I Am Legend

May attempt akong puro movie titles yung magiging title ng posts ko. Haha. Sana mapanindigan. Para swak sa tema ng blog. Mahihiya yung Gossip Girl. Pero yung saken, walang twists. Ayoko na mag-isip. Dahil napag-usapan na rin ang tema, medyo nakakahilo 'tong blogger ah. Ang daming magandang themes, backgrounds, colors pero nagstick na ko sa gamit ko ngayon kasi mahilig ako sa mga tao. Mahilig makipag-usap, makinig, makipagkulitan at kahit manuod lang. Sabi samen sa teatro, ang pinakamabisang paraan para maging mahusay na artista ay magmasid ng mga tao. Umupo ka sa isang coffee shop, tapos mag-observe ka lang ng isang tao tapos ang dami mo ng malalaman sa mga kilos niya. 

Pero hindi pala tungkol sa acting ang post na ito. Hindi rin ito tungkol sa pelikula ni Will Smith. Tungkol ito sa akin. Para naman may konting background kayo sa nagpapakilalang si Drama King. 

1. Una, 26 years old na ko. 5'10, hawig ni John Lloyd (Haha. Gusto ko maniwala kase sabi ng mga officemates ko), medyo maputi, muntik ng maging chubby pero buti na lang naagapan ko at ngayon ay pinipilit na magpaganda ng katawan sa gym. 

2. Isa akong guro habang tinatapos ang aking masters sa teatro. Pero hindi theater arts ang undergraduate ko. 

3. Mahilig akong manuod ng mga pelikula kaya feeling ko minsan, pelikula rin ang buhay ko. Nung nilabas ni KC Concepcion yung kanta niyang Not Like The Movies, sobrang nakarelate ako. Naiyak nga ako. Ako na ang emo. 

4. Madami akong kaibigan. As in. Meron sa college, merong mga orgmates ko, at meron nung high school ako. In fact, lagpas 1000 ang friends ko sa Facebook. 

5. Mama's boy ako. Si Mama ang pinakamahal kong tao sa buong mundo. 

6. Nagkaroon ako ng girlfriend nung high school. Tapos habang kami pa, nagkaroon din ako ng boyfriend. Pinili ko si boyfriend pero iniwan niya rin ako eventually. Nagdugo ang puso ko. Buti na lang, nakabili ako napkin. 

7. Apat na taon na akong single. Ang huling nakarelasyon ko, nung 2007 pa. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon single pa rin ako. Minsan gusto ko na maglaslas. Buti na lang marami akong kaibigan. Pero seryoso, hindi ko alam kung bakit. Maraming magiging posts ko ang tungkol sa pagiging single ko. :D

8. Hindi pa ako nagsstay sa ospital. Hindi counted yung tuli ah. Swerte ko nga eh. Sana tuluy-tuloy lang. Yay!

9. Gusto kong pumunta sa Europe! Unahin ko siguro yung Paris, tapos Athens, Barcelona, Berlin. Inggit na inggit ako sa mga kaibigan ko na nakapunta na sa mga lugar na yun. Binibigyan ko ang sarili ko ng 10 years para makapunta dun. 

10. Gusto kong maging artista. Gusto kong umarte at hangaan ng mga tao sa aking galing at talento. Pero madali lang sabihin 'to. Yung gawin ang napakahirap. 

Sa mga susunod na posts ko, mas makikilala n'yo ko. :)

-----

I Am Legend is a 2007 post-apocalyptic science fiction film directed by Francis Lawrence and starring Will Smith. It is the third feature film adaptation of Richard Matheson's 1954 novel of the same name, following 1964's The Last Man on Earth and 1971's The Omega Man. Smith plays virologist Robert Neville, who is immune to a vicious man-made virus originally created to cure cancer. He works to create a remedy while living in Manhattan in 2012, a city inhabited by violent victims of the virus. The film's plot is an example of a "Last Man on Earth" story.

Comments

  1. Welcome to blogosphere (again). What a nice way to start your blog. Suggest ko lang pili ka ng template na madaling basahin texts. Medyo masakit kasi sa mata. I love your About Me section. Hihi. Blog ng blog. I have followed you!

    Echoserita's latest blog post: Sampung Kahibangang 'Di Dapat Ginagawa Sa Fezbuk

    ReplyDelete
  2. Off-topic: I smiled after reading your "About me" section. I like!
    .
    .
    Nagmamasteral ka pala. I'm thinking of entering graduate school, too, but I'm torn. Half of me wants to pursue another degree, either film or creative writing.
    .
    .
    Good luck to your venture. Oh, by the way - welcome here in blogosphere!

    ReplyDelete
  3. hehe mukhang interesting ang iyong magiging blog! i will read ur stories, and napi feel ko magiging sikat kang blogger eheheh...

    cheers!

    ReplyDelete
  4. Welcome to the blogging world (maiba lang sa blogosphere hehehe)! Magpost ka pa madami! :)

    ReplyDelete
  5. keep on blogging damihan mo pa ang post mo

    welcum sa blogosphere

    ReplyDelete
  6. thanks sa pag follow... mukhang magkakasundo tayo...

    welcome sa blogworld!!!

    ReplyDelete
  7. nice to know you! welcome sa blogkemeruth babyruth (maiba lang din sa blogosphere)! hihi :)

    ReplyDelete
  8. welcome! i love the template, medyo challenging nga lang magbasa. but i really like the old feel of sepia, contrasting dun sa profile pic mo.

    ReplyDelete
  9. pareho pala tayong ma emo.

    ang mahirap sa pagiging emo eh hindi ka nila naiintindihan kahit pa yung mga friends mo. panu ka naman makakapg open sa kanila kung ayaw nila ng drama di ba?

    nakarelate lang ako ng sobra.

    lalo na yung sa pagiging single. minsan naisip ko din yan. ang sabi ko pa kung sinasabi ng iba na lahat ng tao ay may kaakibat na karapat dapat na taong magmamahal sa kanya eh bakit may mga tumatandang dalaga..di ba?

    ReplyDelete
  10. SHET KA!!! Kilala kita! Tara na sa Debenhams!!!!! ahahahaha. I Miss You!!!!! ahahahahaha....

    ReplyDelete
  11. The way you write friend, sabi ko, parang si ***** yung nagsasalita-... and then the facts about you came!!!! ahahahaha... Welcome friend d2 sa blogger.... Yung PRP escapade naten, ransakin na yannnn!!!! ahahahaha. :D

    ReplyDelete
  12. Welcome sa mundo ng pagbblog!!(tagalized) :)

    Kung ikaw nais maging artista ako naman ang maging direktor. Hmmmm mukhang may artista na ako sa una kong pelikula o kung anumang proyekto :)

    Aabangan ko ang drama at komedya sa likod ng iyong maskara :)

    Grand Central ang background? :) arrival?departure? malalim ang kahulugahan ha! :)

    ReplyDelete
  13. Hellooow. :D
    Salamat sa paglilista ng pagsubaybay sa aking blog. Gagawin ko rin iyan sa iyo.

    Gusto ko ang number ten mo. Pangarap ko rin yun, pero nung batang bata pa lang siguro ako.

    Maligayang pagdating sa kalawakan ng mga manunulat sa Blogger. :D

    ReplyDelete
  14. looks interesting. hehehe
    wow mukhang may babasahin na naman akong bago!
    hello hello! :)

    ReplyDelete
  15. hello! parang kilala kita :D

    ReplyDelete
  16. Salamat sa mga comments! I feel the love. Hehe. Ang saya-saya naman dito. :)

    Echos: Ikaw una! Salamat po. Try ko baguhin, pero hindi ako sure ah. Nangangapa pa kase ako at hindi ako techie. Hirap ako sa HTML. Hehe. So more more yung andito lang ang ginagamit ko. Salamat ulit! :D

    Desole Boy: Alam mo idol kita at kinilig ako sa comment mo! Hihi. I-gow mo lang yung MA. Masaya siya actually. Pero make sure na gusto mo yung kukunin mo kasi medyo kumukuha din siya ng oras. :) Salamat sa mainit na welcome!

    Josh: Papa Solts! Eeeee. Ang saya-saya ko sa comment mo! Haha. Fan na ko kahit dun sa isang blog mo pa lang. Akala ko happy ending kayo ni BFF pero mukang masaya ka naman sa mga bagong desisyon mo. Suportado kita jan! At salamat sa welcome! (Mas okay sana kung may hug, ahi.)

    JC: Kulit ng mga blog posts mo! Hihi. Salamat sa pag-welcome! :D

    Lonewolf: Pilitin nating damihan! Hihi. Salamat po!

    Papa Fox: Wow napunta ka rito! Salamat po! Pasabay minsan sa bus, ahihi. :)

    Nimmy: Malaking bahagi ka kaya bigla kong nabuksan ang blog na 'to. Tinanong mo pa kasi sa twitter eh. Haha. Yup ako yun! :) Ayan ah, meron na ko. Salamat salamat!

    BL: Salamat po! Nakikiliti ako lagi sa mga posts mo, ewan ko kung bakit. Haha. Idol din kita, salamat sa pagfollow!

    ReplyDelete
  17. Shenanigans: Salamat po sa pagbisita! :)

    Actually, more on maarte ako, hindi emo. Pero emo na nga rin yata yun. Haha. Feeling ko kase, may factor na mahilig ako sa arts, nadadala lang dun. Wala akongh pakialam kapag umiiyak ako habang nanunuod ng movie o play, basta feel ko, iiyak ako. Pero yung tungkol sa pagiging single, may tama ka! Kakainis at isyu ko talaga. When I was younger naman kasi, nakukuha ko naman ang lahat. Nung tumanda at seryoso na, dun naman ako nahirapan. Ahuhu.

    Ronronturon: Shopping tayo please? Haha. I miss you more. Madalas na ko mag-isa sa mall kase wala ka. Tara uwi na. Salamat sa pagbisita! Hehe. :) Lahat ng mga promises mo, alam mo may screenshot ako! Hahaha. Mag-ingat. Chika!

    Yehosue: Maraming salamat po! Ayan may direktor na ko! Pero alam mo ba nung HS ako, maging direktor talaga ang pangarap ko. Pangarap ko pa rin pero gusto ko muna maging isang mahusay at award-winning na artista. Hello Eugene Domingo! Haha.

    Arrival sa mundo ng blogging. Departure sa pagiging single. Malay natin diba? Haha. Pero chika lang muna ang mga yan sa ngayon.

    Green Breaker: Hihi. Alam mo crush kita. Haha. Oh well. Taken ka na, bawal na. Hihi. Salamat po sa pagbisita! Tuloy natin ang mangarap! Libre lang eh. :D

    Kalansay: Bago akong fan ng blog mo. Salamat at napadpad ka saken. Pareho tayo ng kolehiyo sa ngayon, sana makasalubong kita. :D

    Nox: Hello! Haha. Baka iba yun. :P

    ReplyDelete
  18. Bes, tawa ko ng tawa sa screenshots na panakot mo. hahahaha. knabahan ako nambongga. hahahaha. :D miss u at yes, i gow na ang shopping naten. lapit naaaaaa!!!!

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Just My Luck

Melancholia

Hiram na Mukha