Posts

Showing posts from 2012

2012

N akakamiss din pala magsulat. Parang ilang buwan din na walang bago dito sa blog ko. Ang dami rin kasing nangyari. Pakiramdam ko nga, hindi na bagay sa akin ang angas nitong blog ko – Drama King shit eh wala naman kadrama-drama sa buhay ko. Parang hindi na ko masyado na-eemo ngayong mga panahon na ‘to. Namimiss ko na nga. Baka kasi Pasko na rin ano. Ang saya ng paligid, ang saya ng mga tao. Pero hindi rin. Dati kapag magpapasko na tapos maririnig ko ‘yung “Sana Ngayong Pasko,” ayan tutulo na luha ko. Ngayon wala ng epekto. Sige ito na lang ang totoo – masaya ako. Masayang-masaya. Akala ko isusumpa ko ‘yung 2012 kasi puro problema at kalungkutan ‘yung first half niya sa akin. May mode pa ko na rebirth rebirth, renaissance shit ‘nung patapo ang 2011 eh wala naman nagbago. Mas nalungkot lang ako. Mababasa n’yo naman yan dito ano. Pero nung tinanggap ko ‘yung mga pagkakamali ko at nagpasya na gumawa ng bagay na ikakatama nito – parang tinulungan pa ko ng uniberso para matupad it...

21 Grams

N apapadalas ako sa Planet Romeo nitong mga nakaraang araw. Bago ang internet connection sa bahay at sabihin na nating, matagal na rin ‘yung huli ko. Sabi nga nila, hindi naman porke’t single eh tigang ka na rin. Sa kaso ko, oo. Single ako at tigang ako. Para kasing ‘nung gumradweyt ako ‘nung college eh nabawasan na rin talaga ang hilig ko. Mas gusto kong makasama ‘yung boyfriend ko sa aspetong ‘yun ng aking buhay. Paminsan-minsan, meron din namang mga hindi karelasyon. Pero mas maraming beses, kulang ‘yung satisfaction na nabibigay niya sa akin. Iba pa rin talaga kapag may kasamang pagmamahal. Naks. Aaminin ko, ang lakas ng loob kong tumambay sa gay site na ‘yun eh duwag naman ako. Kapag may nagyaya na sa akin na gusto ko rin naman, ang dami kong dahilan para hindi matuloy. As in ang labo kong kausap. Bigla na lang mag-ooffline at hindi na magrereply sa text. Kung ikaw ‘yung “kausap” ko, mapipikon ka talaga. Pero wala akong pagkatuto. Tatambay pa rin ako doon at makikipagpalita...

Changing Lanes

H alos tatlong buwan din pala akong hindi nakapagsulat dito. Ang dami-dami rin kasi talagang nangyari sa buhay ko. May mga malungkot pero mas marami ang masasaya. May mga pagbitiw at may mga bagong mundo akong sinimulang pasukin. Masyado pang maaga para sabihin kung tama ang mga naging desisyon kong ito pero isa ang sigurado, masaya ako. After 5 years, finally ay nagdecide na kong magresign sa trabaho. Mahirap sa totoo lang. Masyadong madali ang trabaho ko at napakarami kong nagagawa kahit nasa office ako. Pero dumating na rin ako sa puntong “eto na lang ba ang gagawin ko buong buhay ko?” Kumbaga, wala na kong nakukuhang bago eh. Tsaka hindi talaga maayos mamalakad ‘yung mga bossing namin. Nakakapikon lang. Kaya kinuha ko ang lahat ng lakas at tapang sa katawan ko at nagpasa ng resignation letter. Ganun pala ‘yun no? Pag-uwi ko ng bahay, umiyak talaga ako. Hagulgol. Hindi dahil mamimiss ko ‘yung work ko, kasi ang dami rin talagang memories sa office na ‘yun. Lalo na ‘yung mga ...

Zack and Miri Make a Porno

H indi ko na matandaan kung kailan ako nagsimulang mahilig sa porn. Basta ang alam ko, ang porn ngayon, una kong tinawag na triple x. Medyo makitid ang utak at konserbatibo ang pamilya ko. Promise OA sina Mama at Papa. Naalala ko dati kapag nanunuod kaming buong pamilya ng mga pelikula nina Andrew E, tapos sa ending biglang may torrid kissing scene siya sa mga leading ladies niya, sasabihin nina Mama, “o pikit muna kayo.” OA diba? Comedy kasi ‘yun. Kaya ganun na lang ang gulat nila ng buong pamilya kaming manuod ng Amityville sa VHS tapos biglang nagtirahan sa kusina ‘yung mga bida. Na-off bigla ang TV! Tawang-tawa ako sa reaksyon nila. Hindi nila alam na rated-R ang movie. Kaya nasanay na lang ako, na kapag ganun ang eksena, ako na ‘yung yuyuko ng kusa. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako komportable makapanuod ng mga medyo maseselang eksena kapag nanunuod sila. Asiwa ba. Awkward ganyan. Pero hindi na naman nila ako pinapapikit. After all, 27 years old na ko. RANG!* Bal...

The Eni-Eni Edition

N alulungkot ako tuwing nakikita kong wala akong bagong post sa blog na ‘to. More basa, more fun na lang kasi ang ginagawa ko. Ewan ko ba at hindi ako makahanap ng inspirasyon o ng kahit topic man lang para makapagsulat. Parang ang boring ng buhay ko ganyan? Pero dahil napakarandom naman ng mga tweets ko sa twitter, naisip kong gumawa ng entry na kung ano-ano lang. Kung ano lang maisip ko ganyan. Kaya nga ang title nitong entry na ‘to ay ENI-ENI Edition. Pass muna sa mga movie titles. ***** G aling akong Sagada ‘nung holy week. Bale nagbyahe kami ng Wednesday night tapos nakarating ng Thursday morning. Dati, hindi talaga ako nakakatulog sa bus. Naalala ko ‘nung nagpunta kami sa Pagudpud ‘nung 2008, 12 hours akong gising. Para lang tanga. Buti na lang at nakatulog ako sa particular trip na ‘to. Ang ganda ng mga bundok at puno sa Mountain Province.  Mas beach (or bitch) person ako pero nakakamangha talaga ang mga bundok dito. Lalo na ang Rice Terraces. Surreal eh. Nababa namin it...

Serendipity

N aalala ko pa ang lahat. Malinaw pa sa aking memorya. Dalawang taon na rin ang lumipas ‘nung una kitang “nakilala”. Kasama ko ang bestfriend ko ‘nung HS, nakatambay kami sa Starbucks sa Megamall. Nagbukas siya ng Downelink, nakiusyoso ako. Nakita “kita”. Isang larawan na kumuha agad ng atensyon ko. Hinanap kita sa Facebook. Ang laking tulong rin talaga ng mga social networking sites para “pagtagpuin” ang ating mga mundo. Inadd kita. Nagmessage ka. “Do I know you?” Syempre hindi tayo magkakilala. Paano ko ba sasabihin na wala lang, naging crush ko lang ang picture mo. “I’m Mike’s friend. I saw you in Downelink. You’re cute.” Wala na kong pakialam sa hiya-hiya. Hindi naman tayo “magkakilala.” Wala kang sagot sa mensahe ko. Hindi mo rin ako inadd. Hindi na rin ako masyado nag-isip. Dalawang taon. Isang mukha. Linggo-linggo akong naglalaro ng badminton. Napagod na ang mga kasama ko kaya kailangan namin ng bagong kalaro. Nakita ka namin. Tinawag ka namin at madali ka namang ...

Questions

Are there gays in paradise? Of course there are.  How can you say that? Because God loves the homosexual as a homosexual and not because in heaven he can finally become a heterosexual.  Because God is GAY.  - J. Neil Garcia, Philippine Gay Culture

Melancholia

A t ako ay muling nagsulat. Sabi ko, gusto ko ng isara ang blog na ito. Parte ng mga pagbabago na gusto kong gawin ngayong bagong taon. Pakiramdam ko kasi, kinukulong ko ang sarili ko sa mga pangyayari ng nakaraan kapag nagsusulat at nagkukuwento ako rito. Tulad ng isang ibon, para akong nasa hawla kahit bukas naman ang pintuan nito. Pilit kong isinisiksik ang sarili ko sa apat na sulok nito, kahit kayang-kaya naman ng pakpak ko na ako ay ilipad. Pero may kung anong puwersa ang nagsasabi na huwag. O maaaring huwag muna. Siguro kasi, parte na ng pagkatao ko ang pagiging emosyonal. At kailangan ko ng takbuhan kapag hindi ko na kaya. Kapag pakiramdam ko eh guguho na ang mundo ko. Kailangan kong isigaw ang lahat ng galit at pagkabigo sa puso ko. At dito, malaya akong magagawa ang mga iyon. Positibo ko naman na ang sinalubong ang bagong taon na ito pero parang sumpa, binabalik ako ng mga pangyayari sa kalungkutan. Sabi nila, it’s all in the mind. Na tipong puwede mo naman iko...