Changing Lanes


Halos tatlong buwan din pala akong hindi nakapagsulat dito. Ang dami-dami rin kasi talagang nangyari sa buhay ko. May mga malungkot pero mas marami ang masasaya. May mga pagbitiw at may mga bagong mundo akong sinimulang pasukin. Masyado pang maaga para sabihin kung tama ang mga naging desisyon kong ito pero isa ang sigurado, masaya ako.


After 5 years, finally ay nagdecide na kong magresign sa trabaho. Mahirap sa totoo lang. Masyadong madali ang trabaho ko at napakarami kong nagagawa kahit nasa office ako. Pero dumating na rin ako sa puntong “eto na lang ba ang gagawin ko buong buhay ko?” Kumbaga, wala na kong nakukuhang bago eh. Tsaka hindi talaga maayos mamalakad ‘yung mga bossing namin. Nakakapikon lang. Kaya kinuha ko ang lahat ng lakas at tapang sa katawan ko at nagpasa ng resignation letter. Ganun pala ‘yun no? Pag-uwi ko ng bahay, umiyak talaga ako. Hagulgol. Hindi dahil mamimiss ko ‘yung work ko, kasi ang dami rin talagang memories sa office na ‘yun. Lalo na ‘yung mga tao at teammates ko na napamahal na rin sa akin. 


Pero 27 years old na ko. Kailangan ko na talagang magdesisyon ng matindi sa buhay ko. Habang lumalapit ‘yung last day ko, mas kumokonti ‘yung lungkot. Mas nagiging excited ako sa magiging bagong buhay ko. Lumabas sa comfort zone ko ng 5 taon ganyan. Sa simula lang pala malungkot at mas masasanay ka rin. I had my last day in the office on May 29. Hanap-hanap ng work sa internet, sa mga kakilala. 


Akala ko aabutin lang ako ng ilang linggo pero isang buwan na ang lumipas at wala pa rin akong makitang gusto ko. Ubos na pera ko at literal na palamunin na ko sa bahay. Hindi ko na rin nababayaran ang mga bills ko. Nagsimula akong malungkot. Parang wala kasing magandang nangyayari sa buhay ko. Swerte ako kasi marami talaga akong friends na nagcheer sa akin, reminding me my good qualities and my skills. Hanggang nagdesisyon na ko mag-apply sa isang multi-national HR consulting company na marami sa mga friends ko eh doon din nagwowork. Sabi ko sa sarili ko, kapag natanggap ako rito, tatanggapin ko na. At swerte naman, nakuha ako! Nagsimula ako ‘nung July 16.


Tinanggap ko nito lang na hindi ako risk-taker. Eto ang naging problema ko kaya hindi ako nakagawa ng mga malalaking desisyon sa buhay ko. Kuntento na ko sa kung ano ang meron ngayon, hindi iniisip kung ano ang magiging buhay ko sa hinaharap. Live for the moment ‘ika nga nila. Pero ang problema kasi sa ganun, may mga napapalampas akong oportunidad. Sa pagtanggap ko sa trabaho ko ngayon, isang malaking desisyon talaga siya. Hindi ko naisip kahit kailan na gagawin ko ang mga ginagawa ko ngayon pero nagulat ako kasi nag-eenjoy ako. At hindi ko malalaman ‘yun kung hindi ko tinanggap ‘tong work na ‘to. Nagugulat din ako kasi after ni Destiny, hindi na ko nagkagusto ulit sa isang tao. Mas naging focused ako sa pag-aayos ng career ko. Ngayong medyo settled na ko, tinatry ko ulit tumingin-tingin pero kalma lang. Kung meron eh di happy at kung wala ayos lang din. Mas hati na ‘yung oras ko sa trabaho at sa mga kaibigan ko. Hindi ko naman sinasara ang posibilidad pero nakakapagod din kasi talaga. Darating din ‘yun.


Paano ko ba tatapusin ‘to? Siguro kung may sumusubaybay man dito sa blog ko, gusto ko lang malaman mo (n’yo) na masaya ako. Ang tagal kong hinintay ‘yung ganitong pakiramdam. Wala masyado drama, sa wika nga ng mga friends ko, jamjam lang. At pipilitin kong mapanatili ito.



-----

Changing Lanes is a 2002 drama-thriller film directed by Roger Michell and starring Ben Affleck and Samuel L. Jackson. It was released on April 12, 2002 in North America by Paramount Pictures.


Comments

Popular posts from this blog

Just My Luck

Melancholia

Hiram na Mukha