21 Grams


Napapadalas ako sa Planet Romeo nitong mga nakaraang araw. Bago ang internet connection sa bahay at sabihin na nating, matagal na rin ‘yung huli ko. Sabi nga nila, hindi naman porke’t single eh tigang ka na rin. Sa kaso ko, oo. Single ako at tigang ako. Para kasing ‘nung gumradweyt ako ‘nung college eh nabawasan na rin talaga ang hilig ko. Mas gusto kong makasama ‘yung boyfriend ko sa aspetong ‘yun ng aking buhay. Paminsan-minsan, meron din namang mga hindi karelasyon. Pero mas maraming beses, kulang ‘yung satisfaction na nabibigay niya sa akin. Iba pa rin talaga kapag may kasamang pagmamahal. Naks.

Aaminin ko, ang lakas ng loob kong tumambay sa gay site na ‘yun eh duwag naman ako. Kapag may nagyaya na sa akin na gusto ko rin naman, ang dami kong dahilan para hindi matuloy. As in ang labo kong kausap. Bigla na lang mag-ooffline at hindi na magrereply sa text. Kung ikaw ‘yung “kausap” ko, mapipikon ka talaga. Pero wala akong pagkatuto. Tatambay pa rin ako doon at makikipagpalitan ng mga mensahe.

Sa ibang banda naisip ko, baka hindi kasi ganun talaga ang ideyal na pagkikitang gusto ko. Baka ang trip ko, makilala ko muna ‘yung tao tapos tingnan naming kung puwede kaming umabot sa kama. Marami akong reservations kasi feeling ko, marami rin talaga akong issues as a person. Baka kailangan ko munang bawasan at isipin ang totoong goal ko sa pagpunta sa site na ‘yun.

May dalawa akong nakilala sa site na ‘yun. Si Mond at si Tsinoy. Pareho silang 21 years old pero sobrang layo nila sa isa’t isa. Si Mond, taga-samen lang. Mapusok at diretso sa mga punto ang banat niya. ‘Nung gabi na nakilala ko siya, muntik na rin akong bumigay. Sa bahay niya, at sabi niya, magaling siya sa kama. Buti na lang at pasado ala-una na nun at naisip ko ang trabaho ko kinabukasan. Hindi kami natuloy. Kinabukasan, nagtext pa rin siya. May paanyaya pa ng orgy at party and play. Pagtext niya nun, hindi na ko nagreply. Parang nalaman ko na ‘yung klase ng lifestyle na meron siya.

Si Tsinoy naman eh nagmessage sa akin out of the blue. Nagulat ako kasi taga Imus pa siya. Hiningi niya ‘yung number ko at binigay ko naman. Cute siya at promising ang nakalagay sa profile. Naghahanap ng boyfriend at hindi lang ka-sex. Solve ako dun kahit hindi naman talaga ako masyadong mahilig sa mas bata sa akin. Baka naman puwede. Tumawag agad si Tsinoy ‘nung gabing ‘yun. Ang dami niyang tanong sa akin. Feeling ko talaga first interview sa work ‘yun. Kahit waistline ko ganyan. Seryoso talaga siyang makahanap ng boyfriend. Nailatag niya rin sa akin kung paano niya gusto siyang ligawan. Napapailing na lang ako. Sabi ko sa kanya, naghahanap naman talaga ako ng bf pero hindi naman ako padalos-dalos. Gusto kong makilala muna talaga ang tao bago magdesisyon. At issue ko na masyado siyang malayo at bata pa. Sabi niya, “I maybe 21 years old but I act more than my age.” May ngiti akong nabitawan pagkasabi niya nun. Ilang beses ko rin kasi nasaba ‘yun dati, nung bata pa ko at gaya niya, naghahanap ng bf. Tinext ko siya kinabukasan at sinabi kong hindi magwowork ‘yung gusto niya kasi hindi ko maibibigay ang mga trip niya.

Napaisip lang ako sa kanilang dalawa. Parehong 21 years old pero sobrang layo ng relasyon na gusto nilang makuha sa ibang tao. Iniisip ko kung paano ako mag-isip nung ganung edad din ako at kung paano ko gusto tumakbo ang mga relasyon ko. Kasi gaya ni Mond, dumating din ako sa punto ng buhay ko na gusto kong maranasan ang lahat. Sa katunayan, may mga ilang bagay pa rin akong hindi nagagawa na gusto kong magkaroon ng katuparan. At si Tsinoy naman – naalala ko ‘yung mga panahon na napaka-idealistic ko sa relasyon. ‘Yung tipong gusto ko parang romantic movies ang lahat na may happy ending. Gusto kong gawin namin ‘to, pumunta sa ganito, magdate sa ganitong lugar. May plano ang halos lahat ng gagawin.

Sa pag-iisip ko pa, natanto kong nagbabago pala talaga ang pagtingin natin sa relasyon. Malayo na ko kay Mond pero hindi ko rin naman masabing mas malapit ako kay Tsinoy. Siguro mas realistic lang ako ngayon. Siguro mas tinatanggap ko na ang katotohanan na hindi naman nakukuha sa mga relasyon (o sex) ang kasiyahan ng isang tao. Siguro may mga natutunan na nga ako sa limang taon na paghihintay ko sa taong para sa akin. At sana kahit hindi siya dumating, matapang pa rin akong tutuloy sa mga hamon ng aking buhay.

At narealize ko ‘to sa tulong ng Planet Romeo ‘no? Cool.


-----

21 Grams is a 2003 American drama film directed by Mexican director Alejandro González Iñárritu and written by Guillermo Arriaga. It stars Sean Penn, Naomi Watts, Danny Huston, and Benicio del Toro.

Like Arriaga's and González Iñárritu's previous film, Amores Perros (2000), 21 Grams interweaves several plot lines, around the consequences of a tragic automobile accident. Penn plays a critically ill academic mathematician, Watts plays a grief-stricken mother, and del Toro plays a born-again Christianex-convict whose faith is sorely tested in the aftermath of the accident.

Comments

  1. naks! wala man akong account diyan pero alam ko yugn site nay yan kasi mga friend ko meron sila .. masasbi ko lang sa mgag nyan konti lang ang matinong tao .. hanap , kita deal sa sex parang sulit.com lang hahahaha ... tsaka darating yan .. wait ka lang

    ReplyDelete
  2. Oo nga! Hintay-hintay lang. Sa ibang bagay na lang muna ang atensyon para hindi mainip. Salamat sa pagdalaw at pagbabasa Kulapitot! :)

    ReplyDelete
  3. nagustuhan ko ang entry na 'to!!! swak na swak lang sa diskusyon natin tungkol sa pananaw sa pakikipagrelasyon. maghihintay pa ako ng mga susunod na entries ah!

    ReplyDelete
  4. familiar ako sa pr kc may acct bestfriend ko jan.. tama ang mga realizations mo :))

    nagbabago ang vision natin sa life as time goes by... ang importante, matapang tayo to face reality...

    hihi..



    ReplyDelete
  5. haha binura ko na PR ko. najologsan na ako sa mga taong nakakachat ko run e. ugh. pero yeah actually hindi na ako umaasang may seryoso pa sa pr kasi naman alam ko naman hanap ng mga tao run at yun lang naman din hanap ko nung nag-pr ako. katawan lang. sakit lang ng ulo pag naghanap pa run ng lab. lol

    pero malay mo? sabi nga nila may exception sa rule. :)

    ReplyDelete
  6. Yihhhheeeeeeeee!!!!! ahahaha.... miss u besfrenn!!! ang mature mature ng pagiisip mo di ko maarok. tama iyan! na feel kong teen ager pa lang ako! charot!

    ReplyDelete
  7. Hindi mo kailangan mag-sign up sa ganyang site para makakita ng taong para sa iyo. Minsan hindi mo hinahanap eh biglang darating sya sa buhay mo nang hindi mo namamalayan. Mas cool yun!

    ReplyDelete
  8. I agree kay glentot... PR is not even a good avenue to get serious takers kasi puro hook ups... try referrals from friends...lol

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Just My Luck

Melancholia

Hiram na Mukha