Hiram na Mukha
G usto ‘ata talagang gawing memorable year sa’ken ni Papa Jesus ang 2011. Hindi ko naman talaga hobby ang makipag-EB sa mga hindi ko kilala at hindi pa nakikita ang picture pero jumajackpot talaga ako nitong mga nakaraang buwan. Una na nga ang mahiwagang kuwento ng bingot. Akala ko natuto na ‘ko pero inulit ko pa rin. ‘Nung kinwento ko sa mga kaibigan ko ‘yung kay bingot, lahat sila sinabi sa’ken na kung hindi raw bingi/pipe ang mamimeet ko next time, eh kuba naman. Natakot talaga ako. Kaya sabi ko sa sarili ko, hinding-hindi na ko makikipag-EB kung wala namang pictures online. Gusto ko kahit paano may idea naman ako ng itsura. Kasi hindi ko na alam ang magiging reaksyon ko kung another bingot or kuba ang mameet ko. Hindi naman sa inaalipusta o hinahamak ko sila. Sa totoo lang po ako. Rang! So eto na nga ang kwento. May number sa phone ko ang isang lalaki na nakita ko ang number sa Downelink. Itago na lang natin siya sa pangalang Robert. Pogi si Robert. Isa sa mga ras...