Imagine That
S cene 1 : Ext. Kalsada. Mga sasakyan. Madaling-araw. Sa loob ng isang taxi, makikita ang isang lalaki. Naka-long sleeves. Nag-iisip. Madadaanan ang ilang mga poste na may ilaw. Bilog ang buwan. Tutunog ang radyo ng taxi. Maririnig ang boses ni Ariel Rivera. “Sana Ngayong Pasko” ang awitin. Zoom in ang camera sa lalaki sa taxi. Mababakas ang biglang pagbabago sa kanyang mukha. Ang kaninang nag-iisip ay mapapalitan ng kalungkutan. Titingin siya sa bintana ng taxi. End of Scene 1. Ganito ang nangyari sa akin kaninang umaga. Ganito ko rin ito gustong isipin. Ewan ko ba pero madalas pakiramdam ko, isang pelikula ang buhay ko. O kaya isang music video na pinapalabas sa MTV. Puwede ring isang reality show na pinapanuod ng maraming tao. Gustong-gusto ko maglakad sa isang daan na may iilang ilaw lamang mula sa mga poste habang malamig ang hangin. O kaya habang umaambon. Pakiramdam ko, tumitigil ang mundo at nakatingin lamang ito sa akin. Minsan naman, haban...