Just My Luck
Para iwas muna sa nakakabagabag na drama ng buhay ko, naisip kong ibahagi ang kwentong ito sa blog ko. Hindi naman ‘to paglayo sa tema ng blog ko kasi sabi ko naman jan sa itaas na bahagi, ang buhay ay puno ng drama or comedy rin. Haha. Ewan ko lang kung comedy ba talaga ‘tong kwento na ‘to o isang tragedy ala Oedipus Rex. Pero syempre, magdadahilan ako jan dahil ang depinisyon naman ng tragedy ayon kay Plato (sa kanyang Poetics) ay may pagkakamali sa desisyon at paghusga ng pangunahing tauhan. Sa kwentong ‘to, parang may halo ng divine intervention eh. Oo alam ko naman na dapat sa barangay na ‘ko nagpapaliwanag.
Ganito kasi 'yun. Isang araw, may nagtext sa'kin. Number lang at nagpapacute. Okay naman ako sa konsepto ng textmate pero gusto ko naman malaman kung saang lupalop nila nakuha ang number ko. So more tanong-tanong ako ganyan. ‘Nung una, more pacute pa si koya na kesyo na-wrong send genyan. Eh hindi naman ako tanga at ipinanganak kahapon. So napilit ko rin siya. Pinsan pala siya ng officemate ko dati at nakuha niya yung number ko ‘dun. Pinayagan ko na. Mabait naman katext at malambing. Bordering on jejemon pero ako kasi, naaaliw sa mga ganito kasi pakiramdam ko, ibang mundo yung nabibigay nila sa’kin. O 'diba, ako na ang mataas. Ako na ang mayaman. Hahaha. Pero seryoso, lahat naman may mga pagkakataon na trip lang natin na makipagkulitan at makipag-usap sa isang tao na kakaiba sa mga palagi nating nakakasalamuha.
Wala raw picture si koya. Sabi niya, simple lang daw siya at hindi naman ganun kapogi. Naniwala naman ako. Kasi nga, sweet naman. Ilang araw pa lang kami nagtetext, kinukulit na ko na gusto ko raw ba siyang maging boyfriend at nag-iilove you pa. Medyo nakakaloka pero nakakatuwa pa rin. Wala naman kasi akong lovelife at pampalipas ng oras at napupunuan niya ‘yung kakulangan na ‘yun. Siguro pagkatapos ng mga dalawang araw, nagyaya na kong makipagkita. Unang beses, hindi siya puwede. Ayaw raw siyang paalisin ng Tita niya at kailangan niya pang magluto. 'Nung una, okay lang sige. Pangalawang beses, siya na nagyaya tapos biglang bumack-out na naman. Eto medyo naasar na ko. Kalevel ba ‘to ni Jericho Rosales at may karapatang paasahin ako? Ang kapal din ah! Ganyan ang mga litanya ko. Sabi ko pa sa kanya, ‘wag na niya akong itext at guluhin. Pero mapilit si koya. Kung makapag-I love you, akala mo napupulot lang ang mga salita na ‘yun.
Tinamad na ko magtext sa kanya. Kahit malandi at mapusok ang mga texts ni koya, pinigilan ko ang sarili ko. Hanggang isang Huwebes ng umaga, siya na mismo ang pumilit sa akin na magkita kami. Kahit medyo inis pa ko, naisip ko, sige pagbigyan ko na para matapos na rin. Wala rin naman akong kahit anong magandang ekpektasyon sa kanya-pero may konting pag-asa na baka naman magclick kami. Lagi naman may pag-asa.
Ang usapan ay magkita sa isang mall sa Pasig ng alas-kwatro ng hapon. Bago pa mag-alas kwatro ay nasa mall na ako at umikot-ikot muna. Nagtext siya. Traffic daw at malelate siya. Sabi ko, siya na nagyaya siya pa late. Pero okay lang. Ang mahalaga, magkikita na kami. Mayamaya, nagtext siya ulit. Gusto niya raw na ibili ko siya ng t-shirt na tribal (aba specific din talaga at medyo makapal ang mukha)! Dahil ayoko naman mabad-trip na, sabi ko na lang sa text na pag-usapan namin pagdating niya. Lumilipas ang mga minuto at wala pa siya. Inis na inis na ko. Ayoko kasi ng late sa mga usapan lalo na at ikaw pa ang nagsabi ng oras. Pero muli, timpi-timpi muna.
Nagtanong ako kung ano ang suot niya kasi hindi ko naman nakita ang picture niya. Aba hindi sumagot! At binalik niya ang tanong sakin. So more sagot naman ako. Eto na. Nasa mall na raw siya. Magkita raw kami sa tapat ng McDonalds. ‘Yung totoo, hindi sa pagmamaganda ano, wala naman talaga akong ilusyon na pogi itong si koya. In fact, nag-expect ako ng lahat ng worst na puwede mong maisip sa isang ka-EB – mabaho, super bass na taba, marumi at madungis tingnan, baduy genyan. Hindi ako mapanglait pero I’m sure wala naman sa atin ang gustong makameet ng ganyan sa EB. Inisip ko na rin para hindi na ko masaktan at mabigla. Pero may nalimutan pala ako.
Kasi nung paglapit niya sa’kin, si koya pala ay
BINGOT. Yes guys, isa siyang bingot na hindi pa naooperahan. Isipin n’yo yung hiwa mula sa kanyang ilong hanggang sa kanyang labi. Tatambad ang kanyang ngipin.
“Ngori ngeyt aho (Sorry late ako).”
Umecho ang kanyang mga salita. In fairness sakin, mahihiya si Shamcey Supsup sa aking poise under pressure kasi hindi ako tumawa. Or tumakbo. Or tumawag ng sekyu. Hindi ko rin kasi maproseso ng tama ang mga pangyayari. Ang sabi ko na lang yata, tara lakad tayo.
Habang lumalakad kami at paakyat sa 4th floor ng mall ay napakaraming tumatakbo sa isip ko. Panlilinlang, panloloko, katatawanan at kung ano-ano pa. Naisip ko, para namang pelikula ang lahat. Surreal ba. Parang nasa iba akong dimensyon. Kasi naman, hindi ako handa. Major-major kasi yung bingot eh. Sabi nga ng friend ko, isa na itong disability at sana naihanda naman ako. Siguro iisipin n’yo na napakasuperficial ko naman pero kebs! Sige palit tayo. Ikaw kaya makipag-eb sa bingot! Hindi ko nga maintindihan ‘yung ibang sinasabi niya eh. Tsaka hindi naman niya sinabi na bingot siya. Medyo nanloko siya in a way.
Hindi ako tumawa sa buong usapan namin. Tinatanong ko siya kung ano gusto niyang gawin – movie, dinner, stroll – lahat ayaw niya. Sabi ko, sex? Yes folks, pikit mata ko na rin itong tinanong kasi malibog naman kami pareho sa text. Sa akin, para matapos na lang. Aba aba ang sabi ni koya, “ngusto ko, aho wen (gusto ko, ako rin)”. Para pala kay koya, pag nagsex kami, ako lang ang magbebenefit. So more explain ako na 2 way kase ang sex. At mas mag-eenjoy pa nga siya if ever. Aba ayaw niya pumayag! Kailangan daw may kapalit! Eh diba nga, nabanggit niya sa text ‘yung t-shirt na tribal. Mapilit siya talaga. Pinilit ko naman siya pakitunguhan ng maayos pero sadyang manggagamit si koya. Ang kapal ng mukha! Hindi na ko nakapagtimpi.
“You know what, I’m just 26 years old. I’m working and studying in UP. Now, what made you think na ibibili kita ‘nung gusto mo? At kung magbabayad ako sa sex, I’ll make sure na model type na ‘yung kukunin ko.”
Ayan nafeel ko yung climax ng eksena namin. Hindi naman ako mayabang talaga. Napikon na lang ako kasi kung straight siya, kailangan ba na laging may kapalit basta bading ang kasama nila? Willing naman ako ilibre siya ng dinner and movie pero ayaw naman niya eh. Hindi na siguro kalabisan ‘yung mga alok ko. Pero ‘yung ibili siya ng t-shirt? My gosh. Hindi ko keri ‘yung ideya na ‘yun. Hindi naman ako sugar daddy. At lalong hindi naman ako desperado para makipagsex lang. Oo mahina ako at single ng apat na taon pero kinaya ko naman. At tingin ko, may mga mabibighani pa rin naman sa itsura ko kahit itanong pa natin sa Mama ko.
After ng aking bonggang lines (feeling ko talaga umiikot ang camera ‘nung binigkas ko sila), sabay tayo at walk-out na rin ako. Tapos nagtext ako ng, “Ingat ka. Sorry but you’re wrong about me.” Mahihiya si Summer ng 500 Days of Summer sa line ko. Pero I meant it that time. I showed him kindness pero ano ang binigay niya?
Habang nasa tricycle ako pauwi sa bahay namin, hindi ko rin talaga nakontrol na tanungin si Papa Jesus kung ano ang gusto niyang ipaunawa sa akin. Doon pa lang kasi nagsisink-in sa’kin yung mga pangyayari. Parang hindi totoo, pero nangyari kasi eh.
Akala ko, hindi na ko uulit makipag-EB matapos ang pangyayaring ito. Pero matigas 'ata talaga ang ulo ko. Matapos ang ilang linggo, nakipag-EB ulit ako. Next time yung kwento.
-----
Just My Luck is a 2006 American romantic comedy film directed by Donald Petrie and written by I. Marlene King and Amy B. Harris. The film stars Lindsay Lohan and Chris Pine as the main characters. Lohan stars as Ashley, the luckiest girl in Manhattan, New York. She loses her luck after kissing Jake, portrayed by Pine, at a masquerade bash.
Just My Luck is a 2006 American romantic comedy film directed by Donald Petrie and written by I. Marlene King and Amy B. Harris. The film stars Lindsay Lohan and Chris Pine as the main characters. Lohan stars as Ashley, the luckiest girl in Manhattan, New York. She loses her luck after kissing Jake, portrayed by Pine, at a masquerade bash.
Ang sama ko kasi tawang-tawa ko. Sorry ha. Pero natawa naman ako hindi dahil sa bingot si kuya or isa akong mayabang na laitero kundi dahil nakakarelate ako ng bonggang-bongga. Pero mahirap na dito magkwento, haha.
ReplyDelete.
.
Nice one!
@Desole Boy: Hahaha. I-blog mo yan! Mas masaya sana kung live ko 'to ikuwento kase may acting talaga. Pero since imposible 'yun, eto muna. :)
ReplyDeleteako naman yung mga gusto maging textmate iniignore ko or sinusungitan, sayang lang load ko sa kanila.hehehehe
ReplyDeletepero ingat din sa mga eb kasi baka mapahamak ka. and its a good thing na imeet mo sila sa public place para safe.
kapal naman talaga ng mukha nagpapabili ng tshirt eh bago pa lang kayong magkakilala
may tanong lang ako DK.. kung natuloy ba ang chukchakan, makikipag LIP to LIPS ka ba sa kanya? hehehehe... ang sama ko.... hehehehe
ReplyDeleteAmbait mo 'teh.
ReplyDeleteMakakatagpo ka rin for sure. And remember you dont deserve to be treated that way.
Sya dapat ang umayon sa kanyang gandah.
Choz! :)
shit!!! nafeel ko yun pagkabigla mo! hahaha sana man lang sinabi nya di ba?
ReplyDeletekasi major yun!
pero bakit nga ba siya nagpapabili ng shirt?kaloka
at teka how come di mo binibigay sakin number mo?chos!
gandang kwento... buti ka pa nakaranas ng mga EB. ako nga kahit kelan di pa nakikipag-EB....
ReplyDeletenaloka ako kay kuya. kung ako ang nasa lagay mo, pag tingin ko pa lang sa kanya sa unang pagkikita, gugustuhin nya ng umuwi. makapag request pa ng shirt!
ReplyDeletebesfrennn, tawa ko ng tawa d2! ahaha. timeless tong EB mong to. ahahaha. :D
ReplyDeletebwahaha benta sa akin.
ReplyDeleteansamaaaa ko. lol
actually bwiset kasi siya. haha
nagsinungaling na nga siya, manghuhutohot pa.
nakakapikon din kasi yung stereotyping na porke bading ang kasama akala mo bibigay na sa sex... at excuse me sa kaniyang pagdemand ha?!
haha ansama ko pero actually hindi porke bingot siya dapat exempted siyang benggahin sa ginawa niyang yan. oo na ako na ang affected. haha
alam mo dapat tayo na lang textmates e. cheka. haha
funneeeeee
ReplyDeletethe nerve!
@Lonewolf: Wala nga akong mapaggamitan ng load ko kaya inentertain ko na rin. Haha. Tsaka baka okay naman diba? Pero as it turned out, isang malaking joke. Kung may magtetext ulit saken, okay lang naman pero pag walang pic, sorry pero ayoko na talaga. :D At try ko rin tawagan! Hahaha.
ReplyDelete@Juan: Honestly, hindi ko naisip nung moment na yun. Haha. Pero nung kinuwento ko na sa mga friends ko, tinanong din nila saken yun. Bwahaha. Hindi ko rin talaga alam. :D
@Miss Chuni: Kinikilig ako pag nagcocomment ka. Haha. Love ko kase yung blog mo. :)Sana nga lahat ng tao, inaayon lang sa ganda ang mga aksyon. Kaloka much.
@Mac: Gusto niya lang talaga! Akala niya ata, ibibili ko siya. Kapal ng mukha please! Hindi mo naman kase hinihingi, ibibigay ko naman. :P
ReplyDelete@Egg: Try mo rin! Haha. Masaya naman eh. Mas okay na mga Ebs ngayon because of the latest technology. Ewan ko ba kase kung bakit sobrang malas ko. :|
@Zaizai: Hindi ko rin talaga alam ang gagawin ko eh. Haha. Parang naging surreal ang lahat.
@Ronron: May mga ilang EB stories pa ko. Isheshare ko rin dito. Haha. Pero eto nga yung rurok. :D
@Kalansay: Agree ako sa lahat ng sinabi mo. Nakakakulo din talaga ng dugo kaya tinapos ko na ang usapan. Pinakitunguhan na nga ng maayos, magpapabili pa ng shirt. Umasta akala mo may patago. Haha. You can ask for my number! Or kita na lang tayo sa school. :D
@Bien: Salamat sa pagdaan! :D
hala, ang sama ko rin! tawa ako ng tawa! kainis naman kasi talaga yung mga taong ganun. kung makapagfeeling, akala mo ke gwapo!
ReplyDelete@GB! Ayan naedit na. Haha. Salamat. Pasensya na at maarte. Gusto ko kase 100% anonymity. Hindi lang ke gwapo! Akala mo walang hiwa sa mukha! Haha. Okay fine ang sama ko. Eh kase naman siya nauna eh! (Rang!)
ReplyDeletehahaha... sadyang may mga taong makapal lang talaga.... ehehehe...
ReplyDeleteno comment.. hahahahahaha!
ReplyDeleteNakakaloka ka! Ang lakas ng tawa ko dito. Opportunistang mimi siya, kamo. haha
ReplyDeleteBwahahaha! Shiiiiiiit. Naalalala ko tuloy yung ginawa ko sa friend kong si Khikhi... binigyan ko sya ng textmate na... borrowing citybuouy's term, mimi rin.
ReplyDeleteKupal naman yang naka-eyebol mo hahaha
ayoko sana basahin kasi ang haba pero worth it pala. I'm really entertained lalo na may mga naka-EB akong sablay. Pareho tayo kasi never ko silang binastos at pinakisamahan naman yun nga lang sila pa yung may lakas ng loob na palabasing "my loss not them" LOL
ReplyDelete@Jessica: Naku sinabi mo! Haha. Nakakapangilabot! Salamat sa pagbabasa! :)
ReplyDelete@Shenanigans: Hahahaha. Pede naman maging masama. :D
@Citybouy: Yay idol salamat! Buti napasaya kita sa aking post na 'to. :D
@Glentot: OMG! The Glentot was here. I'm honored! May ganun! Haha. Idol ka eh. Kupal to the nth level. Hi kay Khikhi! :) Pakilala ko siya kay ThiThi. :D
@Ardent: Salamat at binasa mo. Ang dami ko ng sablay na EB. Sana makuwento ko sila lahat rito. Salamat sa pagdaan. :D
bakit ngayon ko lang to nabasa? tawa ko ng tawa, shet. may exceptions ang pagiging mabait sa kapwa. he doesn't deserve that privilege from you.
ReplyDelete@Nox: Haha. Kukuwento ko ng personal 'pag nagkita tayo. :D
ReplyDelete