Reality Bites
Sa araw na ito ay yayakapin ko na ang mga katotohanan sa aking buhay.
Ang dami kong napagtanto nitong mga nakaraang araw. May mga masasaya, at mayroon din naming malulungkot. Una na siguro ang tungkol sa Masters ko. Ang totoo, kulang na lang ako ng 6 units (theater elective at cognate) para magtuloy na ‘ko sa aking thesis. Kaya lang sa semestreng ito, hindi sila nag-offer ng theater elective kaya imbes na pagsabayin ko na, nauwi ako sa 3 units ngayon at ‘yun nga ang aking cognate. Pinili kong kunin ang Panitikan at Lipunan, dahil na rin sa aking paniniwala na malaki ang kinalaman ng lipunan sa uri at mga produkto ng panitikan sa isang partikular na lugar. Naging professor ko na rin ang magtuturo nito kaya naisip kong, magiging masaya naman ang kurso na ito.

Nagsimula ang klase at mali ang akala ko. Iba ang layunin ng kurso at lubha itong kukuha ng oras at atensyon ko. Noong nakaraang buwan, nahirapan na ‘ko magdesisyon pero binigyan ko pa ng isang pagkakataon dahil na rin sa pakiusap ng mga batchmates ko na kaklase ko rin dito. Noong Huwebes, ang tagal ko pang sinuyod ang library para kumuha ng mga gagamitin ko sa aking paper. Akala ko, okay na ‘yun. Pero nitong Sabado at Linggo, wala talaga akong kagana-ganang basahin ang mga nakuha ko. Ayoko na lokohin ang sarili ko. Wala na talagang pag-asa. Kailangan ko ng i-drop ang kurso na ‘to.
Naiinis ako sa sarili ko kasi hindi talaga ako sumusuko agad-agad sa isang bagay. Hindi ako ganun. Kapag nasimulan ko, kadalasan tinatapos ko talaga. Pero siguro dala na rin ng marami ko pang isyu sa sarili ko, natupok na rin ang aking pagnanais na paabutin pa ito hanggang Oktubre. Hindi naman siguro kakulangan sa aking pagiging isang estudyante, kung magdrop ng isang kurso. Hindi ko naman ‘to major at maaari naman ako kumuha ng iba pa. Hindi lang ito talaga para sa akin. O maaaring hindi ito ang tamang panahon para kunin ito. Paalam sa’yo, Panitikan at Lipunan.

Gusto ko na rin magpaalam kay D. Natawa ako ‘nung Biyernes kasi nagtweet siya na ibigay ko na raw kasi ang link ng blog ko. Kung alam niya lang na sa limang entries na nandito, tatlo ‘dun siya ang laman. Saka na siguro. Pero tungkol pa rin kay D, naisip ko na kailangan ko na tumigil. Mukha na akong tanga sa walang katapusang paghihintay at pag-asa ko. Hindi na siya makatarungan sa aking sarili. Kung tutuusin, mas marami naman talagang dapat pagtuunan ng pansin – kaibigan, pamilya, trabaho, at sarili. Hindi naman kailangan iasa sa ibang tao ang pagpupuno ng damdamin, o hindi nga ba talaga?
Hindi pa ako isandaang porsyentong sigurado kung makakalimot ako agad, pero pipilitin ko. Sisimulan ko ngayon. Kailangan ko muling masanay na hindi kagaya ng pelikula, wala naman happy ending sa aming dalawa. Sabi nga ni Jolina sa isang pelikula, “kaibigan mo lang ako.” Masasanay din ako. Nagtext na rin ako kay R, ang lalaking tila nagpapasaya ngayon kay D at nagsabing nadala lamang ako ng aking emosyon kaya ako nakapagtweet ng kung anu-ano sa twitter. Nabalitaan ko kasing natakot at nahiya daw siya sa akin. ‘Yung nahiya, kalabisan ‘ata. Hindi naman ako ang boyfriend ni D. Wala naman akong kontrol dapat. Ayoko naman basta na lang tigilan ni R si D ng dahil sa akin, kasi kailangan talaga ni D ng mga kaibigan. Kaya sabi ko rin sa text, basta alagaan niya lang at huwag saktan si D, magiging masaya na ko.

Nakakatakot harapin ang mga katotohanan na ito na aking hinaharap sa ngayon. Pero kailangan kong tapangan pa para maging matatag at handa sa mga ito. Sana kayanin ko.
-----
Reality Bites is a 1994 American romantic comedy-drama film written by Helen Childress and featuring the directorial debut of Ben Stiller. It stars Winona Ryder, Ethan Hawke and Stiller, with major supporting roles played by Janeane Garofalo and Steve Zahn. The film was shot on location in Austin and Houston, Texas in 42 days. The plot is centered on Lelaina (Ryder), an aspiring videographer working on a documentary called Reality Bites about the disenfranchised lives of her friends and roommates (Hawke, Garofalo, and Zahn), and to a certain degree, about Lelaina herself. Their challenges, both documented and not, exemplify some of the career and lifestyle choices faced by Generation X.

This too, shall pass.. Pakatatag ka lang..
ReplyDeleteGiving up can sometimes lead to better opportunities..
suggestion lang..
ReplyDeletepag mahaba ang entry mo create ka ng illusion na di xa ganun ka kahaba..
do it by paragraphs. kasi masyado silang dikit dikit nakakahilo at nakakaduling.
suggestion lang po :)
----------------
about sa entry mo naman.
tama naman yung ginawa mo, kesa naman sa magpatali ka sa isang bagay na hindi mo naman talaga gusto :)
sa lovelife naman, kung anu sa tingin mo ang makakabuti at magpapasaya sayo dun ka!
smile! life has many things to offer hindi lang si D
mangisda ka pa wag kang tumigil sa iisang lugar lang.. :)
Yihhhhheeeeeeeee.... charot!!!!! ahahaha. smile ka na besfrennn.... ahahaha. Dinedead. dineadeadma lang si D noh! ahahaha. nga pala, nakuha mo na yung number?! ayiiii
ReplyDeleteayun oh!tapang tapangan kunwari! :) hehehe
ReplyDeletetama si @greenbreaker pakatatag lang :) sabi nga diba kung hindi uukol hindi bubukol! ;)
GB: Uy Joe salamat! Ayos na sana ang plano pero nag-email back ang prof ko at gumulo ulit. Haha. Bahala na. I still have 2 days to decide kung idadrop ko na talaga. At taga-Pasig ka pala? Pasigueno din ako. :D
ReplyDeleteShenanigans: Salamat sa muling pagdaan. Sige susundin ko ang iyong payo! Hehe. At about kay D, mukang improving kase hindi ko na rin gaanong naiisip. May panaka-nakang sagutan sa twitter pero hanggang dun na lang muna. :)
Ronron: Hahaha. Wala akong number na kukunin!
Yehosue: Hi crush, este Yehosue! Haha. Salamat sa pagdaan ulit. Sige tatatagan ko pa! :D