I Am Legend
M ay attempt akong puro movie titles yung magiging title ng posts ko. Haha. Sana mapanindigan. Para swak sa tema ng blog. Mahihiya yung Gossip Girl. Pero yung saken, walang twists. Ayoko na mag-isip. Dahil napag-usapan na rin ang tema, medyo nakakahilo 'tong blogger ah. Ang daming magandang themes, backgrounds, colors pero nagstick na ko sa gamit ko ngayon kasi mahilig ako sa mga tao. Mahilig makipag-usap, makinig, makipagkulitan at kahit manuod lang. Sabi samen sa teatro, ang pinakamabisang paraan para maging mahusay na artista ay magmasid ng mga tao. Umupo ka sa isang coffee shop, tapos mag-observe ka lang ng isang tao tapos ang dami mo ng malalaman sa mga kilos niya. Pero hindi pala tungkol sa acting ang post na ito. Hindi rin ito tungkol sa pelikula ni Will Smith. Tungkol ito sa akin. Para naman may konting background kayo sa nagpapakilalang si Drama King. 1. Una, 26 years old na ko. 5'10, hawig ni John Lloyd (Haha. Gusto ko maniwala kase sabi ng mga officemate...