The Break-Up


Dear ex,

Lagpas isang buwan na rin pala nung naghiwalay tayo. Sana naaalala mo pa kung paano ka bigla na lang hindi nagreply sa mga text messages at sumagot sa mga tawag ko. May dinner sana tayo kasama ‘yung mga friends ko. Hindi na kita pinilit sumama sa amin manuod ng movie pero sabi mo susunod ka sa dinner. Pero wala na kong narinig sa’yo pagkababa natin ng telepono. Naiinis ako sa’yo nung gabi na ‘yun hanggang bago ako matulog. Ang inconsiderate kasi. Ang daya.

Pero pagkagising ko ‘nung umaga, naisip pa rin kita. Ikaw ang una kong tinawagan. Hindi mo pa rin sinasagot. Wala ka pa ring reply sa mga text messages. Nawala na ‘yung inis ko. Nag-alala na ko. Baka may nangyari ng masama sa’yo. Mula sa libing ng tita ko hanggang sa sportsfest sa office – ikaw lang ang nasa isip ko. Bawat oras tinatawagan kita pero wala pa rin talagang sagot. Pupunta sana ako ‘nung gabi sa apartment mo pero pagod na pagod na ko kaya sabi ko bukas na lang. Nagtext ulit ako sa’yo. Halos magmakaawa na magreply ka para lang alam ko na okay ka.

At sa wakas – sumagot ka. Pero ang sagot mo – parang mas malamig pa sa yelo. Nakuha ko naman agad. Ayaw mo na. Tinanong kita para makasiguro. Sumagot ka ng isang mahabang text message – ayaw mo na nga. Nakipaghiwalay ka sa text. Matapos ang apat na buwan – gusto mo ng tapusin ang relasyon natin. Sa text. Marami kang sinabing rason pero mariin ang pahayag mong walang third party. Eto ‘yung mga dahilan na para sa akin – may punto naman. Hindi na ko puwede maghabol.

Tinanggap ko ang desisyon mo. Hindi dahil hindi na kita mahal kasi pakiramdam ko, desidido ka na talaga. Sabi ko nga diba, medyo handa naman ako kung makikipaghiwalay ka dahil bata ka pa at malamang eh marami ka pang gustong gawin pero nakakalungkot pa rin. Hindi ko rin idedeny na naiyak ako – hindi dahil sa’yo kundi sa ideya na iniwan na naman ako. Pakiramdam ko kasi eh wala naman akong nagawang mali para iwanan na naman ng karelasyon. Pero ganun talaga. Hanggang doon lang talaga tayo.

Okay naman ako pagkatapos ng paghihiwalay natin. Pero nakakapikon ‘yung mga pinost mo sa facebook eksaktong isang lingo matapos tayo maghiwalay. Parang ang bilis-bilis naman. Eh sabi mo nga sa text hindi ka pa pala handa sa isang relasyon tapos may bago na agad? Gago ka ba? Hindi naman ako si Popoy na humihingi ng 3-month rule pero sana konting respeto na lang at hindi mo na nilagay sa facebook. Pakiramdam ko kasi ginago mo ko. Pero salamat na rin kasi mas tinulungan ko kong makamove-on agad sa ginawa mo.

Lagpas isang buwan na nung naghiwalay tayo.  Hindi ko inexpect pero okay ako. Kumpara sa naging sitwasyon ko doon sa huli ko – mas masasabi kong mas matatag ako. Minsan naiisip kita kasi naging mabait ka naman talaga sa kabuuan ng relasyon natin. Pero madalas naiinis din ako na hindi mo sinabi ‘yung totoong rason kung bakit ka nakipaghiwalay sa akin. Sa text ka na nga lang nakipagbreak eh inetchos mo pa ko. Hindi ko tuloy alam kung babasagin ko sa ulo mo ‘yung bigay mong snowball sa akin kapag nagkita tayo. Joke lang. Hindi naman ako bayolente.

Busy ako sa trabaho at volleyball ngayon. Ang mga teammates ko sa work at volleyball ‘yung naging support group ko ‘nung naghiwalay tayo. Sobrang saya ko tuwing naglalaro ako ng volleyball. Pakiramdam ko binabalik ako sa mga panahong tinalikuran ko ang sports na ‘to. Kahit paano – fair naman ang buhay. Kahit nalungkot ako sa’yo eh binigyan naman ako ng sobrang saya sa volleyball.

Medyo kakaiba nga pala ngayon. Hindi na ko masyado emo. Hindi na ko napupuyat kakaisip kung ano naging mali sa akin kaya mo ko iniwan. Pinatatag na rin ako ng mga karanasan at panahon. Kaya hintay-hintay lang ulit ng bagong darating. At bubuksan ko ulit ang puso ko kung sino man siya. Tuloy ang buhay.


Your ex,
Drama King


------

The Break-Up is a 2006 American romantic comedy-drama film directed by Peyton Reed, starring Jennifer Aniston and Vince Vaughn. It was written by Jay Lavender and Jeremy Garelick and produced by Universal Pictures.

Comments

  1. sira ulo yan a paabangan ko sa mga kaibigan kong parlorista na malalaki katawan gusto mo? LOL

    im glad you are moving on na...ok lang yan. fight lang ng fight :-)

    ReplyDelete
  2. Go besfrenn!!!! Panget ng sungki mong ex. Wow. Pantay at maganda ngipin ko. Haha. Im happy that u moved. Dinidead

    ReplyDelete
  3. good for you!! mukhang uso yang mga echosan na rason at salisihan, pati yung kawalan ng respeto hahaha importante you moved on at mas matatag ka ngayon ;)

    ReplyDelete
  4. Naku.. mukhang may magpapalit na ng blog name ha. I love how maturely you're taking all this in. In my head, I hear Freddie Mercury urging us that the show must go on. :)

    ReplyDelete
  5. @babit: andame kong tawa.. hahaha! gusto ko yung babasagin mo yung ulo nya.. :p

    it's good to know you're ok. :)

    ReplyDelete
  6. winner. move on and be happppyy! wow anong alam ko sa relasyon di ba? kung makaadvice e nbsb nga ako. lol

    ReplyDelete
  7. " Pakiramdam ko kasi eh wala naman akong nagawang mali para iwanan na naman ng karelasyon. Pero ganun talaga. "

    - ganito din ang pakiramdam ko sa una at last kong relationship pero ito lang ang nasabi ko... hindi maiiwasan na magkatagpo ang landas namin. kung darating man ang pagkakataon na iyon mahaharap ko sya at matititigan sa muka ng hindi umiiwas dahil alam ko na wala akong ginawang bagay na mali nung kami pa.

    ReplyDelete
  8. hooong sheket nun, besh. ang importante tuloy ka sa pag move on. pers taym ko sa blog mo teh. mukhang interesting ang mga dramarama sa prime time bida. charms.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wow may bagong comment! Salamat sa pagdaan at pagbasa. Ang tagal na nito, sobrang okay na ko ngayon :)

      Delete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Just My Luck

Melancholia

Hiram na Mukha