Imagine That


Scene 1:  Ext. Kalsada. Mga sasakyan. Madaling-araw.

Sa loob ng isang taxi, makikita ang isang lalaki. Naka-long sleeves. Nag-iisip. Madadaanan ang ilang mga poste na may ilaw. Bilog ang buwan.

Tutunog ang radyo ng taxi. Maririnig ang boses ni Ariel Rivera. “Sana Ngayong Pasko” ang awitin.

Zoom in ang camera sa lalaki sa taxi. Mababakas ang biglang pagbabago sa kanyang mukha. Ang kaninang nag-iisip ay mapapalitan ng kalungkutan. Titingin siya sa bintana ng taxi.

End of Scene 1.

Ganito ang nangyari sa akin kaninang umaga. Ganito ko rin ito gustong isipin. Ewan ko ba pero madalas pakiramdam ko, isang pelikula ang buhay ko. O kaya isang music video na pinapalabas sa MTV. Puwede ring isang reality show na pinapanuod ng maraming tao.

Gustong-gusto ko maglakad sa isang daan na may iilang ilaw lamang mula sa mga poste habang malamig ang hangin. O kaya habang umaambon. Pakiramdam ko, tumitigil ang mundo at nakatingin lamang ito sa akin. Minsan naman, habang naglalakad at suot ko ang iPod ko, nagbabago ang paligid ko. Nagiging sepia, nagiging makulay depende sa tugtog. Bumibilis o kaya nagiging slow-motion. Parang soundtrack ganyan.

Hindi ko na matandaan kung kailan ko naramdaman na nasa isang pelikula lagi ako. Pero ang sigurado, mas dumalas siya noong naging single ako. Siguro sa dalas kong manuod ng mga pelikula, na laging mga romantic comedies pa, naapektuhan na ang sensibilidad ko. Isabay mo pa ang mga dulang napanuod at sinalihan ko, hindi naman nakakapagtakang maging ganito ako mag-isip.

Kaya lang kasi, nakakatakot. Madalas kasi malayo sa realidad ng buhay. Lagi kong dinadagdagan ng romansa ang mga bagay at desisyon ko. At kapag nagising na ko sa katotohanan, ang resulta ay sakit lang sa damdamin. Mabuti nga ngayon na medyo matanda na ‘ko at kahit paano, kilala ko na ‘yung sarili ko. ‘Yung sakit, isang iyak lang tapos tulog o kaya konting inom, puwede nang maremedyuhan. Kung ‘nung bata-bata siguro ako, baka naglaslas na ‘ko. 

Isipin n’yo naman ang mga trip ko. May isang tao na akala ko mahal na mahal ko. Aalis na siya papunta sa ibang bansa. Hindi ko masabi ‘yung nararamdaman ko kasi iniisip ko, “Paano kung mahal niya rin ako? Hindi ba siya sasakay sa eroplano at magbabago ang kanyang mga plano para sa akin?” Wow ‘diba? Ayan agad ang naisip ko, hindi muna ‘yung katotohanan kung gusto niya nga ako.

Meron naman, super crush ko kasama ko sa isang bar. Pakiramdam ko, tumitigil ang mga tao sa pagsasayaw kapag kaming dalawa na ang nasa dance floor. Tipong naka-freeze sila habang solong-solo namin ‘yung mundo.  Ang adik lang ‘diba?

Gusto ko rin yung mga atake sa mga restaurant. Tipong candlelight dinner tapos tatanungin ko siya kung mahal niya ba ako. Ang perfect ng moment pero paano kung disaster ang sagot niya?

Lahat na yata ng mga kaibigan ko nasabing tigilan ko na ‘yung mga kahibangan na ‘to. Kaya nga ngayong taon na ‘to, binawasan ko talaga ang panunuod ko ng mga romantic movies. Kahit gustung-gusto ko, pinigilan ko talaga. Nakatulong naman sa akin kahit paano. Pero may mga pagkakataon, hindi ko pa rin talaga maiwasan. Kasi hindi lang naman sa pelikula nangyayari  ‘yun diba? May mga videos nga sa youtube na nagpapakita na posible ‘rin talaga. OA na kung OA, pero napapaluha talaga ako kapag napapanuod ko sila.

Napakinggan ko ‘rin ‘yung kanta ni KC Concepcion na Not Like the Movies. Pakiramdam ko, sinampal ako ‘nung unang beses ko marinig ‘yun. Lahat ng linya sakto sa akin eh. Kaya nga kapag lumilipad na naman ang puso ko sa mga imahinasyon ko, nakikinig lang ako sa kanta na ‘yun. Ibinababa ako nito sa lupa.



PS
Paano naman yung sinabi ni Shakespeare sa As You Like It,

“All the world’s a stage,
And all the men and women are merely players.”

Baka naman hindi masama ang ginagawa ko, after all. Haha. Ayaw talaga magbago eh. :P

-----

Imagine That is a 2009 comedy-drama film starring Eddie Murphy, Thomas Haden Church, Nicole Ari Parker, Martin Sheen, Marin Hinkle, and Yara Shahidi. Imagine That takes place in Denver, Colorado, (which can be identified by the skyline and landmarks). It centers on the relationship between a workaholic father (Eddie Murphy), and his daughter, Olivia (Yara Shahidi), whose imaginary world becomes the solution to her father's success. Among the cast is veteran actor Ronny Cox who last starred with Eddie Murphy in his blockbuster series,Beverly Hills Cop. This was the last Nickelodeon movie in the 2000s, and before the logo change.

Comments

  1. Baka naman you're meant to be in showbiz? Pa-autograph kapag nagkita tayo ha? LOL. :)

    Just keep your hopes up.

    Cheers!

    ReplyDelete
  2. ay besfrenn, HS pa lang tayo, mala pelikula na ang drama mo sa buhay. Gaya ng American Sweethearts. Or gumawa ka pa ng MTV ng My December. ALAMOYAN! ahahaha.. yihhhheeeeeee!!!!!

    ReplyDelete
  3. @Leo: Alam mong gusto ko yang sinasabi mo! Haha. Salamat salamat. Gusto ko talaga, pero hindi naman 'yun ang focus ko sa ngayon. Gusto ko muna makilala sa teatro tapos eventually mag-TV and movies after. Wala naman akong ilusyon maging matinee idol. Sapat na sa akin ang mga character roles. :D

    @Ronron: Bwahaha. Adik ka. Issue mo yang American Sweethearts eh pinanuod lang naman namin 'yun. At 'yang My December na yan, naging background music lang naman. Lol.

    ReplyDelete
  4. Ang tanong, napanood mo nyo nga ba talaga?! Or d nyo nasundan ang istorya. ahahahah. lolx. Parang best i-OST ang My December please. ahahahaha

    ReplyDelete
  5. Tama yan, mag-color-my-world tayo.
    Masaya yan minsan, wag lang parati

    ReplyDelete
  6. ay, ma-eksena.. --- "Mababakas ang biglang pagbabago sa kanyang mukha. Ang kaninang nag-iisip ay mapapalitan ng kalungkutan. Titingin siya sa bintana ng taxi."

    ReplyDelete
  7. Pa autograph naman.. Or soon pag nasa showbiz kana, sulat mo kami, sure dami na mag basa nyan. hahaha

    ReplyDelete
  8. “pag nagbabalik tanaw ako sa aking buhay pag-ibig, napapagtanto ko na di naging creative ang aking script writer dahil di nagbabago ang plot na aking storya, at naging matipid ang aking producer dahil lagi na lang short films kahaba ang aking mga pag-ibig”

    That was my sentiments a couple of years back. So guess we’re both actors in our own bio-films ;)

    ReplyDelete
  9. Gusto ko rin magmoment minsan sa jeep sa saliw ng awitin ni Aleck Bovick. Go!

    ReplyDelete
  10. ako nga dati may binuo akong imaginary boyfriend tuwing matutulog ako haha weird ko noh...pero masarap matulog nun kasi makakasama ko siya!

    adik lang!LOL

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Just My Luck

Melancholia

Hiram na Mukha