Posts

Showing posts from May, 2013

The Break-Up

D ear ex, Lagpas isang buwan na rin pala nung naghiwalay tayo. Sana naaalala mo pa kung paano ka bigla na lang hindi nagreply sa mga text messages at sumagot sa mga tawag ko. May dinner sana tayo kasama ‘yung mga friends ko. Hindi na kita pinilit sumama sa amin manuod ng movie pero sabi mo susunod ka sa dinner. Pero wala na kong narinig sa’yo pagkababa natin ng telepono. Naiinis ako sa’yo nung gabi na ‘yun hanggang bago ako matulog. Ang inconsiderate kasi. Ang daya. Pero pagkagising ko ‘nung umaga, naisip pa rin kita. Ikaw ang una kong tinawagan. Hindi mo pa rin sinasagot. Wala ka pa ring reply sa mga text messages. Nawala na ‘yung inis ko. Nag-alala na ko. Baka may nangyari ng masama sa’yo. Mula sa libing ng tita ko hanggang sa sportsfest sa office – ikaw lang ang nasa isip ko. Bawat oras tinatawagan kita pero wala pa rin talagang sagot. Pupunta sana ako ‘nung gabi sa apartment mo pero pagod na pagod na ko kaya sabi ko bukas na lang. Nagtext ulit ako sa’yo. Halos magmakaawa