The Ex *


Kanina ‘pag gising ko, nakatanggap ako ng isang text message mula sa isang ex ko nung nasa UP pa ako. Siya yung ex ko na akala ko, happy ending na kase parang fairy tale talaga yung kuwento ng love story namen. Pero gaya nga ng cliche na paniniwala, yung happy endings totoo lang sa mga fairy tales. Kung "parang fairy tale" lang, malamang hindi happy ending yun. Bigla nag flashback sa utak ko yung lahat ng mga nangyari samen before. ‘Yung nagtext kami na nagsimula sa panloloko ko...

...na nauwi sa pagkikita namen at panunuod ng isa sa mga paborito kong pelikula na "charlie and the chocolate factory" na kahit napanuod na niya eh pinanuod niya ulit para saken at dalawang beses pa namin inulit.

...ang mga pag-uusap sa telepono na inaabot ng umaga na sobrang puno ng magic at kahit tapos na eh tuloy pa rin kami sa pagtetext.

...sa mga nakakakilig niyang text message na tumunaw sa puso ko at nagpamahal sa akin sa kanya.

...na matapos ang tatlong araw ay gusto niyang magalit ako sa kanya para mawala ang aming pagtitinginan dahil hindi na daw niya alam ang gagawin niya dahil ako lang ang nasa isip niya.

...at hindi ko pagsuko sa hamon niyang iyon na nauwi din sa aming matamis na relasyon na saksi ang main library sa mga pusong sabik sa isa't isa.

Mainit at mapusok ang naging relasyon namen. Siguro dahil noong mga panahon na yun, siya lang talaga yung hinihintay ko sa buong pag-aaral ko sa UP. Noong dumating siya, handa ako sa lahat ng mga bagay sa pakikipagrelasyon. Wala akong takot. Lahat halos ng mga imposible nagawa namen. Pero wala naman akong pagsisisi.

Hanggang isang araw, bigla niya ko iniwan. Masakit yung mga nangyari lalo pa at pinaniwala mo ang sarili mo na seryoso ang relasyon n'yo at hindi ito basta basta matatapos ng ganito. Sa loob ng maraming linggo at buwan ay siya pa rin talaga ang hinahanap ko. At kung nanaisin niyang makipagbalikan ay papayag talaga ako. Pero makalipas ang isang taon, napagod na din ang puso ko at naisip ko na wala na talagang pagbabalikan na magaganap.

Good evening everyone. Whew! What a tiring day. Christmas is fast approaching. Lots of food, gift giving, and most especially it’s all about sharing of love. Again I will embrace Christmas without a partner. it would really be a cold Christmas for me. Again for the nth time. Funny and weird that I am rationalizing my singlehood now. I really hate this.

To some extent, I hate the person that I am. it’s disappointing when I read messages of some people dying to have a lovelife. Dying to have a partner. That’s not my case. it’s not a problem for me to find someone I like that likes me in return. If not always, most of the time, it’s mutual. But the problem is I’m sick. When I love a person who’s loving me in return, I will hurt him so that he would leave me. I will intentionally push him away. i really hate myself. im exact. i always want to be accurate and precise. I’m quantitative. I want everything to be quantified. Even love.

I’m a stupid, irrational jerk. Goodnight everyone.

Balik sa text niya, natawa ako nung una. Ang haba naman kasi. Parang paper sa school. Pero after ‘nun, nalungkot ako para sa kanya. Noong iniwan niya ako, sabi ng mga friends ko, maysakit daw siya. Madami kasing mali sa relasyon namin dati. Mga bagay na hindi niya ipinagtapat saken. Sabi ko naman sa mga friends ko, baka ganun lang talaga siya. Pero ‘nung nabasa ko to, mukang may problema nga siya. Kahit paano, may parte sa puso ko na nakahinga.

Nitong mga nakaraang linggo, matapos kami maghiwalay ni sweetie at malaman na may bago na siyang boyfriend, nalungkot ako at pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na may mali sakin. Pareho nila akong tinext nung naghiwalay kami na "hindi ko sila nakilala.." Kaya sabi ko sa sarili ko, nasa akin nga siguro yung problema. Pero ngayon, mukang hindi naman. Tama yung isang kaibigan ko, “baka malas ka lang sa mga nagiging karelasyon mo.” At muka nga. Pero sa isang punto, alam ko may pagkukulang din ako. Hindi man malaki, kahit paano meron pa rin. Two way naman lagi ang relasyon. Kung nagsawa man sila sa piling ko, baka may mga ginawa din ako na hindi ko namamalayan na hindi na pala nila gusto.

Hindi na ako malungkot ngayon. Yung minsanang pagkamiss naman sa mga ex mo eh natural naman. Kahit paano, malaki ang naging bahagi nila sa sarili ko ngayon dahil naging mas matatag ako. Sa lahat ng mga nangyayari sa atin, importante yung natutunan sa mga ito.

Kanina nakita ko yung multiply ni sweetie. May mga bago siyang pictures doon. At mukang masaya naman siya. May kurot pa rin sa puso ko, pero alam ko, iniisip niya din na sana masaya ako ngayon.

-----

The Ex is a 2007 comedy film directed by Jesse Peretz and starring Zach Braff, Amanda Peet and Jason Bateman. The film had a wide release planned for January 19, 2007, and then March 9, 2007. It was originally promoted under the working title Fast Track. It was released on May 11, 2007. Co-stars include Charles Grodin, Donal Logue and Mia Farrow.


*Nauna kong isinulat sa aking Multiply Account noong November 7, 2007. Paumanhin at wala akong malagay na bago sapagkat busy sa trabaho. Next week, promise meron na. :)

Comments

  1. I love this post. A lot of good lines...

    Cheers! Have fun my friend...

    JJRod'z

    ReplyDelete
  2. nakakarelate din ako..

    ganyan din ako dati maybe until now yung iniisip natin na nasa atin ang mali palagi..

    pero heto lang ang isipin mo *ganyan kasi ang iniisip ko para gumaan naman ang loob ko*

    "not everything is about you!"

    masakit and too harsh pero ganun talaga. wag ka masyado mag isip ng kung anu anu tungkol sa sarili mo.

    enjoy life! carpe diem! hahaha!

    good luck! ;)

    ReplyDelete
  3. ^^ napatouch dito habang lumilipad-lipad ^^
    -- hang lunkgkot neto..naalala ko tuloy ang mga ex ko...nakakalungkot ang mga hiwalayang ganyan..yung hindi mo alam kung bakit kayo nag hiwalay ;(

    ReplyDelete
  4. @JJ: Hi JJ! Salamat sa muling pagdaan! Hehe. Okay na po ako. I wrote this in 2007, 'nung time na yun, sobrang down talaga ako. Pero masasabi kong marami na rin naman talagang nagbago sa akin. :D

    @Shenanigans: Salamat sa komento! Madalas naman, ang hirap maging rasyonal lalo na kapag kakatapos lang ng isang relasyon. Proseso ito at masasabi kong nalagpasan ko naman. Mas masaya na 'ko ngayon at mas tinatanggap ang mga katotohanan sa aking buhay. :D

    @Hana: Mayroon akong tatlong relasyon na 'nung simula, hindi ko alam talaga kung bakit kailangan maghiwalay. Theme song ko nga 'nun, Tell Me. Haha. Pero ngayon, mas naniniwala na 'ko na lahat ng bagay ay nangyayari ng may rason. Hindi mo man alam sa ngayon, pero darating ang araw na malalaman mo kung ano ito. Salamat sa pagdaan! :D

    ReplyDelete
  5. as in bigla na lang siya nang iwan sa yo?

    at wag na kasi tignan ang mga acct acct na yan ng mga ex para walang heartache hehehe...

    ReplyDelete
  6. hay exes. :p




    kung makabuntong hininga naman ako parang nagka-ex na. hehe

    ReplyDelete
  7. that's the spirit!

    good luck sa atin kahit kakagaling ko lang sa heart ache

    ReplyDelete
  8. You wrote this four years ago? Medyo iba ka na mag-isip ngayon ha. hehe but I still see traces of the drama king.

    Maiba tayo. Nakakaloka ang mga kulay nung template mo. Medyo mahirap basahin.

    ReplyDelete
  9. besfrennn... ahahaha. e2 ba yung ex mo na letter E nagsisimula ang pangalan?! ayiiiii... chos! :D baka sa Bora mo na makikilala ang nakatadhana teh! ayiiii....

    excited nako sa bora naten. Sunday na kayo bumalik manila, sabay na kayo samen....

    ReplyDelete
  10. @Mac: Yung isa jan, oo. Bigla na lang ako iniwan. Pero nag-usap na kami tungkol 'dun. He asked for forgiveness at okay na kami. :D Hindi ko na tinitignan sa multiply yung isa. Matagal na rin naman, 2007 pa 'to. :D

    @Kalansay: Magkakaroon ka rin niyan. :D

    @Shenanigans: Kaya mo yan! :D

    @Citybuoy: Marami na nga sigurong nagbago. Ang tagal na rin kasi. Pero 'yung pagiging drama king, inate na yata saken yun. Nasa teatro pa ko. Maarte ako eh. Lol.

    @Ronron: Hinde. Haha. Pero si sweetie oo, si E yun. :D

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Just My Luck

Melancholia

Hiram na Mukha