Posts

Showing posts from August, 2011

Splash*

Image
M alaki ang pagkahilig ko sa mga  sirena.  Hindi ko alam kung paano nagsimula ang lahat pero sa pagkakatanda ko, bata pa lang ako, sobrang nahuhumaling na ako sa kanila. Mga apat na taon siguro ako  noon , naaalala kong pagguhit ang isa sa pinagkakaabalahan ko. At mga sirena ang madalas kong ginagawa (yung iba ay si Papa Jesus na nasa krus, mga mangingisda na nasa laot, bukirin, mga poster ng pelikula partikular ang “Dito sa Pitong Gatang” nina Nanette Medved at Fernando Poe Jr.). Iba iba ang mga senaryo. May masayang lumalangoy sa ilalim ng dagat, may mga nagpapahinga sa dalampasigan, mga nagtatago sa mga malalaking bato at kung anu ano pa. Hindi pa nga ako nakuntento at pinipilit ko si Mama na iguhit ako ng sirena sa karton ng gatas at pagkatapos ay gugupitin niya at lalaruin ko. Mula sa pagguhit at paggupit ay nauso ang mga laruang sirena. Naalala ko na sobrang pinilit ko si Mama na ibili ako ng mga de-susing sirenang laruan. Makulay ang laruan na yun. Plastik ang ka

Just My Luck

P ara iwas muna sa nakakabagabag na drama ng buhay ko, naisip kong ibahagi ang kwentong ito sa blog ko. Hindi naman ‘to paglayo sa tema ng blog ko kasi sabi ko naman jan sa itaas na bahagi, ang buhay ay puno ng drama or comedy rin. Haha. Ewan ko lang kung comedy ba talaga ‘tong kwento na ‘to o isang tragedy ala Oedipus Rex. Pero syempre, magdadahilan ako jan dahil ang depinisyon naman ng tragedy ayon kay Plato (sa kanyang Poetics) ay may pagkakamali sa desisyon at paghusga ng pangunahing tauhan. Sa kwentong ‘to, parang may halo ng divine intervention eh. Oo alam ko naman na dapat sa barangay na ‘ko nagpapaliwanag. Ganito kasi 'yun. Isang araw, may nagtext sa'kin. Number lang at nagpapacute. Okay naman ako sa konsepto ng textmate pero gusto ko naman malaman kung saang lupalop nila nakuha ang number ko. So more tanong-tanong ako ganyan. ‘Nung una, more pacute pa si koya na kesyo na-wrong send genyan. Eh hindi naman ako tanga at ipinanganak kahapon. So napilit ko rin siya. P

Life is a Dream

I dream that I am here of these imprisonments charged, and I dreamed that in another state happier I saw myself. What is life? A frenzy. What is life? An illusion, A shadow, a fiction, And the greatest profit is small; For all of life is a dream, And dreams, are nothing but dreams.  - from La Vida Es SueƱo by Pedro Calderon dela Barca ----- Life is a Dream is a 1987-film. A baroque mix of revolutionary politics, pop culture, and semiotics, loosely based on the play by Pedro Calderon de la Barca. A young prince learns that life is just a dream from which we wake when we die, and that dreams may be as real as life.

Reality Bites

S a araw na ito ay yayakapin ko na ang mga katotohanan sa aking buhay. Ang dami kong napagtanto nitong mga nakaraang araw. May mga masasaya, at mayroon din naming malulungkot. Una na siguro ang tungkol sa Masters ko. Ang totoo, kulang na lang ako ng 6 units (theater elective at cognate) para magtuloy na ‘ko sa aking thesis.  Kaya lang sa semestreng ito, hindi sila nag-offer ng theater elective kaya imbes na pagsabayin ko na, nauwi ako sa 3 units ngayon at ‘yun nga ang aking cognate. Pinili kong kunin ang Panitikan at Lipunan, dahil na rin sa aking paniniwala na malaki ang kinalaman ng lipunan sa uri at mga produkto ng panitikan sa isang partikular na lugar. Naging professor ko na rin ang magtuturo nito kaya naisip kong, magiging masaya naman ang kurso na ito.  Nagsimula ang klase at mali ang akala ko. Iba ang layunin ng kurso at lubha itong kukuha ng oras at atensyon ko. Noong nakaraang buwan, nahirapan na ‘ko magdesisyon pero binigyan ko pa ng isang pagkakataon dahil na rin sa

The NeverEnding Story (Finale)

H indi ako nagdalawang isip. Nagpaalam ako sa kaibigan ko at masaya silang lahat para sa akin. Nagkita tayo sa Megamall. Abot-tenga ang ngiti ko. Nanuod tayo ng Kungfu Panda at naghiwalay sa laksa-laksang tao sa Shaw Boulevard. Bago ka sumakay ng bus, niyakap mo ako. Nagulat ako pero lumundag ang puso ko. Tinext kita na nag-enjoy ako sa panunuod natin. Nagtext ka na nag-enjoy ka sa “bonding” natin. Wow. Bonding lang pala sa’yo yun. Pero hayaan na natin. Muli, ang importante nagkasama tayo at nagkaraoon ng oras sa isa’t isa. Kahit alam ko, na matapos tayong manuod ay magkikita kayo nung dinedate mo at doon ko pa nga matutulog. Oo, hinayaan kong maging tanga ako. Maraming mga kaibigan natin ang nagsasabi na itigil ko na ‘yung ginagawa ko sa’yo. Wala naman talagang pag-asa. May mga gabing, nalulungkot ako. Muli, dahil alam kong kaya kitang paligayahin at ibigay ang mga nais mo. Nananalangin na sana, mas simple na lang ang buhay  - yung gusto mo, gusto ka rin. Mas marami sigurong

The NeverEnding Story (Part 2)

D umating tayo sa bahay n’yo. Konting kantahan at dinner, tapos nagpasya na tayong matulog. Kung dati, sa labas ako lagi natutulog gamit ang sofa bed mo (dahil ayoko ng masikip at umaasa ako na tatabi ka saken), sa pagkakataong ‘yun, pumayag na akong matulog sa kama mo. Dahil lubhang maloko ang kaibigan natin, at alam niya ang pagnanasa kong makatabi ka, nangyari ang dapat mangyari. Si kaibigan, ikaw sa gitna, ako sa kanan mo. Mula alas dose, nag-uusap lang tayo. Patay ang ilaw, malamig ang aircon at tanging ang kaitiman ng gabi ang ating saksi. Walang mga salita ang makakapantay sa sayang nararamdaman ng aking puso.  Nagkwento ka tungkol sa ex mo, sa dinedate mo ngayon at sa mga pangarap mo. Habang nagsasalita ka ay naglalakbay ang diwa ko. Mga posibilidad. Mga pangyayaring puwedeng maganap kapag naging tayo. Oo, hindi ko sinasabi sa’yo. Pero pinapangarap kita. Kasi alam kong mapapaligaya kita. Pumatak na yata ang alas-tres at kusang pumipikit na ang mga mata natin. Nag-goodnight

The NeverEnding Story (Part 1)

H indi ko alam kung 2007 o 2008 ba tayo unang nagkakilala. Nakilala kita kasi madalas ka sa tambayan namen. Yung mga orgmates ko, sabay-sabay pa kayong kumakanta. Hindi ka pa tapos mag-aral ‘nun. 4 th year college ka na pero mukha ka pa ring high school. Oo, yun ang itsura mo. Ang liit-liit, ang payat-payat. Balita ko rin, pinagdududahan nila ang tunay mong kulay. Eh paano, ang sweet n’yo naman ni S. Hindi tayo naging close ‘nun. Wala rin namang chance. Lumipas ang mga buwan at taon, tama ang hinala nila. Bading ka. At magsyota kayo ni S. Nagsama pa kayo sa isang apartment sa teacher’s village. Fast forward tayo sa 2010. Nagkikita naman tayo paminsan-minsan sa mga okasyon. Lalo na kung may mga videoke na involve. Ang galing mo kumanta. Para kang si Jason  Mraz. Na paborito mo rin naman talaga. Kuhang-kuha mo yung mga falsetto. Sa liit mong yan, nakakatuwang makitang bumibirit ka ng mga kantang kikiligin ang mga tao. Sa akin, ganun ka pa rin. Hindi ko alam kung bakit. Hindi lan