The Eni-Eni Edition
Nalulungkot ako tuwing nakikita kong wala akong bagong post sa blog na ‘to. More basa, more fun na lang kasi ang ginagawa ko. Ewan ko ba at hindi ako makahanap ng inspirasyon o ng kahit topic man lang para makapagsulat. Parang ang boring ng buhay ko ganyan? Pero dahil napakarandom naman ng mga tweets ko sa twitter, naisip kong gumawa ng entry na kung ano-ano lang. Kung ano lang maisip ko ganyan. Kaya nga ang title nitong entry na ‘to ay ENI-ENI Edition. Pass muna sa mga movie titles.
*****
Galing akong Sagada ‘nung holy week. Bale nagbyahe kami ng Wednesday night tapos nakarating ng Thursday morning. Dati, hindi talaga ako nakakatulog sa bus. Naalala ko ‘nung nagpunta kami sa Pagudpud ‘nung 2008, 12 hours akong gising. Para lang tanga. Buti na lang at nakatulog ako sa particular trip na ‘to. Ang ganda ng mga bundok at puno sa Mountain Province. Mas beach (or bitch) person ako pero nakakamangha talaga ang mga bundok dito. Lalo na ang Rice Terraces. Surreal eh. Nababa namin ito ‘nung nagpunta kami sa Bomod-ok Falls. Hinawakan ko talaga! Deadma na! Sa postcards ko lang nakikita ‘to dati, arte pa? Intense ang ganda! Surreal!
*****
Nakakatawa na may pagong sa lababo ng inn na pinagstayan namin. As in buhay na pagong ito. Hindi makafocus ‘yung iba kong mga friends sa paghuhugas ganyan. Ako deadma lang naman kasi pinaglihi talaga ako kay Pong Pagong. So more friendship kami ng pagong ganyan. Kapag nakita n’yo ko, mapapansin n’yo na mukang mata ng pagong ang mata ko. Sabi ni Mama, pinaglihi rin daw ako sa sopas kasi sobrang puti ko ‘nung pinanganak ako. Ang dami palang pinaglihi sa sopas ano? Hihi. Balik kay Pong Pagong, may event dati na kasali ‘yung theater org ko sa UP at kasali rin si The Kuya Bodjie. Ang hindi makarelate kay Kuya Bodjie, either soper bata mo pa or pinagkaitan ka ng kabataan, hello Batibot? Hindi kami magkandamayaw kay Kuya Bodjie. Kinilig ako kasi sabi ni Kuya Bodjie sa autograph niya sa akin, masuwerte raw ako kasi pinaglihi ako kay Pong Pagong! Ansabe?
*****
Limang taon na ko sa work ko ngayon. Pero gusto ko na umalis. Naghahanap ako ng bagong work. Hindi ko rin alam kung ano. Pero basta gusto ko na ng bagong work. Tutal tapos ko na naman ang course subjects ko sa Masters ko, I think kakayanin ko na ang thesis kahit medyo toxic sa work. Gusto ko na rin matapos ang MA ko para makamove on na ko at maplano ko ng maayos ang buhay ko. Ang saya pala kasi uno ako sa Anthropology 225 (Philippine Culture) class ko! Gusto ko lang magpasalamat sa mga bloggers kasi kayo ang final paper ko! Yes, about Filipino Gay Blogging ang paper ko. Hindi ko na babanggitin ang mga kinuha kong subjects na blog kasi hindi na ko nakapagpaalam sa kanila pero salamat talaga! Iniiisip ko pa kung ipopost ko ang paper ko rito o iemail ko na lang sa mga gustong makabasa. Medyo mahaba kasi, more than 20 pages.
*****
Nagkaroon ulit ng bonding ang mga bloggers last time sa Eastwood. Soper saya ples. Alam n’yo na yan, sa mga nakasama. Ang kulit ng mga tao at ang kulit ko. Haha. Nakakatuwang makasama ang mga bloggers kasi sa likod ng mga blog nila ang mga totoong ugali at kalokohan na mayroon sila. Iba eh. Excited na ko sa susunod na kitaan.
*****
Nakipagdate ako ulit ‘nung isang buwan. Someone I met in Grindr. Yes, alam ko naman na isa lang ang pakay ng mga tao dun pero nagbakasali lang ako. I met this guy na okay talaga. Nagjive agad kami at nagkulitan sa text. Sweet na ganyan. He works in a TV station so medyo mahirap magtagpo ang mundo namin pero nagawan naman ng paraan. It was a Tuesday when we decided to meet. Medyo napapagod na rin talaga ako sa kawalang-kadalaan ko sa pakikipagdate na namimeet ko sa mga gay sites. Bago kami nagkita, nagpray ako kay Papa Jesus na kapag hindi pa rin ito nagwork, ayoko na muna talaga. Mukang hindi talaga para sa akin ang lovelife. Sabi ko pa, magfofocus na lang ako sa paghahanap ng bagong work. Nagkita kami sa Gateway. When I saw him, nagustuhan ko naman ang nakita ko. Medyo awkward pa sa simula nung magkatabi kami sa sinehan pero ng tumagal na, hinawakan niya ang kamay ko. Nagpaubaya naman ako. Ang saya sa pakiramdam. We had dinner at uminom ng konting beer sa Cubao X. Naglakad ng magkahawak ang kamay sa Cubao ng ala-una ng madaling araw. Aaminin ko na noong moment na ‘yun, alam ko siya na.
*****
Nag-BBM pa kami ng sumunod na araw. Pero napansin ko na hindi na siya ganun ka-sweet. Hindi ako nagparamdam nung sumunod na araw kasi gusto kong siya ang mauna sa amin. Pero hindi na siya nagparamdam sa BBM. Nagets ko naman. Nagtext ako nung sumunod na araw. “Hi. Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero gets ko na. Have a great day.” Walang reply.
*****
Naging malinaw naman sa usapan namin ang lahat ng karanasan ko na mareject. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa niyang maging sweet ‘nung nagkita kami kung hindi naman niya ako trip. Or pede naman magsabi sa text or BBM na ayaw na niya. Pero ‘yung biglang maglaho ng walang pasabi, that’s bullshit. Nakakainis. Nakakagago. Madali naman ako kausap eh. Sana naging mas malinaw lang ang lahat sa akin.
*****
At ayun nga. Ayoko na muna isipin ang lovelife ko. Sa totoo lang, hindi naman sa pagbubuhat ng bangko, disente naman akong tao. May trabaho. May sense kausap. Ayos ang itsura (yes, hindi masyadong pogi pero puwede na. Haha!). Parang, ginawa ko naman ang lahat para makahanap ng karelasyon at kung wala pa rin, hindi ko na siguro kasalanan. Sa ibang bagay ko na lang muna itutuon ang buhay ko. Kung dumating siya, eh di masaya. Kung hindi naman, ayos lang din.
*****
Sabi ko, eni-eni lang ang mga ilalagay ko. Biglang naging seryoso. Para akong tanga minsan. Hindi ko na alam ang gagawin sa buhay ko. Kahit nga umarte ulit sa play, hindi ko magawa. Parang hindi ko mahanapan ng panahon. Sa mga kaibigan ko, parang ang loser-loser ko. Olats na work, maliit na sweldo, walang lovelife ganyan. ‘Nung napanuod ko nga ‘yung movie na Bridesmaids, naiyak talaga ako kahit comedy naman talaga siya. Super relate lang ako dun sa bida. Pero gaya nga ng pelikula na ‘yun, kailangan mong magsimula somewhere. Kailangan mo tanggapin na may mali at itama ‘yun kung kaya pa. Kaya nga sa ngayon, unti-unti ko nang ginagawa ang mga plano ko. Maghanap ng bagong work. Bumalik sa gym. Tapusin ang MA. Hopefully makabalik sa teatro.
*****
Para kay S, na ginawan ako ng ilang entries sa blog niya, muli, salamat sa mga ito. Kung nasaktan man kita sa tingin mo, sorry ulit. Sana maging masaya ka sa buhay mo at sana mahanap mo na talaga ang taong magmamahal sa’yo. Kung tingin mong naging masama ako kasi tuluyan na kitang inalis sa buhay ko, darating ang panahon na maiintindihan mo rin kung bakit ko ginawa ‘yun. Sa anumang laban ng buhay, lagi mong unahing iligtas ang sarili mo. Kasi kahit isang milyon pa ang kaibigan mo, trust me, sarili mo lang ang mapagkakatiwalaan mo sa huli.
*****
Ang ibig sabihin pala ng eni-eni ay kung ano-ano. Mula sa salitang anything, na naging any-any na pinajologs lang ang spelling. Haha. Naging favorite expression namin ng mga kaibigan ko kasi sobrang random ng mga ginagawa namin lately. ‘Yun lang.
at dahil marami kang sinabi, etong sa 'yo.. :)
ReplyDeleteNatey! Sobrang salamat sa suporta! :D
DeleteEni eni man, at least may naisulat. It's nice to read you again. :)
ReplyDeleteAy si idol! Salamat po! Sana next time, mas maayos akong makapagsulat! :D
Deleteay ako kay kiko matsing pinaglihi hehe :P sabi nga pagnasimulan nang ihabi ang mga salita bubuo na ito ng katha ;) eni eni lang hehe
ReplyDeleteSo does it mean na bagay talaga tayo? Hahaha. Miss kita sa twitter! Salamat sa pagdaan! :D
DeleteBesfrennnn!!! nalungkot naman ako sa grindr date mo. :( hayaan mo siya. dini deadma.
ReplyDeleteand yes na bother ako sa pagong sa lababo.
Ayos na yun! May karma naman! Hehe. :)
Deleteinfairness na enjoy ko ang eni eni na ito hehe...
ReplyDeletemejo gago nga yang naka meet mo. sweet kunyari para di ka makaramdam na ayaw niya talaga sau?tapos biglang maglalaho?hay nku that guy is bullshit. full of bullshit. LOL
affected much ako?hahahaha
Kalma Mac! Haha. Digital na naman ang karma eh. Hayaan na natin. :P Salamat sa pagdaan!
Delete