Posts

Fatal Attraction

U malis ka na pala. Hindi man lang ako nakapagpaalam. Ang daming emosyon. Pero alam ko, pinakamarami 'yung lungkot. Tsaka panghihinayang. Hindi na ko kakabahan tuwing bubukas 'yung elevator sa 3rd floor kasi baka bigla kang sumakay. Hindi na hahaba 'yung leeg ko kakatingin kung nasa smoking area ka sa baba ng office. Hindi na mawawala 'yung atensyon ko sa speaker kapag town hall kasi madalas ikaw ang hinahanap ko. Hindi na ko magmumukhang ewan kapag magkakasalubong tayo - habang nagpapanggap na wala lang ang presensya mo. Mamimiss ko 'yun. Nakakatawa kung paano nagsimula 'yung kwento natin dalawa. Or mas kuwento ko sa'yo kasi hanggang ngayon hindi ko alam kung nagkaroon ba ko ng epekto sa buhay mo. Second year college ako. Freshie ka. Magkaklase tayo sa Anthropology 10. Nung college, naniniwala ako na dapat sa lahat ng klase ko, may magiging crush ko para ganahan ako pumasok. Unang araw ng klase, parang wala akong mapili sa klase natin. Pero sigur...

The Break-Up

D ear ex, Lagpas isang buwan na rin pala nung naghiwalay tayo. Sana naaalala mo pa kung paano ka bigla na lang hindi nagreply sa mga text messages at sumagot sa mga tawag ko. May dinner sana tayo kasama ‘yung mga friends ko. Hindi na kita pinilit sumama sa amin manuod ng movie pero sabi mo susunod ka sa dinner. Pero wala na kong narinig sa’yo pagkababa natin ng telepono. Naiinis ako sa’yo nung gabi na ‘yun hanggang bago ako matulog. Ang inconsiderate kasi. Ang daya. Pero pagkagising ko ‘nung umaga, naisip pa rin kita. Ikaw ang una kong tinawagan. Hindi mo pa rin sinasagot. Wala ka pa ring reply sa mga text messages. Nawala na ‘yung inis ko. Nag-alala na ko. Baka may nangyari ng masama sa’yo. Mula sa libing ng tita ko hanggang sa sportsfest sa office – ikaw lang ang nasa isip ko. Bawat oras tinatawagan kita pero wala pa rin talagang sagot. Pupunta sana ako ‘nung gabi sa apartment mo pero pagod na pagod na ko kaya sabi ko bukas na lang. Nagtext ulit ako sa’yo. Halos magmakaawa...

2012

N akakamiss din pala magsulat. Parang ilang buwan din na walang bago dito sa blog ko. Ang dami rin kasing nangyari. Pakiramdam ko nga, hindi na bagay sa akin ang angas nitong blog ko – Drama King shit eh wala naman kadrama-drama sa buhay ko. Parang hindi na ko masyado na-eemo ngayong mga panahon na ‘to. Namimiss ko na nga. Baka kasi Pasko na rin ano. Ang saya ng paligid, ang saya ng mga tao. Pero hindi rin. Dati kapag magpapasko na tapos maririnig ko ‘yung “Sana Ngayong Pasko,” ayan tutulo na luha ko. Ngayon wala ng epekto. Sige ito na lang ang totoo – masaya ako. Masayang-masaya. Akala ko isusumpa ko ‘yung 2012 kasi puro problema at kalungkutan ‘yung first half niya sa akin. May mode pa ko na rebirth rebirth, renaissance shit ‘nung patapo ang 2011 eh wala naman nagbago. Mas nalungkot lang ako. Mababasa n’yo naman yan dito ano. Pero nung tinanggap ko ‘yung mga pagkakamali ko at nagpasya na gumawa ng bagay na ikakatama nito – parang tinulungan pa ko ng uniberso para matupad it...

21 Grams

N apapadalas ako sa Planet Romeo nitong mga nakaraang araw. Bago ang internet connection sa bahay at sabihin na nating, matagal na rin ‘yung huli ko. Sabi nga nila, hindi naman porke’t single eh tigang ka na rin. Sa kaso ko, oo. Single ako at tigang ako. Para kasing ‘nung gumradweyt ako ‘nung college eh nabawasan na rin talaga ang hilig ko. Mas gusto kong makasama ‘yung boyfriend ko sa aspetong ‘yun ng aking buhay. Paminsan-minsan, meron din namang mga hindi karelasyon. Pero mas maraming beses, kulang ‘yung satisfaction na nabibigay niya sa akin. Iba pa rin talaga kapag may kasamang pagmamahal. Naks. Aaminin ko, ang lakas ng loob kong tumambay sa gay site na ‘yun eh duwag naman ako. Kapag may nagyaya na sa akin na gusto ko rin naman, ang dami kong dahilan para hindi matuloy. As in ang labo kong kausap. Bigla na lang mag-ooffline at hindi na magrereply sa text. Kung ikaw ‘yung “kausap” ko, mapipikon ka talaga. Pero wala akong pagkatuto. Tatambay pa rin ako doon at makikipagpalita...

Changing Lanes

H alos tatlong buwan din pala akong hindi nakapagsulat dito. Ang dami-dami rin kasi talagang nangyari sa buhay ko. May mga malungkot pero mas marami ang masasaya. May mga pagbitiw at may mga bagong mundo akong sinimulang pasukin. Masyado pang maaga para sabihin kung tama ang mga naging desisyon kong ito pero isa ang sigurado, masaya ako. After 5 years, finally ay nagdecide na kong magresign sa trabaho. Mahirap sa totoo lang. Masyadong madali ang trabaho ko at napakarami kong nagagawa kahit nasa office ako. Pero dumating na rin ako sa puntong “eto na lang ba ang gagawin ko buong buhay ko?” Kumbaga, wala na kong nakukuhang bago eh. Tsaka hindi talaga maayos mamalakad ‘yung mga bossing namin. Nakakapikon lang. Kaya kinuha ko ang lahat ng lakas at tapang sa katawan ko at nagpasa ng resignation letter. Ganun pala ‘yun no? Pag-uwi ko ng bahay, umiyak talaga ako. Hagulgol. Hindi dahil mamimiss ko ‘yung work ko, kasi ang dami rin talagang memories sa office na ‘yun. Lalo na ‘yung mga ...

Zack and Miri Make a Porno

H indi ko na matandaan kung kailan ako nagsimulang mahilig sa porn. Basta ang alam ko, ang porn ngayon, una kong tinawag na triple x. Medyo makitid ang utak at konserbatibo ang pamilya ko. Promise OA sina Mama at Papa. Naalala ko dati kapag nanunuod kaming buong pamilya ng mga pelikula nina Andrew E, tapos sa ending biglang may torrid kissing scene siya sa mga leading ladies niya, sasabihin nina Mama, “o pikit muna kayo.” OA diba? Comedy kasi ‘yun. Kaya ganun na lang ang gulat nila ng buong pamilya kaming manuod ng Amityville sa VHS tapos biglang nagtirahan sa kusina ‘yung mga bida. Na-off bigla ang TV! Tawang-tawa ako sa reaksyon nila. Hindi nila alam na rated-R ang movie. Kaya nasanay na lang ako, na kapag ganun ang eksena, ako na ‘yung yuyuko ng kusa. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako komportable makapanuod ng mga medyo maseselang eksena kapag nanunuod sila. Asiwa ba. Awkward ganyan. Pero hindi na naman nila ako pinapapikit. After all, 27 years old na ko. RANG!* Bal...

The Eni-Eni Edition

N alulungkot ako tuwing nakikita kong wala akong bagong post sa blog na ‘to. More basa, more fun na lang kasi ang ginagawa ko. Ewan ko ba at hindi ako makahanap ng inspirasyon o ng kahit topic man lang para makapagsulat. Parang ang boring ng buhay ko ganyan? Pero dahil napakarandom naman ng mga tweets ko sa twitter, naisip kong gumawa ng entry na kung ano-ano lang. Kung ano lang maisip ko ganyan. Kaya nga ang title nitong entry na ‘to ay ENI-ENI Edition. Pass muna sa mga movie titles. ***** G aling akong Sagada ‘nung holy week. Bale nagbyahe kami ng Wednesday night tapos nakarating ng Thursday morning. Dati, hindi talaga ako nakakatulog sa bus. Naalala ko ‘nung nagpunta kami sa Pagudpud ‘nung 2008, 12 hours akong gising. Para lang tanga. Buti na lang at nakatulog ako sa particular trip na ‘to. Ang ganda ng mga bundok at puno sa Mountain Province.  Mas beach (or bitch) person ako pero nakakamangha talaga ang mga bundok dito. Lalo na ang Rice Terraces. Surreal eh. Nababa namin it...