Serendipity


Naalala ko pa ang lahat. Malinaw pa sa aking memorya. Dalawang taon na rin ang lumipas ‘nung una kitang “nakilala”. Kasama ko ang bestfriend ko ‘nung HS, nakatambay kami sa Starbucks sa Megamall. Nagbukas siya ng Downelink, nakiusyoso ako. Nakita “kita”. Isang larawan na kumuha agad ng atensyon ko. Hinanap kita sa Facebook. Ang laking tulong rin talaga ng mga social networking sites para “pagtagpuin” ang ating mga mundo. Inadd kita. Nagmessage ka. “Do I know you?” Syempre hindi tayo magkakilala. Paano ko ba sasabihin na wala lang, naging crush ko lang ang picture mo. “I’m Mike’s friend. I saw you in Downelink. You’re cute.” Wala na kong pakialam sa hiya-hiya. Hindi naman tayo “magkakilala.” Wala kang sagot sa mensahe ko. Hindi mo rin ako inadd. Hindi na rin ako masyado nag-isip.

Dalawang taon. Isang mukha.

Linggo-linggo akong naglalaro ng badminton. Napagod na ang mga kasama ko kaya kailangan namin ng bagong kalaro. Nakita ka namin. Tinawag ka namin at madali ka namang kausap. Sumali ka at magkakampi pa nga tayo. Hindi ako nagsasalita sa mga kaibigan ko, pero medyo kinilig ako sa’yo. Nakakaaliw ang pagiging mahiyain at mahinhin mo. Dalawang beses pa tayong naging magkakampi. Sayang talo tayo. Hindi ako nag-isip na kunin ang number mo. Umaasa na lang na muli kitang makikita sa court next week.

Kaya lang nakabreak naman kami sa badminton. Busy ang mga tao. Hindi na kita muling nakita. Pero feeling ko, malakas talaga ako kay Papa Jesus lately. Nakita kita sa BBM list ng kaibigan ko. Kinuha ko agad ang pin mo at inadd sa BBM ko. “Remember me?” Yan ang sabi ko. “You look familiar! Ah sa badminton! Hello musta?” At diyan na nga nagsimula ang usapan natin sa BBM. Kaswal lang naman. Aaminin ko, crush kita pero natatakot akong gumawa ng paraan na mapalapit sa’yo. Iniisip ko, dahan-dahan lang.

Miyerkules. Tawa ako ng tawa sa mga status mo sa BBM. Feeling ko, inuupdate mo ang lahat ng tao sa lahat ng kilos mo. Pupunta sa ganito, bibili ng ganitong sapatos, kakain kasama ang Mama mo. Nag-usap tayo saglit. Sabi ko, ang kulit mo. Natawa ka lang.

Bandang alas-dos ng madaling araw, nagising ako. Kailangan kong magbasa para sa report ko sa class. Pagcheck ko ng phone, may nag-approve sa akin sa Facebook. Tinignan ko. Wala naman akong ina-add recently. Pagtingin ko sa profile, parang tumalon ang puso ko at sabay na kinilabutan. IKAW. Ikaw na inadd ko 2 years ago. Ikaw at ang nakalaro ko sa badminton ay iisa. Kinilig ako. Pakiramdam ko, ikaw ang nakatadhana para sa akin. You are my destiny. You are the ONE. Naisip ko rin, ang galing naman kasi hindi mo pala inignore ang friend request ko two years ago. At siguro pag check mo ulit at mapansin mong kilala mo na ko, saka mo inaccept. 

Nagsend agad ako sayo ng message sa BBM. Parang gago lang ako. Tumutugtog sa isip ko ang kanta ng Savage Garden na “I knew I love you before I met you…” Or kahit I knew I like you before I met you. Nakakatakot na ‘yung love na wala namang masyadong basis. Nagreply ka. Sabi mo sa lahat ng “kahibangan” ko ay: LOLZ. Napatumbling ako. FAIL. 

Susuko na sana ako pero paano kung ikaw talaga ang nakatadhana para sa akin? At gaya ng maraming pelikulang romantikong napanuod ko, hindi naman masamang umasa. Kasi malay natin, naghihintay lang pala ang isang happy ending sa ating dalawa?

Nagdesisyon akong kumapit. Subukan. Kakapit ako sa ating tadhana. Katunog pa ng kanta ni Yeng Constantino. Nag-usap ulit tayo kagabi sa BBM. Niyaya kitang lumabas. Pumayag ka.

Muling tumalon ang puso ko.


-----
Serendipity is a 2001 romantic comedy, starring John Cusack and Kate Beckinsale. It was written by Marc Klein and directed by Peter Chelsom. The music score is composed by Alan Silvestri. The Hindi film Milenge Milenge, 2010 is a complete replica of this film.

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Just My Luck

Melancholia

Hiram na Mukha