Virgin People
Sa wakas! Sa loob ng halos dalawang taon na pagbabasa ko sa mga blogs, nagkaroon na rin ako ng lakas ng loob na gumawa ng sariling akin. Actually, meron na ako nung college ako. Pero dahil uso lang 'nun, ayon nakalimutan ko na rin. Kaya kahit hindi naman talaga ako "virgin" na sa pagbablog, feeling ko, virgin ulit ako!
Maraming rason kung bakit hindi ako gumawa ng blog noon at naging masugid na tagapagbasa lamang. Una, may mga naisusulat ako sa aking multiply site ba pakiramdam ko ay sapat na para sa mga nararamdaman ko sa isang partikular na panahon/pagkakataon. Ikalawa, gusto ko sana laging may updates ang blog ko at natakot ako na baka hindi ko naman magawa kapag nagsimula na ko (na nangyari sa unang blog ko dito). At huli, gaya siguro ng karamihan ng nagsusulat ng blog, gusto ko ng audience at mga mambabasa sa mga sinulat ko. May pangamba akong wala namang magbabasa sa akin. Hanggang blog, laos ako! Parang hindi naman masaya pag ganun.
Pero sa araw na ito, magbabago na ang lahat. Dahil nagkapowers na ako! Hindi naman para maging Spiderman o Darna kundi upang maging si DRAMA KING. Korni no? Pero naisip ko kase, yan na siguro ang pinakatugmang pangalan ang maaari kong gamitin. Mahilig kasi ako sa mga drama ng buhay (obvious sa title diba?) at kahit paano,magiging handa ang mga mambabasa ko. Kumbaga, hindi sasabihin na, "ay pakadrama ng post ni DK". Naunahan ko na kayo. Pero hindi lang naman ako istrikto sa depinisyon ng drama. Naisip ko rin, bilang nasa teatro ako, akmang-akma ito sa aking pagkatao.
Feeling ko dapat sa barangay ako nagpapaliwanag. Haha. Hindi pa ako sanay magblog. Pero alam ko, sa dami ng mga kwento at saloobin na gusto kong sabihin, siguro tama nga ang desisyon na buksan ang blog na ito. Kaya sa mga idol kong bloggers, sana po magustuhan n'yo ang mga isusulat ko. Hindi ko pa alam ulit ang boses na gagamitin ko, pero mahahanap ko rin yun pagdaan ng mga araw.
Excited na ko sa bagong yugto ng buhay ko.
----
Virgin People is a 1996-film directed by Celso Ad-Castillo. It stars Sunshine Cruz, Sharmaine Suarez and Ana Capri. It is a remake of the 1984 film of the same title.
----
Virgin People is a 1996-film directed by Celso Ad-Castillo. It stars Sunshine Cruz, Sharmaine Suarez and Ana Capri. It is a remake of the 1984 film of the same title.
welcome to blogosphere! and thanks for following me...
ReplyDeleteand damn, i love your DP!!!
welcome! welcome! mabuti at meron ng "king."
ReplyDeleteyou are actually my golden follower (50th). thanks!
Congratulations on starting a blog! :) Naeexcite ako for you. Andaming good things na nangyari sakin because of this avenue. Best of luck! :)
ReplyDeleteAt naaaliw ako sa titling methodology mo. I had a similar one back then. Gusto ko puro song titles. This;ll be interesting kung paano mo masusustain. ;X
Mac: Finally may blog na ko! Matagal na akong tagapagbasa lang ng blog mo. Naaliw ako sa mga posts mo. Madalas nakakarelate, except dun sa mga sex stories mo. Haha. Ako na ang dalisay. :) You will love me more sa pagdaan ng mga araw. Haha.
ReplyDeleteTravis: Yay salamat po! At mukang schoolmates tayo. Isaw minsan? Ahi. :)
Citybouy: Wow. I'm shocked. Idol kita grabe! At nagcomment pa! Wuhoooo! :D
Sana nga mapanindigan. Medyo nahirapan na ko dun sa latest entry ko. Haha. Salamat ulit.
Hey Drama King, kamusta? I've been trying to read some of your entries.
ReplyDeleteOkay lang if I ask a favor? Can you make the fonts a little bigger? It would help attract more readers if your site is reader-friendly; such as big fonts and simple colors.
There are many sites that give tips for new bloggers. Welcome and cheers =)
Kane
Hi Kane! I tried lakihan, pero sobrang lumaki naman. Sige hanapan ko ng mas malaking font style para tama lang. Salamat sa pagdaan! Isa itong karangalan para sa isang alamat na gaya mo. :)
ReplyDeletei like that you have movie trivias at the end of each entry :)
ReplyDeleteHey there! Salamat sa pagdaan! Hehe. :)
Delete