2012
N akakamiss din pala magsulat. Parang ilang buwan din na walang bago dito sa blog ko. Ang dami rin kasing nangyari. Pakiramdam ko nga, hindi na bagay sa akin ang angas nitong blog ko – Drama King shit eh wala naman kadrama-drama sa buhay ko. Parang hindi na ko masyado na-eemo ngayong mga panahon na ‘to. Namimiss ko na nga. Baka kasi Pasko na rin ano. Ang saya ng paligid, ang saya ng mga tao. Pero hindi rin. Dati kapag magpapasko na tapos maririnig ko ‘yung “Sana Ngayong Pasko,” ayan tutulo na luha ko. Ngayon wala ng epekto. Sige ito na lang ang totoo – masaya ako. Masayang-masaya. Akala ko isusumpa ko ‘yung 2012 kasi puro problema at kalungkutan ‘yung first half niya sa akin. May mode pa ko na rebirth rebirth, renaissance shit ‘nung patapo ang 2011 eh wala naman nagbago. Mas nalungkot lang ako. Mababasa n’yo naman yan dito ano. Pero nung tinanggap ko ‘yung mga pagkakamali ko at nagpasya na gumawa ng bagay na ikakatama nito – parang tinulungan pa ko ng uniberso para matupad it...