The NeverEnding Story (Part 1)
Hindi ko alam kung 2007 o 2008 ba tayo unang nagkakilala. Nakilala kita kasi madalas ka sa tambayan namen. Yung mga orgmates ko, sabay-sabay pa kayong kumakanta. Hindi ka pa tapos mag-aral ‘nun. 4th year college ka na pero mukha ka pa ring high school. Oo, yun ang itsura mo. Ang liit-liit, ang payat-payat. Balita ko rin, pinagdududahan nila ang tunay mong kulay. Eh paano, ang sweet n’yo naman ni S. Hindi tayo naging close ‘nun. Wala rin namang chance. Lumipas ang mga buwan at taon, tama ang hinala nila. Bading ka. At magsyota kayo ni S. Nagsama pa kayo sa isang apartment sa teacher’s village.
Fast forward tayo sa 2010. Nagkikita naman tayo paminsan-minsan sa mga okasyon. Lalo na kung may mga videoke na involve. Ang galing mo kumanta. Para kang si Jason Mraz. Na paborito mo rin naman talaga. Kuhang-kuha mo yung mga falsetto. Sa liit mong yan, nakakatuwang makitang bumibirit ka ng mga kantang kikiligin ang mga tao. Sa akin, ganun ka pa rin. Hindi ko alam kung bakit. Hindi lang talaga tayo nagkiclick. Siguro nakatatak din sakin yung relasyon n’yo ni S kahit balita kong nagkahiwalay na kayo. Sabi pa nga, sobrang dinamdam mo yung nangyari. Parang hanggang ngayon nga, pakiramdam ko hindi ka pa rin talaga nakakamove on. Pero baka mali rin ako. Nalaman ko rin, nagkagusto ka ng todo sa kaibigan kong si J. Kaya lang, sa pagkakataong ito, bigo ka pa rin. Hindi kayang suklian ni J ang mga nararamdaman mo. Nanatili akong nakamasid sa mga kaganapan. ‘Yung totoo, nalungkot ako para sa’yo. Ilang beses na rin naman akong nareject. Alam ko ‘yung pakiramdam. Hindi yata natin ‘to napag-usapan kahit kailan. Hindi ko rin naman mabuksan ang topic na ito sa’yo.
Nauso ang badminton sa mga kaibigan natin. Sumali tayo. Hindi ako masyadong magaling kaya ‘nung naging magkakampi tayo. Natalo tayo. Nainis ka sakin. Nagulat ako sa pagiging competitive mo bilang fun-fun lang naman yung laro natin. Pumunta tayo sa surprise birthday party ng kaibigan natin. ‘Nung mga panahon na ‘yun, inasar tayo ng mga kaibigan natin. Lagi naman ako inaasar kaya game lang ako. Tinanong ako kung may chance tayong dalawa, sabi ko, okay lang. ‘Nung ikaw na, sabi mo, wala. Ouch. Masakit yun ah. Sana tumigil na ko ‘nung panahon na ‘yun. Pero hindi ko naman kasi naisip na puwedeng mauwi sa totohanan ang mga pang-aasar lang sa atin. Tuloy ang badminton. May mga kinwento ako na nakarelate ka. Pagkatapos nung game, ang sweet mo na sakin. Kung makakapit ka sa braso ko, parang 10 years na tayong magkaibigan. May mga pagkakataon na napapatitig ako sa’yo. Tuloy ang asaran sa atin. Siguro dito na nagsimula. Kasi may mga gabing iniisip na kita. Oo maliit ka. 5’5 siguro. Pero hindi naman maitatanggi ang angkin mong kakisigan. Masarap tingnan ang mga mata mong malamlam. Parang masarap halikan ang mga labi mong makipot. Parang masarap makulong sa mga braso mong payat. Parang masarap kang mahalin.
Agosto, Setyembre, Oktubre. Lumilipas ang mga buwan. Unti-unti akong nahuhulog sa’yo. Hindi ko muna inaamin sa sarili ko. Alam ko na ‘yung ganito. Gusto ko, pero hindi naman ako gusto. Tapos ang dami-dami mo pang issues. Kay S, kay J at sa sarili mo. Ayoko na sanang mainvolve sa mga taong katulad mo. Pero cliché man kung cliché, alam naman nating hindi natin kontrolado ang mga bagay-bagay.
Hindi kita pinursue. Hindi ako handa sa isang rejection. Hinayaan kong maging masaya na lang sa mga pagkakataon na magkasama tayo. Nagtetext at nag-uusap sa telepono. May mga ibang bagay din naman ako na naging problema, kaya siguro hindi ko na rin masyado naisip. Masaya na ako sa kung anuman ang meron tayo. Wala talagang chance eh. Lagi akong kaibigan lang. O siguro din kasi hindi naman ako guwapo katulad ng mga gusto mo. Kulang din siguro yung talent ko, kumpara kina S at J. Ewan ko ba. Hindi ko naman hobby ang magself-pity pero naging pamatay ko siya ng oras ‘nung nagustuhan kita. Gusto ko rin kasi bigyan ng hustipikasyon ang mga bagay-bagay. Kung bakit hindi na lang tayo, at kung bakit hindi ako laging magustuhan ng mga taong gusto ko. Nakakalungkot kasi kapag nagkukuwentuhan tayo, alam kong kaya kong pantayan ang mga gusto mo sa isang relasyon. Puwedeng maging tayo ang pinakamasayang magkasintahan. Kaya kong ibigay ang lahat ng gusto mo. Pero sa huli, hindi naman kasi ako ang tipo mo. Hindi nga yata ako sumagi sa utak mo kahit kailan.
Pinilit ko na rin na umiwas sa’yo. Ang hirap mahulog ng sobrang lalim. Baka hindi na ako makalangoy at malunod na ako. Mahirap na. Sa edad kong ito, mas kilala ko na rin ang sarili ko. Pero muli, hindi ko yata kayang takasan si Kupido. Isang araw ng Mayo, nagkaroon ng seminar at pareho tayong nandoon. Masaya akong makasama ka ulit. Nakakaaliw pa nga ‘yung damit mo. Parang pupunta ka lang sa Bora. Makulit ka sa workshop. Panaka-naka ang mga sulyap ko sa’yo. Iba ang kinang ng mga mata mo. Iba ang ngiti mo. Parang inspired ganyan. Nalaman ko, may dinedate ka pala. Hindi ko na maalala yung naramdaman ko. Nagselos ba ‘ko? Nainis? Natuwa na finally, may nahanap ka na? Ang mahalaga lang ‘nun, masaya ako na kasama ulit kita.
Napilit ako ng kaibigan natin na matulog sa inyo pagkatapos ng workshop. Sabi mo, pumayag na ‘ko. Kahit kagagaling ko lang sa overnight din ‘nun, sumama na rin ako. Kung dati, mga 10 tayong pumupunta sa inyo, aba ngayon tatlo na lang! Mas magkakaroon ako ng oras na makausap ka, makabonding. Ayoko muna isipin na may dinedate ka na. Ang importante, ‘yung mga oras na ‘yun. Na kung puwede lang, patigilin ko para sa’yo. Akala ko, hindi na kita ganun ka-gusto. Pero habang nasa jeep tayo, hindi ko maitago ang mga ngiti ko. Hindi ako mankandamayaw sa mga posibilidad ng gabi na ‘yun.
-----
The NeverEnding Story (German: Die unendliche Geschichte) is a 1984 West German (English language) epic fantasy film based on the novel of the same name by Michael Ende, about a boy who reads a magical book that tells a story of a young warrior whose task is to stop a dark storm called the Nothing from engulfing a fantasy world. The film was produced by Bernd Eichinger and Dieter Giessler and directed and co-written by Wolfgang Petersen (his first English-language film) and starred Barret Oliver, Noah Hathaway, Tami Stronach, Moses Gunn, Thomas Hill; and Alan Oppenheimer as the voices of both Falkor and Gmork. At the time of its release, it was the most expensive film produced outside the USA or the USSR. The film was later followed by two sequels.
Prologue pa lang ata ito eh :)
ReplyDeleteSusunod na ang Kabanata isa: 'Overnight' ay mali dapat pala title ng movie. :)
Ako'y susubaybay sa kwentong ito :)
tangledinsheets.blogspot.com
uy salamat po! haha. yup i'm planning to make a 3-part story on this one. gaya-gaya lang. para maexcite naman ang mambabasa ng konti. :)
ReplyDeleteBesfrennn, parang iniba mo ang mga initials nila. char! ahahaa... alam ko kung sino itoooo!!!! kinilig naman ako nambongga dito! ayiiiiiiiiiii..... :D part 2! part 2! part 2!
ReplyDeletenext, next! :)
ReplyDelete@Ronron: Haha. Uy di ko iniba yan. Hindi ito fiction, gusto ko totoo! Parang reality show! Chika! :D
ReplyDelete@Nox: May part 2! Haha. :D
teka, kilala ko ba si S at si J?
ReplyDelete@Ronron: You know J pero si S, hindi pa. :)
ReplyDelete