The NeverEnding Story (Part 2)

Dumating tayo sa bahay n’yo. Konting kantahan at dinner, tapos nagpasya na tayong matulog. Kung dati, sa labas ako lagi natutulog gamit ang sofa bed mo (dahil ayoko ng masikip at umaasa ako na tatabi ka saken), sa pagkakataong ‘yun, pumayag na akong matulog sa kama mo. Dahil lubhang maloko ang kaibigan natin, at alam niya ang pagnanasa kong makatabi ka, nangyari ang dapat mangyari. Si kaibigan, ikaw sa gitna, ako sa kanan mo. Mula alas dose, nag-uusap lang tayo. Patay ang ilaw, malamig ang aircon at tanging ang kaitiman ng gabi ang ating saksi. Walang mga salita ang makakapantay sa sayang nararamdaman ng aking puso.  Nagkwento ka tungkol sa ex mo, sa dinedate mo ngayon at sa mga pangarap mo. Habang nagsasalita ka ay naglalakbay ang diwa ko. Mga posibilidad. Mga pangyayaring puwedeng maganap kapag naging tayo. Oo, hindi ko sinasabi sa’yo. Pero pinapangarap kita. Kasi alam kong mapapaligaya kita. Pumatak na yata ang alas-tres at kusang pumipikit na ang mga mata natin. Nag-goodnight na tayo at nagpasyang matulog. Nakatulog ako pero saglit lang. Ang katotohanang katabi na kita ay sadyang mahirap arukin. Suryal ang bawat minuto at segundo para sa akin. Madilim ang paligid pero mga makukulay na bahaghari at bituin ang nakikita ko. Walang pagsidlan ang galak sa aking puso. Nararamdaman ko ang init ng iyong katawan. Masarap ito sa pakiramdam.
Parang pelikula ang mga susunod na eksena. Kumakabog ang dibdib ko. Hindi naman ako nastroke pero hindi ko magawang igalaw ang katawan ko. Gusto kitang yakapin pero wala akong lakas ng loob. Patuloy ang kabog ng dibdib ko. ‘Yun na lang ang tunog na naririnig ko sa buong kwarto mo. Sumisigaw na sila. At sinunod ko ang bugso ng aking damdamin.
Niyakap kita. Niyakap kita ng buong pagmamahal. Wagas at dalisay na pag-ibig. Matapos ang ilang buwang pag-iisip, ang gabing ‘yun ang patunay ng aking pagtangi sa’yo.  Hindi ko alam kung kailan ako huling umibig, pero alam ko, nung gabi na ‘yun, yun ang nararamdaman ko. Hindi mo man sinuklian ang mga yakap ko, sapat na sakin ang pag-apruba mo sa mga ito.
Umuwi akong buo na ang pasya. Mahal kita.
At gagawa akong paraan para maging tayo. Ayoko namang wala akong gawin para sa nararamdaman ko. Bahala na kung anuman ang maging resulta nito. Ang importante, malaman mo ang pagsinta ko.
Lunes, may concert ang Maroon 5. Napag-usapan natin na gustong-gusto mo manuod pero wala ka namang ticket. Hindi ko alam kung tinulungan ako ng langit pero hindi na tutuloy ‘yung kaibigan ko, at magkakaroon ako ng spare ticket. Wala na ‘kong ibang maisip na isama kundi ikaw. Tinext kita, pumayag ka agad. Para sakin, yun ang unang date natin. Masama na kung masama pero ito yung mga lakad na alam kong hindi kayang ibigay sa’yo ng dinedate mo ngayon. Alam kong mababaw, pero may mga ekspektasyon ka sa isang relasyon. Aminado ka naman ‘dun. Kaya nga nung sinabi mo ‘nung gabi na bakit ka laging napupunta sa mga lalaking walang trabaho, sa isip-isip ko, “tangena, kung ako na lang kasi diba?” Balik sa concert, iba ang epekto saken. Kasabay ng magandang boses ni Adam Levine, pareho nating ninamnam ang mga kanta nila. May mga pagkakataong inaakbayan kita, at ayoko ng matapos ang mga oras.
Martes, Miyerkules, Huwebes. Hindi ko na kayang dalin ang nararamdaman ko sa’yo. Gumawa ako ng isang note sa Facebook at ti-nag ang mga matatalik kong kaibigan. Sa note na ito, kinwento ko ang mga pangyayari na nagbigay sa akin ng desisyon para i-pursue ka. Parang sinabi ko sa mundo na mahal na mahal kita. Hindi ako sigurado kung nabasa mo ang note na ‘to. Wala akong narinig sa’yo.
Sabado, tinext kita. Niyaya kitang manuod ng Kungfu Panda. Hindi ako masyadong nag-expect pero pumayag ka. Ala-una ang usapan natin kasi sabi mo, kailangan mo pang kitain ang ka-date mo pagkatapos. Okay lang sa akin. Ang importante kasama kita. Pumayag ka. Pero biglang umulan. Malakas na ulan. Nagtext ka na baka mahassle tayo. Sabi mo, next time na lang. Nalungkot ako, pero okay lang. Totoo namang baka mahassle tayo. Sa likod ng isip ko, pati ba naman ang langit ayaw pumayag sa lakad namin?
Lumipas ulit ang mga araw. Lagi na kitang tinetext ng “good morning”. Bihira kang sumagot pero okay lang. Ang sa akin lang, alam kong naiisip kita araw-araw. Huwebes, nagtext ako. Niyaya ulit kita manuod ng Biyernes. Hindi ko pa rin pinanuod ang Kungfu Panda. Umaasa pa rin ako na matutuloy tayo. Wala akong narinig sa’yo buong Biyernes. Nagpasya na kong tigilan na ang ilusyon. Halata naman na wala kang kahit na kaunting pagtingin sa akin. Pinilit kong kontrolin ang mga nararamdaman ko. Nag-lie low muna ako sa pakikipagtext sa’yo. Ayoko namang isipin mo na ikaw lang ang buhay ko. Hanggang may isang pangyayari na naganap. Nagalit ako at nainis. ‘Yun na siguro yung senyales na kailangan ko nang tumigil. Pero habang nasa isang party ako isang Sabado, nagtext ka. Tinanong mo kung puwedeng manuod tayo ng Kungfu Panda. 

Comments

  1. pakisabi kay *** Tang ina nya! ahahaha. Besfrenn, pagusapan natin ito sa Starbucks Gayway pag uwi ko!

    ReplyDelete
  2. @Ronron: Uy walang murahan please? Dalisay diba? Haha. Chika lang. :D Maraming beses ko na rin siya minura sa sarili ko, pero ako'y lubhang lumalambot kapag nakikita siya. :|

    ReplyDelete
  3. hay pagibig nga naman.....kungfu pandahin mo siya! lol

    ReplyDelete
  4. @kalansay: Uy salamat sa pagdaan! Haha. O diba, puro drama laman ng blog ko. Pero masayahin talaga ako sa personal. Kelangan ko lang talagang mailabas 'to. Done with the last part. :D

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Just My Luck

Melancholia

Hiram na Mukha