Melancholia
At ako ay muling nagsulat.
Sabi ko, gusto ko ng isara ang blog na ito. Parte ng mga pagbabago na gusto kong gawin ngayong bagong taon. Pakiramdam ko kasi, kinukulong ko ang sarili ko sa mga pangyayari ng nakaraan kapag nagsusulat at nagkukuwento ako rito. Tulad ng isang ibon, para akong nasa hawla kahit bukas naman ang pintuan nito. Pilit kong isinisiksik ang sarili ko sa apat na sulok nito, kahit kayang-kaya naman ng pakpak ko na ako ay ilipad.
Pero may kung anong puwersa ang nagsasabi na huwag. O maaaring huwag muna. Siguro kasi, parte na ng pagkatao ko ang pagiging emosyonal. At kailangan ko ng takbuhan kapag hindi ko na kaya. Kapag pakiramdam ko eh guguho na ang mundo ko. Kailangan kong isigaw ang lahat ng galit at pagkabigo sa puso ko. At dito, malaya akong magagawa ang mga iyon.
Positibo ko naman na ang sinalubong ang bagong taon na ito pero parang sumpa, binabalik ako ng mga pangyayari sa kalungkutan. Sabi nila, it’s all in the mind. Na tipong puwede mo naman ikondisyon ang sarili mo at piliin na lang na maging masaya. Pero ang hirap naman talaga gawin ‘nun eh.
Tinanggap ko naman na naging mahina at mababaw ako nitong mga nakaraang taon pagdating sa pakikitungo sa mga kaibigan at relasyon ng puso at nangakong babaguhin ito. Nakaya ko naman, ngunit parang kastilyong buhangin na naman akong naguho nitong mga nakaraang araw. Ano ba kasi ang maiisip at mararamdaman n’yo kapag forever na yatang matchmaker ang peg n’yo sa buhay? Wala naman kaso sa akin, kaya lang, paano kapag ‘yung dalawang tao na minahal at minamahal n’yo ang kasali? Hindi ka ba mababaliw niyan?
Isipin n’yo. Si A ang matagal mo ng kaibigan. Pero alam mo at sapul sa simula na hindi lang naman kaibigan ang tingin mo sa kanya. Siya ang ideal boyfriend mo. Pero mabait siya. Rasyonal ka. Mas nanaig ang tawag ng pagkakaibigan at pinili mong maging ganito na lang kayo. Sakto lang naman. Pero nitong mga nakaraang buwan eh tila mas naging malapit kayo. Dala marahil ng mga kabiguan na sinapit n’yo sa inyong mga buhay pag-ibig. Muli, nabuhay ang ilusyon mo na parang bagay kayo. Ang ideyal mong pag-ibig at ikaw. Bakit nga naman hindi. Hindi mo pa naman nasabi sa kanya ang posibilidad na ito.
Pasok si B. Si B na pinag-ikutan ng mundo mo noong nakaraang taon. Marubdob ang naging pagmamahal mo sa kanya pero nauwi rin naman sa wala. Isa sa mga dahilan kung bakit nabuo ang blog na ito at tinawag mo ang sarili na Drama King. Si B na sa paglipas ng mga araw ay natanggap mo ng kaibigan lang talaga ang magiging turing sa’yo.
Hanggang magtagpo ang kanilang mga landas sa isang pagkikita na hindi naman talaga para sa kanilang dalawa. Kwentuhan at tawanan na sa simula ay parang wala lang naman. Pero sa mga sumunod na araw ay napansin mo ang pagkakita nila ng interes sa isa’t isa.
Paano kung isang araw, malaman mo na sila na pala?
Hindi ko alam kung ano ang ginawa kong kasalanan sa mga nakaraang relasyon ko para parusahan ako ng ganito. Kung totoo ‘yung sumpa, gusto ko ng maniwala na maaaring isa sa kanila ang sinumpa ako para maranasan ang lahat ng ito. Malapit ng maglimang taon mula ‘nung huling beses ko maranasan ang isang karelasyon. Ang lungkot-lungkot.
-----
Melancholia is a 2011 film written and directed by Lars von Trier, starring Kirsten Dunst, Charlotte Gainsbourg and Kiefer Sutherland. The narrative revolves around two sisters during and shortly after the wedding party of one of them, while Earth is about to collide with an approaching rogue planet. The film prominently features music from Richard Wagner's prelude to his opera Tristan und Isolde.
Sad, but it's not yet the end for a person like you to stop loving someone. Hindi nga lang sa dalawang yan, but someone else.
ReplyDeleteDon't lose hope.
Hi Leomer! Salamat sa pagdaan. Alam mo, ilang beses ko ng sinabi na ayoko na. Gusto ko na lang na wala akong masyadong nararamdaman. Pero ayun nga, ang hirap kalaban ng emosyon. Nakapagsulat tuloy ako sa sobrang kalungkutan. Pero lahat naman malalampasan. Hindi ko lang talaga alam ang mangyayari at mararamdaman ko kapag nalaman ko na sila na. :|
ReplyDeletesabi mo pakiramdam mo kinukulong mo ang sarili mo sa nakaraan dahil sa pagsusulat sa blog na ito...
ReplyDeletealam mo kung tutuusin hindi mo kinukulong ang sarili mo, pinapalaya mo nga e. sa pamamagitan ng pagsusulat dito ng mga karanasan mo, mapait man o hindi. nakakatulong yun para makalaya ka. :)
ipagpatuloy mo lang ang blog na ito.
at magpatuloy na magmahal kahit paulit-ulit na nasasaktan.
'yung ideya naman ng pagkukulong ay nangyayari kapag binabasa ko 'yung mga kwento ko rito. parang imbes na kalimutan na, mas naaalala ko pa sila. pero aaminin ko, mas nakatulong 'yung pagsusulat ko kahapon para mas gumaan ang pakiramdam ko. at mukang itutuloy ko nga ang blog na 'to. at umaasa na sana, magbago na ang tono ni Drama King. :D Salamat sa pagdaan Kalansay Collector! :D
ReplyDeleteBesfrennn!!! group hug tayo dali.... weeeeee.... melancholic din ako lately... bakhet ganuuun? Tara na sa Debenhams!
ReplyDeletekidding aside....
I feel your sadness, not that I understand u wholly, pero it must be really hard. I really hope you'll find that right one for you.... promise, I'll be one of the 1st person na matutuwa para sa yo. :D
Besfrennn! Salamat salamat! :D I'm getting a lot better. Nakatulong ang mga pag-iisip at pag-iisa ko recently. Unti-unti ko ng tinatanggap na wala naman akong kontrol sa mga bagay-bagay. Iba-iba lang talaga ng pinapahalagahan ang mga tao sa mundo. Nagkataon lang na I value friendship a lot na hindi na rin pala healthy at times. You always have to save yourself first. 'Yang right one na yan, makakatikim sa akin yan kapag nakilala ko na. Ang tagal naman kasi dumating! :P
DeleteYihhhhhheeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee.......
Deletebaka asa portri pala.... MJN daw initials. Charoth!
Have you seen the movie? (Melancholia) interesting kasi ang mga stills eh :)
ReplyDeleteMapunta tayo sa blogpost.Makapag-sumpa naman yan!Break the spell na!Sila happy happy,ikaw lungkot lungkot!Wag ganun!Lungkot lang pwede?!LOL :P
Unfortunately, hindi pa. Kainis! Haha. Gusto ko na nga rin. Maganda raw eh. :D Tama! Let's break the spell. Sana pala pumunta ako sa EB! Hindi ko naman alam na andun ka. Ahi.
DeleteYihhhheeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee
ReplyDelete