parade 2004. Bilang bida-bida ako sa college ko, kasali ako sa performance pagdating sa Quezon Hall. Nung kami na 'yung sasayaw, bigla ka na lang sumulpot sa harap ko hawak 'yung camera mo. Hindi ko alam kung paano ko naitawid 'yung sayaw na 'yun.

May isang beses naman may activity kami sa org. Fund Run aka mamalimos ng naka-costume. Ako si Lastikman at sakto lang talaga na pagdaan sa college mo, nandun ka. Tawa ka ng tawa sa costume ko habang hindi ko na alam kung saan ko pa ilalagay 'yung hiya.

Habang tumatagal, may mga naririnig akong chismis na bading ka na raw. May isang taga-film (na tagal kule rin) na maputi na lagi mong kasama. Minsan nakakasabay ko pa kayong dalawa sa ikot. May kurot sa puso ko, pero ayokong aminin.

Ang pinakamalala ko yatang nagawa nung college ay 'yung nakita kita sa jeep, sa tabi ng driver habang nagpupuno ito ng pasahero pa-katips. Kasama ko 'yung mga gago kong orgmates tapos tinuro kita, sabi ko "yun 'yung crush ko oh..." Sila gago, lumapit sa jeep, tinayuan ka para iinspect tapos sabi nila, "ah cute naman pala 'yung crush ko." Jusko hiyang-hiya ako sa nangyayari tapos kitang-kita ko 'yung pagkalito at pagkainis sa mukha mo. After nun, tuwing magkakasabay tayo, masama na tingin mo sa akin.

2006. Tapos na ko. Ikaw may isang taon pa. Nagtatrabaho na ko hanggang isang beses naalala kita. Hinanap kita sa internet. Lumabas ang pangalan mo pati na rin 'yung email address mo. Hindi ko alam kung ano 'yung sumapi sa akin pero nag-email ako sa'yo. Sabi ko, sobrang crush kita. Oo sobrang sabog pero hindi ka naman nagreply. Hindi ko nga alam kung nabasa mo 'yun.

May mga pangyayari na feeling ko kung hindi nangyari, baka naging iba 'yung relasyon natin. Baka umabot tayo kahit man lang friends. Pero nangyari na eh. Wala namang rewind button.

Lumipas 'yung mga taon, may nagbalita sa akin na nag-apply ka raw sa NGA. From IBM, lumipat ka ng NGA. Four years ago, I started working in NGA. Eto na naman tayo. Nasa isang kompanya lang.

Naalala ko pa 'yung unang beses na nakita kita sa 4th floor. Totoo 'yung nagbablur 'yung paligid mo. Tapos hindi ako makahinga tsaka parang sasabog 'yung tibok ng puso ko sa lakas. Kaya lang after a month, nagdecide kang umalis ng NGA. Malas ko naman.

Isang taon ang lumipas, 2014 na. Bumalik ka sa NGA. Tumalon na naman ang puso ko. Nung unang beses kita ulit nakita pagkabalik mo, may nag-IM sa akin na nasa 4th floor ka raw. Ang surreal. 'Yung tibok ng puso ko, ibang-iba. Ang saya na kasama na ulit kita. Naalala ko 'yung isang beses na nakacostume ka ng Aladdin sa halloween sa office. 'Yung kinausap mo 'yung common friend natin sa loob ng elevator. 'Yung magkasunod tayong nakapila sa Family Mart. Yung kumain ka sa Jollibee. Yung may tinanong ka malapit sa work station ko.

Siguro wala pa sa 50 'yung beses na nakita kita sa office. Pero ayos lang. May ibang pagkabuo sa akin tuwing nakikita kita. Parang laging kulang pero alam ko namang may susunod pa. Hindi ko na alam kung ilang beses pinlano ng mga common friends natin na iset-up tayo ng lunch para lang magkaroon ng closure sa part ko at kung puwedeng maging magkaibigan tayo. Nakakalungkot din kasing isipin na sa halos 12 years kitang kilala, isang beses mo lang ako kinausap.

Ang duwag-duwag ko naman lagi. Kahit nabalitaan ko nung June na aalis ka na raw at magmamigrate sa Australia, wala pa rin akong ginawa. Hindi man lang ako nakapagsorry kung nabastos ka ba sa ginawa ng mga orgmates ko nung college. O sa napakastalker na email ko nung 2006. Hindi ko man lang nabago kung anuman 'yung image na nalikha ko sa utak mo, o kung naalala mo ba lahat ng nangyari. Kasi posible naman talagang wala lang at ako lang ang mukhang gago sa mga nangyari.

Mula nung umalis ka, ilang beses ko ring hinanap 'yung pangalan mo sa IM natin sa office. Minsan offline, minsan busy. Bihira 'yung available ka. Grabe 'no? Ang lapit natin pero parang ang layo-layo.

Sabi nila habang may buhay, may pag-asa. Sobrang cliche yes, pero totoo naman diba? Aasa pa rin ako na dumating 'yung panahon na makausap kita - para maexplain ang lahat.

Pero sa ngayon, hangad ko na sana maging sobrang masaya ka sa Australia. Iwas-iwas sa inom, baka kung mapano ka. Abang na lang ako sa facebook kung magbabago ka ng profile picture kasi 'yung lang ang access ko sa'yo. Hindi ko alam kung bakit, pero adik na adik pa rin ako sa'yo.

-----

Fatal Attraction is a 1987 American psychological thriller film directed by Adrian Lyne and starring Michael Douglas, Glenn Close, and Anne Archer. The film centers on a married Manhattan man who has a weekend affair with a woman who refuses to allow it to end, resulting in her becoming obsessed with him. The film was adapted by James Dearden from an earlier 1980 short film by Dearden for British television, Diversion.

Friday, May 17, 2013

The Break-Up


Dear ex,

Lagpas isang buwan na rin pala nung naghiwalay tayo. Sana naaalala mo pa kung paano ka bigla na lang hindi nagreply sa mga text messages at sumagot sa mga tawag ko. May dinner sana tayo kasama ‘yung mga friends ko. Hindi na kita pinilit sumama sa amin manuod ng movie pero sabi mo susunod ka sa dinner. Pero wala na kong narinig sa’yo pagkababa natin ng telepono. Naiinis ako sa’yo nung gabi na ‘yun hanggang bago ako matulog. Ang inconsiderate kasi. Ang daya.

Pero pagkagising ko ‘nung umaga, naisip pa rin kita. Ikaw ang una kong tinawagan. Hindi mo pa rin sinasagot. Wala ka pa ring reply sa mga text messages. Nawala na ‘yung inis ko. Nag-alala na ko. Baka may nangyari ng masama sa’yo. Mula sa libing ng tita ko hanggang sa sportsfest sa office – ikaw lang ang nasa isip ko. Bawat oras tinatawagan kita pero wala pa rin talagang sagot. Pupunta sana ako ‘nung gabi sa apartment mo pero pagod na pagod na ko kaya sabi ko bukas na lang. Nagtext ulit ako sa’yo. Halos magmakaawa na magreply ka para lang alam ko na okay ka.

At sa wakas – sumagot ka. Pero ang sagot mo – parang mas malamig pa sa yelo. Nakuha ko naman agad. Ayaw mo na. Tinanong kita para makasiguro. Sumagot ka ng isang mahabang text message – ayaw mo na nga. Nakipaghiwalay ka sa text. Matapos ang apat na buwan – gusto mo ng tapusin ang relasyon natin. Sa text. Marami kang sinabing rason pero mariin ang pahayag mong walang third party. Eto ‘yung mga dahilan na para sa akin – may punto naman. Hindi na ko puwede maghabol.

Tinanggap ko ang desisyon mo. Hindi dahil hindi na kita mahal kasi pakiramdam ko, desidido ka na talaga. Sabi ko nga diba, medyo handa naman ako kung makikipaghiwalay ka dahil bata ka pa at malamang eh marami ka pang gustong gawin pero nakakalungkot pa rin. Hindi ko rin idedeny na naiyak ako – hindi dahil sa’yo kundi sa ideya na iniwan na naman ako. Pakiramdam ko kasi eh wala naman akong nagawang mali para iwanan na naman ng karelasyon. Pero ganun talaga. Hanggang doon lang talaga tayo.

Okay naman ako pagkatapos ng paghihiwalay natin. Pero nakakapikon ‘yung mga pinost mo sa facebook eksaktong isang lingo matapos tayo maghiwalay. Parang ang bilis-bilis naman. Eh sabi mo nga sa text hindi ka pa pala handa sa isang relasyon tapos may bago na agad? Gago ka ba? Hindi naman ako si Popoy na humihingi ng 3-month rule pero sana konting respeto na lang at hindi mo na nilagay sa facebook. Pakiramdam ko kasi ginago mo ko. Pero salamat na rin kasi mas tinulungan ko kong makamove-on agad sa ginawa mo.

Lagpas isang buwan na nung naghiwalay tayo.  Hindi ko inexpect pero okay ako. Kumpara sa naging sitwasyon ko doon sa huli ko – mas masasabi kong mas matatag ako. Minsan naiisip kita kasi naging mabait ka naman talaga sa kabuuan ng relasyon natin. Pero madalas naiinis din ako na hindi mo sinabi ‘yung totoong rason kung bakit ka nakipaghiwalay sa akin. Sa text ka na nga lang nakipagbreak eh inetchos mo pa ko. Hindi ko tuloy alam kung babasagin ko sa ulo mo ‘yung bigay mong snowball sa akin kapag nagkita tayo. Joke lang. Hindi naman ako bayolente.

Busy ako sa trabaho at volleyball ngayon. Ang mga teammates ko sa work at volleyball ‘yung naging support group ko ‘nung naghiwalay tayo. Sobrang saya ko tuwing naglalaro ako ng volleyball. Pakiramdam ko binabalik ako sa mga panahong tinalikuran ko ang sports na ‘to. Kahit paano – fair naman ang buhay. Kahit nalungkot ako sa’yo eh binigyan naman ako ng sobrang saya sa volleyball.

Medyo kakaiba nga pala ngayon. Hindi na ko masyado emo. Hindi na ko napupuyat kakaisip kung ano naging mali sa akin kaya mo ko iniwan. Pinatatag na rin ako ng mga karanasan at panahon. Kaya hintay-hintay lang ulit ng bagong darating. At bubuksan ko ulit ang puso ko kung sino man siya. Tuloy ang buhay.


Your ex,
Drama King


------

The Break-Up is a 2006 American romantic comedy-drama film directed by Peyton Reed, starring Jennifer Aniston and Vince Vaughn. It was written by Jay Lavender and Jeremy Garelick and produced by Universal Pictures.

Friday, December 21, 2012

2012

Nakakamiss din pala magsulat. Parang ilang buwan din na walang bago dito sa blog ko. Ang dami rin kasing nangyari. Pakiramdam ko nga, hindi na bagay sa akin ang angas nitong blog ko – Drama King shit eh wala naman kadrama-drama sa buhay ko. Parang hindi na ko masyado na-eemo ngayong mga panahon na ‘to. Namimiss ko na nga. Baka kasi Pasko na rin ano. Ang saya ng paligid, ang saya ng mga tao. Pero hindi rin. Dati kapag magpapasko na tapos maririnig ko ‘yung “Sana Ngayong Pasko,” ayan tutulo na luha ko. Ngayon wala ng epekto.


Sige ito na lang ang totoo – masaya ako. Masayang-masaya. Akala ko isusumpa ko ‘yung 2012 kasi puro problema at kalungkutan ‘yung first half niya sa akin. May mode pa ko na rebirth rebirth, renaissance shit ‘nung patapo ang 2011 eh wala naman nagbago. Mas nalungkot lang ako. Mababasa n’yo naman yan dito ano. Pero nung tinanggap ko ‘yung mga pagkakamali ko at nagpasya na gumawa ng bagay na ikakatama nito – parang tinulungan pa ko ng uniberso para matupad ito. Nagkaroon ako ng bagong trabaho, katinuan sa pag-iisip at pagpapasya at bagong pag-ibig. ‘Yung huli – hindi ko naman inaasahan at kusang nangyari lang.


Gusto ko nga maniwala na hindi naman talaga hinahanap ang pag-ibig – dumarating siya sa panahon na handa na tayo. Ang umibig at magmahal ay isang desisyon – at sumugal ako rito. Bata pa siya – 21 lang, pero naramdaman kong siya ang para sa akin. Masyado pang maaga para umasa at magplano sa mga bagay-bagay pero ineenjoy ko lang kung ano ang sayang idinudulot nito sa amin sa ngayon. Ideally sana, mas gusto ko ang mas matandang karelasyon pero nitong mga nakaraang buwan eh natanto kong wala naman sa edad ang kaseryosohan ng isang tao. Kahit bata pa yan, o matanda – kung manloloko yan eh gagawin naman nila. At kung seryoso siya sayo at sa relasyon n’yo – walang makakahadlang sa kanya.


Aaminin ko na nangangapa pa rin ako. Ngayon lang ulit ako nagkaroon ng relasyon matapos ang limang taon. Ngayon lang ulit may tinetext palagi. Ngayon lang ulit may kasama lagi sa mga ganap. Ngayon lang ulit may kasabihan ng I Love You. Ginagawa ko ring tama ang lahat. Dinala ko na siya sa bahay at pinakilala sa mga kaibigan ko. Hindi pa ko handa sabihin ang lahat sa Mama ko pero ramdam ko naman na alam na nila ‘yun. Pero gaya ng isang mabuting anak – gusto ko ring gawing official ang relasyon namin at ang pag-oout ko sa aking pamilya. Matanda na naman ako. Hindi na siguro sila magagalit kasi alam nilang wala na silang magagawa at nasa tamang pag-iisip na rin ako.


Sabi nila, end of the world ngayong araw na ‘to. Hinintay kong mag-alas dose kagabi kasi gusto kong makatiyak. Pero habang hinihintay ko ‘yun, natutulog sa tabi ko ang taong nagmamay-ari ng puso ko. Napost ko nga sa twitter na ayos na rin sigurong magunaw ang mundo. May kayakap naman ako ngayon. Oo kinilig ako.


Ayoko rin maniwala na matatapos na ang mundo ngayong araw na ‘to. Kasi parang unti-unti pa lang nagkakaroon ulit ng direksyon ang buhay ko. Kasi ngayon ko pa lang nakikilala ng husto ang taong nagpapasaya sa akin ngayon. Kasi marami pa kong plano sa susunod na taon. Hindi nga ako usually naglilista ng mga gusto kong gawin sa bagong taon pero gagawin ko ngayon. Magsurfing, magfoodtrip sa Binondo, magvoice at dance lessons, umarte ulit, makumpleto ang MA ko, bumalik sa Bangkok, bumisita sa South Korea at mahaba pa ang listahan.


Hindi ko siguro makakalimutan ang 2012 kasi ang daming nangyari. Bagong kaibigan, bagong trabaho, bagong pag-ibig at bagong direksyon. Salamat sa lahat ng naging bahagi ng taon na ito. Tinuruan ako nitong mas maging matatag at kumapit sa mga pangarap ko. Binigyan ako nito ng bagong pag-asa.


Marami pa ring mangyayari. Marami pa ring pagsubok. At excited akong harapin silang lahat. 

------

2012 is a 2009 American sci-fi disaster comedy film directed by Roland Emmerich. It stars John Cusack, Chiwetel Ejiofor, Amanda Peet, Oliver Platt, Thandie Newton, Danny Glover, and Woody Harrelson, among others. It was produced by Emmerich's production company, Centropolis Entertainment, and was distributed by Columbia Pictures. Filming began in August 2008 in Vancouver, although it was originally planned to be filmed in Los Angeles.

Thursday, August 30, 2012

21 Grams


Napapadalas ako sa Planet Romeo nitong mga nakaraang araw. Bago ang internet connection sa bahay at sabihin na nating, matagal na rin ‘yung huli ko. Sabi nga nila, hindi naman porke’t single eh tigang ka na rin. Sa kaso ko, oo. Single ako at tigang ako. Para kasing ‘nung gumradweyt ako ‘nung college eh nabawasan na rin talaga ang hilig ko. Mas gusto kong makasama ‘yung boyfriend ko sa aspetong ‘yun ng aking buhay. Paminsan-minsan, meron din namang mga hindi karelasyon. Pero mas maraming beses, kulang ‘yung satisfaction na nabibigay niya sa akin. Iba pa rin talaga kapag may kasamang pagmamahal. Naks.

Aaminin ko, ang lakas ng loob kong tumambay sa gay site na ‘yun eh duwag naman ako. Kapag may nagyaya na sa akin na gusto ko rin naman, ang dami kong dahilan para hindi matuloy. As in ang labo kong kausap. Bigla na lang mag-ooffline at hindi na magrereply sa text. Kung ikaw ‘yung “kausap” ko, mapipikon ka talaga. Pero wala akong pagkatuto. Tatambay pa rin ako doon at makikipagpalitan ng mga mensahe.

Sa ibang banda naisip ko, baka hindi kasi ganun talaga ang ideyal na pagkikitang gusto ko. Baka ang trip ko, makilala ko muna ‘yung tao tapos tingnan naming kung puwede kaming umabot sa kama. Marami akong reservations kasi feeling ko, marami rin talaga akong issues as a person. Baka kailangan ko munang bawasan at isipin ang totoong goal ko sa pagpunta sa site na ‘yun.

May dalawa akong nakilala sa site na ‘yun. Si Mond at si Tsinoy. Pareho silang 21 years old pero sobrang layo nila sa isa’t isa. Si Mond, taga-samen lang. Mapusok at diretso sa mga punto ang banat niya. ‘Nung gabi na nakilala ko siya, muntik na rin akong bumigay. Sa bahay niya, at sabi niya, magaling siya sa kama. Buti na lang at pasado ala-una na nun at naisip ko ang trabaho ko kinabukasan. Hindi kami natuloy. Kinabukasan, nagtext pa rin siya. May paanyaya pa ng orgy at party and play. Pagtext niya nun, hindi na ko nagreply. Parang nalaman ko na ‘yung klase ng lifestyle na meron siya.

Si Tsinoy naman eh nagmessage sa akin out of the blue. Nagulat ako kasi taga Imus pa siya. Hiningi niya ‘yung number ko at binigay ko naman. Cute siya at promising ang nakalagay sa profile. Naghahanap ng boyfriend at hindi lang ka-sex. Solve ako dun kahit hindi naman talaga ako masyadong mahilig sa mas bata sa akin. Baka naman puwede. Tumawag agad si Tsinoy ‘nung gabing ‘yun. Ang dami niyang tanong sa akin. Feeling ko talaga first interview sa work ‘yun. Kahit waistline ko ganyan. Seryoso talaga siyang makahanap ng boyfriend. Nailatag niya rin sa akin kung paano niya gusto siyang ligawan. Napapailing na lang ako. Sabi ko sa kanya, naghahanap naman talaga ako ng bf pero hindi naman ako padalos-dalos. Gusto kong makilala muna talaga ang tao bago magdesisyon. At issue ko na masyado siyang malayo at bata pa. Sabi niya, “I maybe 21 years old but I act more than my age.” May ngiti akong nabitawan pagkasabi niya nun. Ilang beses ko rin kasi nasaba ‘yun dati, nung bata pa ko at gaya niya, naghahanap ng bf. Tinext ko siya kinabukasan at sinabi kong hindi magwowork ‘yung gusto niya kasi hindi ko maibibigay ang mga trip niya.

Napaisip lang ako sa kanilang dalawa. Parehong 21 years old pero sobrang layo ng relasyon na gusto nilang makuha sa ibang tao. Iniisip ko kung paano ako mag-isip nung ganung edad din ako at kung paano ko gusto tumakbo ang mga relasyon ko. Kasi gaya ni Mond, dumating din ako sa punto ng buhay ko na gusto kong maranasan ang lahat. Sa katunayan, may mga ilang bagay pa rin akong hindi nagagawa na gusto kong magkaroon ng katuparan. At si Tsinoy naman – naalala ko ‘yung mga panahon na napaka-idealistic ko sa relasyon. ‘Yung tipong gusto ko parang romantic movies ang lahat na may happy ending. Gusto kong gawin namin ‘to, pumunta sa ganito, magdate sa ganitong lugar. May plano ang halos lahat ng gagawin.

Sa pag-iisip ko pa, natanto kong nagbabago pala talaga ang pagtingin natin sa relasyon. Malayo na ko kay Mond pero hindi ko rin naman masabing mas malapit ako kay Tsinoy. Siguro mas realistic lang ako ngayon. Siguro mas tinatanggap ko na ang katotohanan na hindi naman nakukuha sa mga relasyon (o sex) ang kasiyahan ng isang tao. Siguro may mga natutunan na nga ako sa limang taon na paghihintay ko sa taong para sa akin. At sana kahit hindi siya dumating, matapang pa rin akong tutuloy sa mga hamon ng aking buhay.

At narealize ko ‘to sa tulong ng Planet Romeo ‘no? Cool.


-----

21 Grams is a 2003 American drama film directed by Mexican director Alejandro González Iñárritu and written by Guillermo Arriaga. It stars Sean Penn, Naomi Watts, Danny Huston, and Benicio del Toro.

Like Arriaga's and González Iñárritu's previous film, Amores Perros (2000), 21 Grams interweaves several plot lines, around the consequences of a tragic automobile accident. Penn plays a critically ill academic mathematician, Watts plays a grief-stricken mother, and del Toro plays a born-again Christianex-convict whose faith is sorely tested in the aftermath of the accident.

Sirena


Ako'y isang sirena
Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda
Ako'y isang sirena
Kahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumba
Drum na may tubig ang sinisisid
Naglalakihang mga braso, sa'kin dumidikdik
Drum na may tubig ang sinisisid
Sa patagalan ng paghinga, sa'kin kayo ay bibilib





*Hindi ko inaaako ang lahat ng danas na sinasabi ng kanta pero sobrang astig lang talaga nito! Nakakatuwa! At alam n'yo na, mahilig kasi ako talaga sa sirena. Husay ni Abner Delina dito! Ahi crush ko siya ng very light dati pa :)

Changing Lanes


Halos tatlong buwan din pala akong hindi nakapagsulat dito. Ang dami-dami rin kasi talagang nangyari sa buhay ko. May mga malungkot pero mas marami ang masasaya. May mga pagbitiw at may mga bagong mundo akong sinimulang pasukin. Masyado pang maaga para sabihin kung tama ang mga naging desisyon kong ito pero isa ang sigurado, masaya ako.


After 5 years, finally ay nagdecide na kong magresign sa trabaho. Mahirap sa totoo lang. Masyadong madali ang trabaho ko at napakarami kong nagagawa kahit nasa office ako. Pero dumating na rin ako sa puntong “eto na lang ba ang gagawin ko buong buhay ko?” Kumbaga, wala na kong nakukuhang bago eh. Tsaka hindi talaga maayos mamalakad ‘yung mga bossing namin. Nakakapikon lang. Kaya kinuha ko ang lahat ng lakas at tapang sa katawan ko at nagpasa ng resignation letter. Ganun pala ‘yun no? Pag-uwi ko ng bahay, umiyak talaga ako. Hagulgol. Hindi dahil mamimiss ko ‘yung work ko, kasi ang dami rin talagang memories sa office na ‘yun. Lalo na ‘yung mga tao at teammates ko na napamahal na rin sa akin. 


Pero 27 years old na ko. Kailangan ko na talagang magdesisyon ng matindi sa buhay ko. Habang lumalapit ‘yung last day ko, mas kumokonti ‘yung lungkot. Mas nagiging excited ako sa magiging bagong buhay ko. Lumabas sa comfort zone ko ng 5 taon ganyan. Sa simula lang pala malungkot at mas masasanay ka rin. I had my last day in the office on May 29. Hanap-hanap ng work sa internet, sa mga kakilala. 


Akala ko aabutin lang ako ng ilang linggo pero isang buwan na ang lumipas at wala pa rin akong makitang gusto ko. Ubos na pera ko at literal na palamunin na ko sa bahay. Hindi ko na rin nababayaran ang mga bills ko. Nagsimula akong malungkot. Parang wala kasing magandang nangyayari sa buhay ko. Swerte ako kasi marami talaga akong friends na nagcheer sa akin, reminding me my good qualities and my skills. Hanggang nagdesisyon na ko mag-apply sa isang multi-national HR consulting company na marami sa mga friends ko eh doon din nagwowork. Sabi ko sa sarili ko, kapag natanggap ako rito, tatanggapin ko na. At swerte naman, nakuha ako! Nagsimula ako ‘nung July 16.


Tinanggap ko nito lang na hindi ako risk-taker. Eto ang naging problema ko kaya hindi ako nakagawa ng mga malalaking desisyon sa buhay ko. Kuntento na ko sa kung ano ang meron ngayon, hindi iniisip kung ano ang magiging buhay ko sa hinaharap. Live for the moment ‘ika nga nila. Pero ang problema kasi sa ganun, may mga napapalampas akong oportunidad. Sa pagtanggap ko sa trabaho ko ngayon, isang malaking desisyon talaga siya. Hindi ko naisip kahit kailan na gagawin ko ang mga ginagawa ko ngayon pero nagulat ako kasi nag-eenjoy ako. At hindi ko malalaman ‘yun kung hindi ko tinanggap ‘tong work na ‘to. Nagugulat din ako kasi after ni Destiny, hindi na ko nagkagusto ulit sa isang tao. Mas naging focused ako sa pag-aayos ng career ko. Ngayong medyo settled na ko, tinatry ko ulit tumingin-tingin pero kalma lang. Kung meron eh di happy at kung wala ayos lang din. Mas hati na ‘yung oras ko sa trabaho at sa mga kaibigan ko. Hindi ko naman sinasara ang posibilidad pero nakakapagod din kasi talaga. Darating din ‘yun.


Paano ko ba tatapusin ‘to? Siguro kung may sumusubaybay man dito sa blog ko, gusto ko lang malaman mo (n’yo) na masaya ako. Ang tagal kong hinintay ‘yung ganitong pakiramdam. Wala masyado drama, sa wika nga ng mga friends ko, jamjam lang. At pipilitin kong mapanatili ito.



-----

Changing Lanes is a 2002 drama-thriller film directed by Roger Michell and starring Ben Affleck and Samuel L. Jackson. It was released on April 12, 2002 in North America by Paramount Pictures.


Thursday, May 10, 2012

Zack and Miri Make a Porno

Hindi ko na matandaan kung kailan ako nagsimulang mahilig sa porn. Basta ang alam ko, ang porn ngayon, una kong tinawag na triple x. Medyo makitid ang utak at konserbatibo ang pamilya ko. Promise OA sina Mama at Papa. Naalala ko dati kapag nanunuod kaming buong pamilya ng mga pelikula nina Andrew E, tapos sa ending biglang may torrid kissing scene siya sa mga leading ladies niya, sasabihin nina Mama, “o pikit muna kayo.” OA diba? Comedy kasi ‘yun. Kaya ganun na lang ang gulat nila ng buong pamilya kaming manuod ng Amityville sa VHS tapos biglang nagtirahan sa kusina ‘yung mga bida. Na-off bigla ang TV! Tawang-tawa ako sa reaksyon nila. Hindi nila alam na rated-R ang movie.

Kaya nasanay na lang ako, na kapag ganun ang eksena, ako na ‘yung yuyuko ng kusa. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako komportable makapanuod ng mga medyo maseselang eksena kapag nanunuod sila. Asiwa ba. Awkward ganyan. Pero hindi na naman nila ako pinapapikit. After all, 27 years old na ko. RANG!*

Balik tayo sa triple x, este sa porn. Huwag n’yo naman akong husgahan agad. Dumaan naman tayo lahat sa experimental stage at sure akong lahat ng makakabasa nito, nakanuod na ng porn. Magdeny kakainin ng lupa. Or ng China. Haha. Balik na talaga. Unang beses kong naencounter ang triple x nung second year high school ako. Dahil boy scout-boy scout ako ‘nun, nagparada kami sa buong Pasig dahil Araw ng Pasig. Tapos nagdecide kaming tumambay sa bahay nina Angela (classmate ko). Kainan, kulitan at asaran. Hanggang lahat kami na nandun eh nagkasundo na manuod ng triple x. Pero walang meron sa amin. Naisip namin magrent ng VHS tape sa isang rental shop. Pero challenge ‘yun kasi nga, mga bata pa kami. Bahala na. Ang plano namin, aarte kami ni Regielette (classmate another) na kunwari may nag-utos lang sa amin. Mukhang ayos naman ang plano. Pagdating sa shop:

Kuya:          Ano kailangan n’yo?

(Nagkakahiyaan pa kami ni Regielette)

Regie:        Meron po ba kayong triple x? Nagpapahiram po kasi si tito.
DK:            Ano po ba ‘yun?
Kuya:        Ah sige punta kayo dito. Ano ba gusto n’yo? Etong may babae sa babae o ‘yung lalaki at babae lang?
DK:           Ah ‘yung pangalawa na lang ‘po. (pitsik) Si tito talaga oh.

Pang-Oscars ang aktingan!
Nakanuod kami. 
Sobrang saya ng lahat. 

Yan ang unang karanasan ko sa triple x. At dahil masaya pala siya, mas naging interesado akong makanuod lagi. Isang araw, nakita ko sa aparador ng Papa ko ang isang VHS tape na may pamagat na Bangkok Nights. Medyo may clue na ko na triple x ‘to kaya hinintay kong maggabi at ng tulog na silang lahat, sinalang ko sa sala ang tape at tama nga ako! Umaatikabong aksyon ang nasaksihan ko. Sa sobrang saya ko, nakuwento ko sa mga kaklase ko kinabukasan ang bagong nadiskubre ko at may isa akong kaklase (itago na lang natin sa pangalang RonRon) ang humiram nito. So pinahiram ko naman. Pero doon ako nagkamali. Kinabukasan habang kumakain kami ng almusal, tinanong kami ng Papa ko. Tanong niya, “sino ang kumuha ng VHS tape sa aparador ko?” Alam kong namula ang pisngi ko at bigla akong sumagot, HINDI AKO AH! Jusko, guilting-guilty ang drama ko! Kinuha ko kay RonRon ang tape at binalik sa aparador. Mukang ubra naman ang ginawa ko kasi hindi na nagtanong si Papa. Paminsan, hindi lang mga triple x ang nakikita ko dun. Meron ding mga rated R lang gaya ng Molata ni Aya Medel. Saya!

‘Nung college na ko, hindi na masyadong uso ang VHS. VCD na siya. May nakita ako sa bag ng Papa ko isang beses. Nakakaloka! Si Snow White kasi ang bida! Hot ‘yung prince at more-more aksyon sila sa palasyo. Kahit ang evil queen, may aksyon din sa mga tauhan niya. Pero ang pinakanakakaloka: ang aksyon ng mga dwende with Snow White! HINDI KO KINAYA.

College na rin ako unang nakapanuod ng M2M na mga porn. Minsan gusto ko siya, minsan parang nandidiri ako. Naalala ko 2006 ata ako unang bumili ng porn sa bangketa ng mga dvd sa Guadalupe. Bumaba pa talaga ako ng Guadalupe para bumili. Sabi ko kay kuya, “may porn kayo?” (gamit ang pinakamababa kong boses). But no, puro M2M ang binigay sa akin. Ganun pala ako ka-obvious. Haha.

Ngayon mas madali na ang lahat. Isang download lang sa internet, meron ka na agad. Somehow nakakamiss ‘yung maghahanap ka pa talaga ng sarili mong kopya. May kaibigan ako, may collection ng porn. Kung magbigay sa akin, wagas lang.

Hindi ko alam ang point ng entry na ‘to. Siguro kasi bilang single, malaking tulong sa akin ang mga porn para sa pangangailangan na ‘yun. Takot kasi ako sa casual sex eh. Masaya na ko kung ginagawa ko sa sarili ko. Pero may mga pagkakataon rin naman na naiinis ako. I want the real thing! Ayoko ng manuod lang. Pero bigla ko pa rin maiisip na tiis-tiis muna. Si HIV ples, nakaantabay kasi. 

PS
Favorite ko ang Corbin Fisher at ‘yung Out In Public! Haha. 

*RANG – pinaikling barangay. Sinasabi kapag ang dami mo ng sinasabi/rason/excuses. Ibig sabihin, sa barangay ka na lang magpaliwanag.

***

Zack and Miri Make a Porno is a 2008 romantic comedy film written and directed by Kevin Smith, distributed by The Weinstein Company, and starring Seth Rogen and Elizabeth Banks. It is Smith's second film (after Jersey Girl) not to be set within the View Askewniverse and the first not set in New Jersey. 

It was released on October 31, 2008. The poor box office performance of the film damaged Smith's relationship with producer Harvey Weinstein after Smith blamed Weinstein for not spending enough to market the movie, an allegation Weinstein denies.