The Truman Show
Hindi ako sigurado kung ano ang gusto kong sabihin sa entry na ‘to. Hindi ko rin alam kung ano ang magiging epekto nito sa akin at sa ilang makakabasa nito. Pero isa lang ang totoo – kailangan kong sabihin ang mga ito.
Siguro sa lahat naman ng nagiging blogger na gaya ko, naroon ang intensyon na magbahagi ng kanilang sarili. Sumusulat tayo kasi gusto natin buksan ang bahagi ng mga sarili natin sa ibang tao. Kung hindi man mga kwento tungkol sa mga pangyayari sa ating buhay, mga obserbasyon at naiisip sa ilang mga kaganapan sa ating paligid.
Sumusulat tayo kasi may gusto tayong sabihin. Kung makakaugnay man, mamumuhi, matatawa o kaaawaan tayo ng makakabasa nito ay hindi natin kontrolado. Dito lumalabas ang pagiging dinamiko ng tao – bawat isa ay masasabing nag-iisa batay sa kanyang ugali at pagtingin sa mundo.
Hindi ko naman itatanggi na may takot din ako nang magsimula akong magsulat dito sa blog ko. Pero napawi ito ng mga komento at hits na natanggap ko. Kahit paano, may mga tao palang nagbabasa sa mga nasusulat ko rito. Sa pag-usad ng mga kwento, hindi ko rin itatanggi na umasa akong sana, may mga taong makarelate sa akin. Ayokong isipin na ako lang ang nakakaranas ng mga pangyayari sa akin. Hindi man katulad na katulad pero kahit kaunting pagkakahawig sa nangyari sa akin.
May mga nasulat ako tungkol sa mga kamalasan at nakakaaliw na istorya tungkol sa pakikipag-EB. Hindi ko naman naisip na maaari silang pag-ugatan ng maling nosyon tungkol sa pagkatao ko. Hindi ako naninisi – alam ko naman na posibilidad talaga ang mga ito.
Pero masyadong makulay ang buhay ko para makahon sa blog na ito na ilang buwan pa lang naman na nandito. Wala pa nga yata sa isang porsyento ng kwento ko ang nandito. Wala akong intensyon na kaawaan nang dahil lamang sa mga kwento ko. Oo apat na taon akong single pero hindi naman ako naging miserable sa apat na taon na ‘yun. Marami akong kaibigan na lagi akong dinadamayan. May trabaho ako, estudyante ako at nagtatanghal sa teatro.
Importante ang relasyon. Naniniwala ako diyan. Pero hindi naman ako nagpapakupot sa ideyang ito. Hindi sa pagmamayabang, pero disente naman akong tao. May mga ilan na rin namang nagparamdam at nagsabi ng kanilang intensyon pero hindi natuloy kasi hindi ko sila gusto.
Oo importante sa akin ang atraksyon. ‘Yung koneksyon kung magkiklik ba kaming dalawa. ‘Yung kayang suportahan ang mga hinihingi ng relasyon.
Laging sinasabi ng mga kaibigan ko, “bakit hindi na lang si ganito, si ganyan eh tutal gusto ka naman niyan…” At lagi ko rin sinasabi, hindi ako naging single ng apat na taon para lang magsettle sa kung ano ang meron o kung sino ang nandiyan. Kasi hindi ba, ang tagal ko na ring naghintay eh, kaya umaasa ako na ‘yung magiging karelasyon ay gusto ko talaga. At kahit sinasabi ng iba na hindi naman importante ang itsura, patawad pero kahit paano, kailangan mong ikonsidera ‘yun. Mahirap makipagrelasyon ng wala kang kahit man lang limang porsyentong atraksyon sa magiging karelasyon mo.
Hindi ko alam kung totoo ito sa maraming tao, pero ayoko ng puwede na. Kung may natutunan man ako sa mga produksyon ko sa teatro, ito ay ang laging ibigay ang pinakamahusay na pagtatanghal. 26 years old na ko. Tapos na ako sa panahon ng paglalaro at pag-eeksperimento. Kung makikipagrelasyon ako ngayon, gusto ko ‘yung pangmatagalan na kung hindi man panghabambuhay.
Importante ang respeto. Pagtanggap. Eto ako at kailangan mong yakapin ang buong pagkatao ko kung gusto mo akong maging kaibigan. Marami na akong naging karanasan sa buhay at pinapatingkad nito ang kabuuan ko sa ngayon. Nabasa ko sa twitter ‘nung isang araw, hindi naman daw mahirap maghanap ng magmamahal sa atin. Mahirap lang daw maghanap ng mahal mo rin. At naniniwala ako ‘ron. Kaya nga tinatanggap ko ang katotohanan ng pagtanggi sa akin kasi sa proseso, may mga ilang tao rin naman akong tinanggihan. Sabi nga ng kaibigan ko, “it’s a tie lang.” Ganito talaga ang sistema eh. Kailangan ko lang talaga maghintay at magdasal na isang araw, magtatagpo rin ang aming landas.
Hindi ko alam kung ilang taon pa ‘yun pero sana malapit na. Maghihintay ako.
------
The Truman Show is a 1998 American satirical comedy-drama film directed by Peter Weir and written by Andrew Niccol. The cast includes Jim Carrey as Truman Burbank, as well as Laura Linney, Noah Emmerich, Ed Harris and Natascha Macelhone. The film chronicles the life of a man who is initially unaware that he is living in a constructed reality television show, broadcast 24-hours-a-day to billions of people across the globe. Truman becomes suspicious of his perceived reality and embarks on a quest to discover the truth about his life.
The Truman Show is a 1998 American satirical comedy-drama film directed by Peter Weir and written by Andrew Niccol. The cast includes Jim Carrey as Truman Burbank, as well as Laura Linney, Noah Emmerich, Ed Harris and Natascha Macelhone. The film chronicles the life of a man who is initially unaware that he is living in a constructed reality television show, broadcast 24-hours-a-day to billions of people across the globe. Truman becomes suspicious of his perceived reality and embarks on a quest to discover the truth about his life.
I can actually relate sa pagiging neophyte blogger. Chos! Love your eloquence using Filipino.
ReplyDeleteXOXO
Salamat Charchar! Nakakatakot kasi magkaroon ng maling nosyon ang iba sa ating pagkatao. Mabuti na 'yung malinaw. Sulat lang tayo ng sulat. :)
ReplyDeleteTamaaah! Chos!
ReplyDeleteThis your blog. And you have the liberty to do whatever you want. Mag-tumbling. Cart wheel. Wheel barrow. Split. Kandirit. Chos! Waley kaming magagawa. We're just passers-by in your niche.
Chos!
XOXO
ang maganda sa blog nasusulat mo ang lahat ng nasa loob mo may times na di mo masabi sa pamilya mo or kaibigan at sa blog mo lang naeexpress. At nakakatuwa kung may mga nakakarelate sa yo
ReplyDeletePak na pak yan Charchar! Haha. Pero sabi ko nga, at the end of the day, hindi pa rin sukatan ng pagkatao ang isang blog. Ibang-iba pa rin ang personal sa pagsusulat. :)
ReplyDeleteLonewolf - tumpak 'yang sinabi mo. Aliw na aliw akong malaman na may mga nakakarelate sa mga kabaliwan ko. :D
Corrected by!
ReplyDeleteIsang malaking check from a posh na pink na ballpen!
Chos!
Pero isang gift when you convey the ideas to your readers exactly the way you wanted. So, keep blogging. Chos! Without hesitations.
XOXO
Besfrennn!!!! pak na pak ang akda mong ito! :D ahehehehe... miss u! lezzgow shopping na!
ReplyDeletei invite you sa aking blog, dun mo makikita ang daming mali. hehehe. But that made us unique. We created a blog, not for others, it is for us.
ReplyDeleteCool
i love blogging. haha
ReplyDeletepero actually kahit ako hirap maglabas ng pagkatao ko sa aking blog.
part of being me actually because i put up walls din naman.
pero go lang blog lang ng blog. it helps. hehe
Hi there!
ReplyDeleteIt's okay to be single. I've been single for about a year now with random flings and flirts with different boys, but never going all the way. When you're single, you get the chance to be you. When you're single, your thoughts are most of the time, in order, that you can even write about it.
And true that, I'm with you, there has got to be attraction. Hindi yung napagtripan lang. Karir. Friend ni ganito. Cute. Mayaman. Gwapo. Maganda.
And I absolutely LOVED The Truman Show.
Don't mind them. Mahirap pero it's all part of the experience, I guess.
ReplyDeleteAnd I totally agree with you. Minsan lang, it's staying sane through all that that'll push you to the edge. haha
sus, wag ka mag-explain. yaan mo sila.
ReplyDelete@Charchar: Salamat muli! Daan ako sa blog mo, hindi pa yata ako nakakapunta. Heehee. :)
ReplyDelete@Ronron: Miss you too! Tara shopping na! Lolz.
@Tim: Tama ka. It is for us. Mga kwento natin ito kaya dapat, handa nating panindigan. :D
@KalansayCollector: Mahirap nga. Kaya nga hanga ako dun sa iba na nagagawa 'yun. Pero masaya rin minsan na tuluy-tuloy lang. Walang iniisip na kahit ano. :D
@Manila, Anyareh: Anyare? Haha. Salamat sa pagdaan. Papanig naman ako sa mga obserbasyon mo. Masaya naman talaga maging single, maraming nakikilala, walang naglilimita sa'yo. Pero feeling ko, relationship person kasi talaga ako. Haha. Mas masaya ako kapag may karelasyon ako. At kapag 4 years ka ng single, promise hindi na rin talaga masaya! Haha. :D
@Citybuoy: Uy si idol dumaaaaan! Salamat! Nanibago lang siguro ako kasi baguhan nga. Mabilis ako nagtiwala sa isang tao, nawindang tuloy ako.
@Nishiboy: Promise last na 'to. Salamat sa pagdaan! :)