2012
Nakakamiss din pala magsulat. Parang ilang buwan din na
walang bago dito sa blog ko. Ang dami rin kasing nangyari. Pakiramdam ko nga,
hindi na bagay sa akin ang angas nitong blog ko – Drama King shit eh wala naman
kadrama-drama sa buhay ko. Parang hindi na ko masyado na-eemo ngayong mga
panahon na ‘to. Namimiss ko na nga. Baka kasi Pasko na rin ano. Ang saya ng
paligid, ang saya ng mga tao. Pero hindi rin. Dati kapag magpapasko na tapos
maririnig ko ‘yung “Sana Ngayong Pasko,” ayan tutulo na luha ko. Ngayon wala ng
epekto.
Sige ito na lang ang totoo – masaya ako. Masayang-masaya.
Akala ko isusumpa ko ‘yung 2012 kasi puro problema at kalungkutan ‘yung first half
niya sa akin. May mode pa ko na rebirth rebirth, renaissance shit ‘nung patapo
ang 2011 eh wala naman nagbago. Mas nalungkot lang ako. Mababasa n’yo naman yan
dito ano. Pero nung tinanggap ko ‘yung mga pagkakamali ko at nagpasya na gumawa
ng bagay na ikakatama nito – parang tinulungan pa ko ng uniberso para matupad
ito. Nagkaroon ako ng bagong trabaho, katinuan sa pag-iisip at pagpapasya at
bagong pag-ibig. ‘Yung huli – hindi ko naman inaasahan at kusang nangyari lang.
Gusto ko nga maniwala na hindi naman talaga hinahanap ang
pag-ibig – dumarating siya sa panahon na handa na tayo. Ang umibig at magmahal
ay isang desisyon – at sumugal ako rito. Bata pa siya – 21 lang, pero naramdaman
kong siya ang para sa akin. Masyado pang maaga para umasa at magplano sa mga
bagay-bagay pero ineenjoy ko lang kung ano ang sayang idinudulot nito sa amin
sa ngayon. Ideally sana, mas gusto ko ang mas matandang karelasyon pero nitong
mga nakaraang buwan eh natanto kong wala naman sa edad ang kaseryosohan ng
isang tao. Kahit bata pa yan, o matanda – kung manloloko yan eh gagawin naman
nila. At kung seryoso siya sayo at sa relasyon n’yo – walang makakahadlang sa
kanya.
Aaminin ko na nangangapa pa rin ako. Ngayon lang ulit ako
nagkaroon ng relasyon matapos ang limang taon. Ngayon lang ulit may tinetext
palagi. Ngayon lang ulit may kasama lagi sa mga ganap. Ngayon lang ulit may
kasabihan ng I Love You. Ginagawa ko ring tama ang lahat. Dinala ko na siya sa
bahay at pinakilala sa mga kaibigan ko. Hindi pa ko handa sabihin ang lahat sa
Mama ko pero ramdam ko naman na alam na nila ‘yun. Pero gaya ng isang mabuting
anak – gusto ko ring gawing official ang relasyon namin at ang pag-oout ko sa
aking pamilya. Matanda na naman ako. Hindi na siguro sila magagalit kasi alam
nilang wala na silang magagawa at nasa tamang pag-iisip na rin ako.
Sabi nila, end of the world ngayong araw na ‘to. Hinintay kong
mag-alas dose kagabi kasi gusto kong makatiyak. Pero habang hinihintay ko ‘yun,
natutulog sa tabi ko ang taong nagmamay-ari ng puso ko. Napost ko nga sa
twitter na ayos na rin sigurong magunaw ang mundo. May kayakap naman ako
ngayon. Oo kinilig ako.
Ayoko rin maniwala na matatapos na ang mundo ngayong araw na
‘to. Kasi parang unti-unti pa lang nagkakaroon ulit ng direksyon ang buhay ko. Kasi
ngayon ko pa lang nakikilala ng husto ang taong nagpapasaya sa akin ngayon. Kasi
marami pa kong plano sa susunod na taon. Hindi nga ako usually naglilista ng
mga gusto kong gawin sa bagong taon pero gagawin ko ngayon. Magsurfing,
magfoodtrip sa Binondo, magvoice at dance lessons, umarte ulit, makumpleto ang
MA ko, bumalik sa Bangkok, bumisita sa South Korea at mahaba pa ang listahan.
Hindi ko siguro makakalimutan ang 2012 kasi ang daming
nangyari. Bagong kaibigan, bagong trabaho, bagong pag-ibig at bagong direksyon.
Salamat sa lahat ng naging bahagi ng taon na ito. Tinuruan ako nitong mas
maging matatag at kumapit sa mga pangarap ko. Binigyan ako nito ng bagong
pag-asa.
Marami pa ring mangyayari. Marami pa ring pagsubok. At excited akong harapin silang lahat.
------
2012 is a 2009 American sci-fi disaster comedy
film directed by Roland Emmerich. It stars John
Cusack, Chiwetel
Ejiofor, Amanda
Peet, Oliver
Platt, Thandie
Newton, Danny
Glover, and Woody
Harrelson, among others. It was produced by Emmerich's production company, Centropolis
Entertainment, and was distributed by Columbia
Pictures. Filming began in August 2008 in Vancouver, although it was originally planned to be filmed in Los Angeles.
awww inggit. :)
ReplyDelete