Si RC at si Brian Kinney*
Isang linggo akong nagkasakit. Dalawang araw hindi nakapasok sa office. Feeling ko, ang dami-dami kong namiss. Pero mas naging excited din ako sa mga mangyayari sa akin sa mga susunod na araw.
Weird man, pero tuwing November 9, sinecelebrate namin ng bestfriend ko ang aming anniversary. Last time, 8 years na kami! Ahi. We became bestfriends nung second year college kami, after ng aming ROTC. Tapos every year, may celebration. Nakakamiss lang this year kasi hindi kami nakalabas bilang nakaratay ako sa kama. At dahil walang something, naisip ko na lang na ilagay dito sa blog ko yung naipost ko dati sa blog ko sa Multiply.
Adik na adik ako 'nun sa Queer As Folk. Paano namang hindi, feeling ko, 'yun din ang buhay ko (feel na feel ko si Michael). And now I'm sharing my bestfriend - RC! :D
------

Napag-iwanan na ata ako ng buong mundo at ngayon ko lang napapanuod sa DVD ang Queer as Folk. At aaminin ko na kahit Season 1 pa lang ako, sobrang nakakaenjoy talaga siya. Siguro din kase, ang dami-daming kaparehong mga nangyari dun na nangyari at nangyayari din naman saken. Iba pala kapag ikaw mismo ang nakakakita nung mga bagay bagay sa buhay mo. Nagkakaroon ka ng ibang pagtingin dito. Naiisip mo yung mga naging epekto nito, at kung ano yung mga natutunan mo sa mga yun. May mga eksena na bigla na lang tutulo yung luha ko lalo na sa usapin ng pagtanggap, pag-ibig at pagkakaibigan. Iba sa pakiramdam ang palabas na yun.
Sa unang tingin, parang Sex and the City yung show. Nakakatuwa na may tumatalakay sa mga isyu naman ng mga bakla na umiikot sa apat na karakter dito. Sa kanilang apat, pinakapaborito ko si Michael. Ewan ko ba, pakiramdam ko sobrang pareho kami sa napakaraming aspeto. Sa pagtingin sa pakikipagdate, sa sex, at lalung-lalo na sa pagkakaibigan. Yung pagkakaibigan nila ni Brian, hindi ko maiwasang ikumpara sa pagkakaibigan namen ng bestfriend ko din na si RC. Na lalo lang nagpamiss saken kay RC. Katulad nina Michael at Brian, may panahon na sobrang naging close din kami, na tipong kulang na lang matulog kami at gumising na kami ang magkasama.
Si RC ay si Brian. Ang dami dami nilang pagkakapareho. Sa itsura, sa trabaho, sa ugali, sa pakikipagrelasyon at sa pagiging bestfriend ko. Kapag magkasama kami, laging nasa kanya yung atensyon. Well kase naman pogi siya. Kapag nasa bar kami, hindi siya nahihirapang makahanap ng kasayaw, habang ako ay nasa isang sulok at inaaliw ang sarili. Kapag nakipagdate naman ako sa iba, katakot takot na kutya ang maririnig ko dun. Madalas parang bata yun na kapag may problema, kailangan tulungan agad. Lagi akong handa na tulungan, malaki man o maliit yung problema niya. At katulad ng mga tao sa paligid ni Brian at Michael, nagtataka din sila kung bakit ako nananatili sa tabi ni RC.
Michael and Brian | Drama King and RC |
May mga oras na naiinis din ako. Na bakit ba lagi akong kailangan ni RC. Pero kapag magkaibigan kasi ang dalawang tao, handa ka sa lahat lalo na at para sa ikabubuti ng kaibigan mo. Hindi ka naman naghahangad ng kapalit. Pero ang totoo, hindi rin naman kase nakikita ng ibang tao kung gaano kabait at kasweet na tao si RC. Matigas man ang ulo niya, mas malaki pa rin kabutihan sa puso niya. Alam ko, pinapahalagahan niya ako at ang pagkakaibigan namin at gaya ko, handa naman siyang gawin ang lahat para sa ikasasaya ko.
Sa loob ng halos limang taon naming pagkakaibigan, madami na rin kaming napagdaanan at nalampasan na pagsubok. Kung minsan akala namin, susuko na kami pero magkasama pa rin kami. May ilang mga pagbabago pero siguro parte naman yun ng pagtanda namin at pagharap sa mga bagong kabanata ng aming buhay.
Malayo pa ang tatakbuhin ng panunuod ko ng QaF pero excited na din akong bigyan ng kopya si RC, ang Brian Kinney ng buhay ko.
------
*Pasensya at hindi muna ako gagamit ng movie title. Hihi. Nauna kong naisulat sa aking Multiply Account noong July 18, 2008.

eeeh.
ReplyDeletei love best friend stories. hehe
shet ako hindi ko pa napapanood ang Queer as Folk.
shet di pa ko ganap na becky. lol
mahirap yan
ReplyDeletenice story. =] pero minsan kasi nakakatakot din pag nagiging malalim 'yung feelings mo sa besfriend mo tapos biglang my sunshine justin na pla siya. aw.
ReplyDeleteasan un comment ko dito last time?hahaha nawala ata!
ReplyDeletenapanood at natapos ko ang queer as folks super dati pa!
mahirap ang sitwasyon mo ha!