Thursday, September 15, 2011

Hiram na Mukha

Gusto ‘ata talagang gawing memorable year sa’ken ni Papa Jesus ang 2011. Hindi ko naman talaga hobby ang makipag-EB sa mga hindi ko kilala at hindi pa nakikita ang picture pero jumajackpot talaga ako nitong mga nakaraang buwan. Una na nga ang mahiwagang kuwento ng bingot. Akala ko natuto na ‘ko pero inulit ko pa rin. ‘Nung kinwento ko sa mga kaibigan ko ‘yung kay bingot, lahat sila sinabi sa’ken na kung hindi raw bingi/pipe ang mamimeet ko next time, eh kuba naman. Natakot talaga ako. Kaya sabi ko sa sarili ko, hinding-hindi na ko makikipag-EB kung wala namang pictures online. Gusto ko kahit paano may idea naman ako ng itsura. Kasi hindi ko na alam ang magiging reaksyon ko kung another bingot or kuba ang mameet ko. Hindi naman sa inaalipusta o hinahamak ko sila. Sa totoo lang po ako. Rang!

So eto na nga ang kwento.  May number sa phone ko ang isang lalaki na nakita ko ang number sa Downelink. Itago na lang natin siya sa pangalang Robert. Pogi si Robert. Isa sa mga rason kung bakit ko kinuha ang number niya sa DL. Nagtetext kami dati pa. Medyo hambog at walang kwenta katext si Robert. Haha. Pero deadma lang. Pampalipas oras ganyan. Halos magkapitbahay lang kami kaya minsan napag-uusapan ‘yung ideya ng pagkikita. Pero nahihiya nga ako kasi kung itsura at itsura lang ang basehan, malayo siya sa’ken. (Pero sure ako mas mataas IQ ko. Cheka) 

Hanggang isang araw ng Agosto, nagtext ako. Nangamusta. Nagulat ako at parang nasa mood magreply ang mokong. Text-text hanggang niloko ko siya na magkita kami bilang magkapitbahay lang naman kami.

Game siya! Natuwa slash kinabahan naman ako. Text-text ulit hanggang sinabi niya, “gusto mo motel tayo. Hati na lang tayo.”

Aarte pa ba ako? Eh di’ba nga pogi ‘to ng todo. Kahit medyo nag-aalinlangan ako at nawiwirduhan sa text ni koya, gi-now ko na rin. Aaminin ko, ang tagal na rin ‘nung huling nakipagsex ako. Naisip ko, baka naman horny lang talaga siya. Nagbihis ako at pumunta sa aming meeting place.

Makalipas ang ilang minuto, dumating na si koya. Pero hindi siya si “Robert!" Nagulantang ako, pero pa-cool lang. Kalma lang ala-Shamcey Supsup.

DK:          Ikaw si Robert? Parang iba itsura mo?

Robert:     Ah oo. Iba talaga yung picture ko ‘dun. Bestfriend ko ‘yun. Pero alam naman sa DL 'yun. 

Wow. Alam ng lahat. Parang hindi naman ako nainform. Haha. Hindi naman siya pangit pero parang ganun na rin. Sobrang layo ‘dun sa alam kong itsura ni “Robert”.

Nag-explain ako na nagulat talaga ako sa itsura niya. Kasi iba nga yung ineexpect ko. At nakapaglecture ata ako ng tungkol sa paglalagay ng totoong pic. Nagalit si koya! Nagdialogue siya ng “oo hindi ako pogi pero ‘wag mo naman idamay pagkatao ko.” 

Walkout.

Gulantang ako. Grabe yung pagkatao kasi yung nabanggit niya. Eh sino ba nanloko sa umpisa di’ba? Nag-eexplain lang naman ako. Hinabol ko at nagsorry ako. Sabi ko, hindi naman ganun ang intensyon ko. Nagulat lang talaga ako kako. Tinanggap naman niya at nagkwento siya na ‘yung pogi sa picture ay bestfriend niya at nasa states na ‘to. Mayabang daw yun at playboy. Tango-tango lang ako. Napunta na sa “motel” yung topic namin. Sabi niya ituloy raw. At binigyan pa niya ako ng mga motel options. Natawa na lang ako sa loob-loob ko.

Habang nasa jeep, si “Robert” eh nakapatong na ‘yung kamay niya sa mga hita ko. Medyo naasiwa ako. Kasi maraming tao sa jeep. At todo kwento si koya ng mga sex endeavors niya. Uhm, sana naiisip niya yung iniisip na ng mga tao sa paligid namin. Lalo na sa’ken. Gusto ko na lang maglaho talaga. Hiyang-hiya na ko.

‘Nung naglalakad na kami, ang daming tumatakbo sa isip ko. Una, wala naman akong obligasyon sa tao na ‘to na manloloko in the first place. Pangalawa, sa dami ng mga naka-sex niya, baka may sakit pa ‘to. Ikatlo, pwede pa naman ako bumack-out. Sinunod ko ‘yung pangatlo. Sabi ko, “hindi ko pala kaya. Sorry.” 

Walkout ulit si koya. 

Hindi ko na hinabol. Pumasok ako ng mall.

Nagtext siya after 30 minutes.

“Ang sama ng ugali mo. At least ako, nagpakatotoo sa sarili ko. Makarma ka sana. Erase mo na number ko. Huwag ka na magtetext."

Wow another. Gusto ko tumambling sa tawa. At siya pa ang nagpakatotoo sa sarili niya. Nagreply ako.

“Sa totoo lang, I think ikaw ang karma ko.”

Erase number.



-----

Hiram na Mukha (Filipino: "Borrowed Visage") is a 1992 Filipino film starring Nanette Medved, Cesar Montano and Christopher de Leon. It is directed by Joel Lamangan. In 2007 it was made into TV drama series.

7 comments:

  1. nakakainis! bakit hindi ito lumabas sa blogger updates ko.. huhu!

    bakit ganun? lahat ng kwento mo kwento ko din. naranasan ko na yan... kaya di na bago sakin yang mga ganyang kwento. ang pinag kaiba lang natin graduate na ko sa mga ganyan.. ikaw, mukhang late bloomer sa mga ganyan.

    mag iingat ka kasi sa susunod. tandaan mo na 2 klase lang ng tao ang makikita mo sa DL. una, yung mga naka webcam. sila yung mga tipo na suplado. sila sila lang mga naka webcam ang nag uusap usap. pangalawa, yung mga hindi naka webcam sila naman yung hindi pinapansin ng mga hindi naka webcam pero may common denominator naman sila.... lahat sila sex lang ang gusto. kaya nga ang dumi dumi ng tingin ko sa dl eh. pero mas malinis naman ang dl compared sa pr.

    balik tayo, ingat ka na next time atsaka wag ka maghanap sa ganung lugar... wala kang makikitang matino.

    ReplyDelete
  2. grabe bakit naman kasi nakipagmeet ka pa sa kanya eh hindi mo pa naman sya nakita on cam. LOL. nakakatakot sya ah at ang OA nya gaya ng title ng blog mo. Ang lakas din ng loob nyang magsabing atleast sya nagpakatotoo. LOLZZ talaga!!!!

    ReplyDelete
  3. "Hindi naman siya pangit, pero parang ganun na rin." Hahaha, lakas ng tawa ko sa line na to. Winnerific!!! :)

    Next time, wag makikipag-EB kung di mo man lang na-sight ang orig na fezlak sa fecture. At kung na-sight mo, pero witchels naman siya yun, ay 'day, ikaw na ang mag-walk out plus 3/4 na cartwheel kapag malapit ka na sa pinto.

    Cheers!

    ReplyDelete
  4. ganyan naman talaga sa internet lokohan pati sa facebook puro pekeng pictures din.

    ReplyDelete
  5. nakakaloka ka besfrennnn!!!! d mo pa nakwento sa akin to, grabe tawa ako ng tawa d2! Isama moko pag nakipag EB ka sa Nov ah patra may back up plan ka na! ching! see you soon!

    ReplyDelete
  6. Ito na ang huling insidente. Sabi ko sa sarili ko, hindi na 'ko makikipag-EB ulit after nito. Hahaha. :)

    ReplyDelete
  7. ahihihihiih... kakatwa naman po yung mga experiences nyo about EB EB na yan.. sana po next time maging successful na kuya....kung tipong may spark na pagnagkaharap ko tapos yung butterfly butterfly sa stomach effects... :)

    ReplyDelete