Thursday, September 15, 2011

Hiram na Mukha

Gusto ‘ata talagang gawing memorable year sa’ken ni Papa Jesus ang 2011. Hindi ko naman talaga hobby ang makipag-EB sa mga hindi ko kilala at hindi pa nakikita ang picture pero jumajackpot talaga ako nitong mga nakaraang buwan. Una na nga ang mahiwagang kuwento ng bingot. Akala ko natuto na ‘ko pero inulit ko pa rin. ‘Nung kinwento ko sa mga kaibigan ko ‘yung kay bingot, lahat sila sinabi sa’ken na kung hindi raw bingi/pipe ang mamimeet ko next time, eh kuba naman. Natakot talaga ako. Kaya sabi ko sa sarili ko, hinding-hindi na ko makikipag-EB kung wala namang pictures online. Gusto ko kahit paano may idea naman ako ng itsura. Kasi hindi ko na alam ang magiging reaksyon ko kung another bingot or kuba ang mameet ko. Hindi naman sa inaalipusta o hinahamak ko sila. Sa totoo lang po ako. Rang!

So eto na nga ang kwento.  May number sa phone ko ang isang lalaki na nakita ko ang number sa Downelink. Itago na lang natin siya sa pangalang Robert. Pogi si Robert. Isa sa mga rason kung bakit ko kinuha ang number niya sa DL. Nagtetext kami dati pa. Medyo hambog at walang kwenta katext si Robert. Haha. Pero deadma lang. Pampalipas oras ganyan. Halos magkapitbahay lang kami kaya minsan napag-uusapan ‘yung ideya ng pagkikita. Pero nahihiya nga ako kasi kung itsura at itsura lang ang basehan, malayo siya sa’ken. (Pero sure ako mas mataas IQ ko. Cheka) 

Hanggang isang araw ng Agosto, nagtext ako. Nangamusta. Nagulat ako at parang nasa mood magreply ang mokong. Text-text hanggang niloko ko siya na magkita kami bilang magkapitbahay lang naman kami.

Game siya! Natuwa slash kinabahan naman ako. Text-text ulit hanggang sinabi niya, “gusto mo motel tayo. Hati na lang tayo.”

Aarte pa ba ako? Eh di’ba nga pogi ‘to ng todo. Kahit medyo nag-aalinlangan ako at nawiwirduhan sa text ni koya, gi-now ko na rin. Aaminin ko, ang tagal na rin ‘nung huling nakipagsex ako. Naisip ko, baka naman horny lang talaga siya. Nagbihis ako at pumunta sa aming meeting place.

Makalipas ang ilang minuto, dumating na si koya. Pero hindi siya si “Robert!" Nagulantang ako, pero pa-cool lang. Kalma lang ala-Shamcey Supsup.

DK:          Ikaw si Robert? Parang iba itsura mo?

Robert:     Ah oo. Iba talaga yung picture ko ‘dun. Bestfriend ko ‘yun. Pero alam naman sa DL 'yun. 

Wow. Alam ng lahat. Parang hindi naman ako nainform. Haha. Hindi naman siya pangit pero parang ganun na rin. Sobrang layo ‘dun sa alam kong itsura ni “Robert”.

Nag-explain ako na nagulat talaga ako sa itsura niya. Kasi iba nga yung ineexpect ko. At nakapaglecture ata ako ng tungkol sa paglalagay ng totoong pic. Nagalit si koya! Nagdialogue siya ng “oo hindi ako pogi pero ‘wag mo naman idamay pagkatao ko.” 

Walkout.

Gulantang ako. Grabe yung pagkatao kasi yung nabanggit niya. Eh sino ba nanloko sa umpisa di’ba? Nag-eexplain lang naman ako. Hinabol ko at nagsorry ako. Sabi ko, hindi naman ganun ang intensyon ko. Nagulat lang talaga ako kako. Tinanggap naman niya at nagkwento siya na ‘yung pogi sa picture ay bestfriend niya at nasa states na ‘to. Mayabang daw yun at playboy. Tango-tango lang ako. Napunta na sa “motel” yung topic namin. Sabi niya ituloy raw. At binigyan pa niya ako ng mga motel options. Natawa na lang ako sa loob-loob ko.

Habang nasa jeep, si “Robert” eh nakapatong na ‘yung kamay niya sa mga hita ko. Medyo naasiwa ako. Kasi maraming tao sa jeep. At todo kwento si koya ng mga sex endeavors niya. Uhm, sana naiisip niya yung iniisip na ng mga tao sa paligid namin. Lalo na sa’ken. Gusto ko na lang maglaho talaga. Hiyang-hiya na ko.

‘Nung naglalakad na kami, ang daming tumatakbo sa isip ko. Una, wala naman akong obligasyon sa tao na ‘to na manloloko in the first place. Pangalawa, sa dami ng mga naka-sex niya, baka may sakit pa ‘to. Ikatlo, pwede pa naman ako bumack-out. Sinunod ko ‘yung pangatlo. Sabi ko, “hindi ko pala kaya. Sorry.” 

Walkout ulit si koya. 

Hindi ko na hinabol. Pumasok ako ng mall.

Nagtext siya after 30 minutes.

“Ang sama ng ugali mo. At least ako, nagpakatotoo sa sarili ko. Makarma ka sana. Erase mo na number ko. Huwag ka na magtetext."

Wow another. Gusto ko tumambling sa tawa. At siya pa ang nagpakatotoo sa sarili niya. Nagreply ako.

“Sa totoo lang, I think ikaw ang karma ko.”

Erase number.



-----

Hiram na Mukha (Filipino: "Borrowed Visage") is a 1992 Filipino film starring Nanette Medved, Cesar Montano and Christopher de Leon. It is directed by Joel Lamangan. In 2007 it was made into TV drama series.

Thursday, September 8, 2011

The Ex *


Kanina ‘pag gising ko, nakatanggap ako ng isang text message mula sa isang ex ko nung nasa UP pa ako. Siya yung ex ko na akala ko, happy ending na kase parang fairy tale talaga yung kuwento ng love story namen. Pero gaya nga ng cliche na paniniwala, yung happy endings totoo lang sa mga fairy tales. Kung "parang fairy tale" lang, malamang hindi happy ending yun. Bigla nag flashback sa utak ko yung lahat ng mga nangyari samen before. ‘Yung nagtext kami na nagsimula sa panloloko ko...

...na nauwi sa pagkikita namen at panunuod ng isa sa mga paborito kong pelikula na "charlie and the chocolate factory" na kahit napanuod na niya eh pinanuod niya ulit para saken at dalawang beses pa namin inulit.

...ang mga pag-uusap sa telepono na inaabot ng umaga na sobrang puno ng magic at kahit tapos na eh tuloy pa rin kami sa pagtetext.

...sa mga nakakakilig niyang text message na tumunaw sa puso ko at nagpamahal sa akin sa kanya.

...na matapos ang tatlong araw ay gusto niyang magalit ako sa kanya para mawala ang aming pagtitinginan dahil hindi na daw niya alam ang gagawin niya dahil ako lang ang nasa isip niya.

...at hindi ko pagsuko sa hamon niyang iyon na nauwi din sa aming matamis na relasyon na saksi ang main library sa mga pusong sabik sa isa't isa.

Mainit at mapusok ang naging relasyon namen. Siguro dahil noong mga panahon na yun, siya lang talaga yung hinihintay ko sa buong pag-aaral ko sa UP. Noong dumating siya, handa ako sa lahat ng mga bagay sa pakikipagrelasyon. Wala akong takot. Lahat halos ng mga imposible nagawa namen. Pero wala naman akong pagsisisi.

Hanggang isang araw, bigla niya ko iniwan. Masakit yung mga nangyari lalo pa at pinaniwala mo ang sarili mo na seryoso ang relasyon n'yo at hindi ito basta basta matatapos ng ganito. Sa loob ng maraming linggo at buwan ay siya pa rin talaga ang hinahanap ko. At kung nanaisin niyang makipagbalikan ay papayag talaga ako. Pero makalipas ang isang taon, napagod na din ang puso ko at naisip ko na wala na talagang pagbabalikan na magaganap.

Good evening everyone. Whew! What a tiring day. Christmas is fast approaching. Lots of food, gift giving, and most especially it’s all about sharing of love. Again I will embrace Christmas without a partner. it would really be a cold Christmas for me. Again for the nth time. Funny and weird that I am rationalizing my singlehood now. I really hate this.

To some extent, I hate the person that I am. it’s disappointing when I read messages of some people dying to have a lovelife. Dying to have a partner. That’s not my case. it’s not a problem for me to find someone I like that likes me in return. If not always, most of the time, it’s mutual. But the problem is I’m sick. When I love a person who’s loving me in return, I will hurt him so that he would leave me. I will intentionally push him away. i really hate myself. im exact. i always want to be accurate and precise. I’m quantitative. I want everything to be quantified. Even love.

I’m a stupid, irrational jerk. Goodnight everyone.

Balik sa text niya, natawa ako nung una. Ang haba naman kasi. Parang paper sa school. Pero after ‘nun, nalungkot ako para sa kanya. Noong iniwan niya ako, sabi ng mga friends ko, maysakit daw siya. Madami kasing mali sa relasyon namin dati. Mga bagay na hindi niya ipinagtapat saken. Sabi ko naman sa mga friends ko, baka ganun lang talaga siya. Pero ‘nung nabasa ko to, mukang may problema nga siya. Kahit paano, may parte sa puso ko na nakahinga.

Nitong mga nakaraang linggo, matapos kami maghiwalay ni sweetie at malaman na may bago na siyang boyfriend, nalungkot ako at pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na may mali sakin. Pareho nila akong tinext nung naghiwalay kami na "hindi ko sila nakilala.." Kaya sabi ko sa sarili ko, nasa akin nga siguro yung problema. Pero ngayon, mukang hindi naman. Tama yung isang kaibigan ko, “baka malas ka lang sa mga nagiging karelasyon mo.” At muka nga. Pero sa isang punto, alam ko may pagkukulang din ako. Hindi man malaki, kahit paano meron pa rin. Two way naman lagi ang relasyon. Kung nagsawa man sila sa piling ko, baka may mga ginawa din ako na hindi ko namamalayan na hindi na pala nila gusto.

Hindi na ako malungkot ngayon. Yung minsanang pagkamiss naman sa mga ex mo eh natural naman. Kahit paano, malaki ang naging bahagi nila sa sarili ko ngayon dahil naging mas matatag ako. Sa lahat ng mga nangyayari sa atin, importante yung natutunan sa mga ito.

Kanina nakita ko yung multiply ni sweetie. May mga bago siyang pictures doon. At mukang masaya naman siya. May kurot pa rin sa puso ko, pero alam ko, iniisip niya din na sana masaya ako ngayon.

-----

The Ex is a 2007 comedy film directed by Jesse Peretz and starring Zach Braff, Amanda Peet and Jason Bateman. The film had a wide release planned for January 19, 2007, and then March 9, 2007. It was originally promoted under the working title Fast Track. It was released on May 11, 2007. Co-stars include Charles Grodin, Donal Logue and Mia Farrow.


*Nauna kong isinulat sa aking Multiply Account noong November 7, 2007. Paumanhin at wala akong malagay na bago sapagkat busy sa trabaho. Next week, promise meron na. :)