Posts

Showing posts from 2011

Si RC at si Brian Kinney*

Image
Isang linggo akong nagkasakit. Dalawang araw hindi nakapasok sa office. Feeling ko, ang dami-dami kong namiss. Pero mas naging excited din ako sa mga mangyayari sa akin sa mga susunod na araw.  Weird man, pero tuwing November 9, sinecelebrate namin ng bestfriend ko ang aming anniversary. Last time, 8 years na kami! Ahi. We became bestfriends nung second year college kami, after ng aming ROTC. Tapos every year, may celebration. Nakakamiss lang this year kasi hindi kami nakalabas bilang nakaratay ako sa kama. At dahil walang something, naisip ko na lang na ilagay dito sa blog ko yung naipost ko dati sa blog ko sa Multiply.  Adik na adik ako 'nun sa Queer As Folk. Paano namang hindi, feeling ko, 'yun din ang buhay ko (feel na feel ko si Michael). And now I'm sharing my bestfriend - RC! :D ------ N apag-iwanan na ata ako ng buong mundo at ngayon ko lang napapanuod sa DVD ang  Queer as Folk.  At aaminin ko na kahit Season 1 pa lang ako, sobrang nakakaenjoy t...

Halloween

Image
A ng tagal ko rin nawala sa blog na ‘to! Hindi rin naman ako masyadong naging busy, more on arte lang talaga. Papanindigan ko lang ‘yung title ng blog ko, kaya more on drama king lang ako nitong mga nakaraang araw. Pero sa totoong buhay kapag nakasama n’yo ko, hindi talaga ako emo. Gusto ko puro fun-fun ang nasa paligid. Nagiging emo/drama king lang talaga ako kapag mag-isa ako at nagmomoment. Pero hindi talaga yan ang kwento ko ngayon. Hihi. Wala lang ‘to. Gusto ko lang ng chikahan tayo, kumustahan ganyan. Matapos ang araw ng mga patay, I’m sure buhay na buhay na naman tayo sa ating mga buhay. Ahi. Share ko lang ‘yung naging costume ko last Halloween Party sa office. Actually, wala naman talagang todong prize ito. Sapat lang. Naging event na lang din siya kasi masaya magcostume. At lagi ko nga sinasabi sa mga teammates ko, you only wear costume once a year. Kaya ienjoy na! This year, movie theme kami sa office. Ayoko naman malimitahan sa isang pelikula ang team ko kaya ang the...

Stand By Me

Image
D ear D, Namimiss na kita! Birthday mo na pala bukas. Ano ang birthday wish mo? Wish ka lang. Malay mo magkatotoo ‘diba? Hindi lang ako sure sa height. Haha. Sabi mo nga, papadagdagan mo na lang ‘yung tuhod mo kapag yumaman ka na para tumangkad ka na. Siguro isyu talaga sa mga lalaki ‘yung height ano? Pero alam mo, kung ano man ang kakulangan mo jan, nacocompensate naman sa ibang meron ka. Biruin mo, 27 ka na bukas pero mukha ka lang 21. Arte pa?  Haha. So ayun nga, namimiss na kita. Lagpas dalawang linggo na rin naman ‘nung huli tayong nag-usap sa FB. Nagdecide akong umiwas muna sa’yo kasi hindi na nga healthy sa akin ‘yung relationship natin. Dati sabi ko kasi, okay lang na kahit ako lang ‘yung nagmamahal kasi naiinspire naman ako. Nararamdaman ko rin naman ‘yung pagmamalasakit mo sa’kin kahit paano. Pero ‘yun nga, dumating rin ako sa point na nasasaktan at nagseselos na ko. At tingin ko, hindi na siya maganda para sa akin. Kailangan kong tulungan ‘yung sarili k...

Imagine That

S cene 1 :  Ext. Kalsada. Mga sasakyan. Madaling-araw. Sa loob ng isang taxi, makikita ang isang lalaki. Naka-long sleeves. Nag-iisip. Madadaanan ang ilang mga poste na may ilaw. Bilog ang buwan. Tutunog ang radyo ng taxi. Maririnig ang boses ni Ariel Rivera. “Sana Ngayong Pasko” ang awitin. Zoom in ang camera sa lalaki sa taxi. Mababakas ang biglang pagbabago sa kanyang mukha. Ang kaninang nag-iisip ay mapapalitan ng kalungkutan. Titingin siya sa bintana ng taxi. End of Scene 1. Ganito ang nangyari sa akin kaninang umaga. Ganito ko rin ito gustong isipin. Ewan ko ba pero madalas pakiramdam ko, isang pelikula ang buhay ko. O kaya isang music video na pinapalabas sa MTV. Puwede ring isang reality show na pinapanuod ng maraming tao. Gustong-gusto ko maglakad sa isang daan na may iilang ilaw lamang mula sa mga poste habang malamig ang hangin. O kaya habang umaambon. Pakiramdam ko, tumitigil ang mundo at nakatingin lamang ito sa akin. Minsan naman, haban...

The Truman Show

H indi ako sigurado kung ano ang gusto kong sabihin sa entry na ‘to. Hindi ko rin alam kung ano ang magiging epekto nito sa akin at sa ilang makakabasa nito. Pero isa lang ang totoo – kailangan kong sabihin ang mga ito.  Siguro sa lahat naman ng nagiging blogger na gaya ko, naroon ang intensyon  na magbahagi ng kanilang sarili. Sumusulat tayo kasi gusto natin buksan ang bahagi ng mga sarili natin sa ibang tao. Kung hindi man mga kwento tungkol sa mga pangyayari sa ating buhay, mga obserbasyon at naiisip sa ilang mga kaganapan sa ating paligid.  Sumusulat tayo kasi may gusto tayong sabihin. Kung makakaugnay man, mamumuhi, matatawa o kaaawaan tayo ng makakabasa nito ay hindi natin kontrolado. Dito lumalabas ang pagiging dinamiko ng tao – bawat isa ay masasabing nag-iisa batay sa kanyang ugali at pagtingin sa mundo. Hindi ko naman itatanggi na may takot din ako nang magsimula akong magsulat dito sa blog ko. Pero napawi ito ng mga komento at hits na natangga...

Hiram na Mukha

G usto ‘ata talagang gawing memorable year sa’ken ni Papa Jesus ang 2011. Hindi ko naman talaga hobby ang makipag-EB sa mga hindi ko kilala at hindi pa nakikita ang picture pero jumajackpot talaga ako nitong mga nakaraang buwan. Una na nga ang mahiwagang kuwento ng bingot. Akala ko natuto na ‘ko pero inulit ko pa rin. ‘Nung kinwento ko sa mga kaibigan ko ‘yung kay bingot, lahat sila sinabi sa’ken na kung hindi raw bingi/pipe ang mamimeet ko next time, eh kuba naman. Natakot talaga ako. Kaya sabi ko sa sarili ko, hinding-hindi na ko makikipag-EB kung wala namang pictures online. Gusto ko kahit paano may idea naman ako ng itsura. Kasi hindi ko na alam ang magiging reaksyon ko kung another bingot or kuba ang mameet ko. Hindi naman sa inaalipusta o hinahamak ko sila. Sa totoo lang po ako. Rang! So eto na nga ang kwento.  May number sa phone ko ang isang lalaki na nakita ko ang number sa Downelink. Itago na lang natin siya sa pangalang Robert. Pogi si Robert. Isa sa mga ras...

The Ex *

K anina ‘pag gising ko, nakatanggap ako ng isang text message mula sa isang ex ko nung nasa UP pa ako. Siya yung ex ko na akala ko, happy ending na kase parang fairy tale talaga yung kuwento ng love story namen. Pero gaya nga ng cliche na paniniwala, yung happy endings totoo lang sa mga fairy tales. Kung "parang fairy tale" lang, malamang hindi happy ending yun. Bigla nag flashback sa utak ko yung lahat ng mga nangyari samen before. ‘Yung nagtext kami na nagsimula sa panloloko ko... ...na nauwi sa pagkikita namen at panunuod ng isa sa mga paborito kong pelikula na "charlie and the chocolate factory" na kahit napanuod na niya eh pinanuod niya ulit para saken at dalawang beses pa namin inulit. ...ang mga pag-uusap sa telepono na inaabot ng umaga na sobrang puno ng magic at kahit tapos na eh tuloy pa rin kami sa pagtetext. ...sa mga nakakakilig niyang text message na tumunaw sa puso ko at nagpamahal sa akin sa kanya. ...na matapos ang tatlong ara...

Splash*

Image
M alaki ang pagkahilig ko sa mga  sirena.  Hindi ko alam kung paano nagsimula ang lahat pero sa pagkakatanda ko, bata pa lang ako, sobrang nahuhumaling na ako sa kanila. Mga apat na taon siguro ako  noon , naaalala kong pagguhit ang isa sa pinagkakaabalahan ko. At mga sirena ang madalas kong ginagawa (yung iba ay si Papa Jesus na nasa krus, mga mangingisda na nasa laot, bukirin, mga poster ng pelikula partikular ang “Dito sa Pitong Gatang” nina Nanette Medved at Fernando Poe Jr.). Iba iba ang mga senaryo. May masayang lumalangoy sa ilalim ng dagat, may mga nagpapahinga sa dalampasigan, mga nagtatago sa mga malalaking bato at kung anu ano pa. Hindi pa nga ako nakuntento at pinipilit ko si Mama na iguhit ako ng sirena sa karton ng gatas at pagkatapos ay gugupitin niya at lalaruin ko. Mula sa pagguhit at paggupit ay nauso ang mga laruang sirena. Naalala ko na sobrang pinilit ko si Mama na ibili ako ng mga de-susing sirenang laruan. Makulay ang laruan na yun. ...

Just My Luck

P ara iwas muna sa nakakabagabag na drama ng buhay ko, naisip kong ibahagi ang kwentong ito sa blog ko. Hindi naman ‘to paglayo sa tema ng blog ko kasi sabi ko naman jan sa itaas na bahagi, ang buhay ay puno ng drama or comedy rin. Haha. Ewan ko lang kung comedy ba talaga ‘tong kwento na ‘to o isang tragedy ala Oedipus Rex. Pero syempre, magdadahilan ako jan dahil ang depinisyon naman ng tragedy ayon kay Plato (sa kanyang Poetics) ay may pagkakamali sa desisyon at paghusga ng pangunahing tauhan. Sa kwentong ‘to, parang may halo ng divine intervention eh. Oo alam ko naman na dapat sa barangay na ‘ko nagpapaliwanag. Ganito kasi 'yun. Isang araw, may nagtext sa'kin. Number lang at nagpapacute. Okay naman ako sa konsepto ng textmate pero gusto ko naman malaman kung saang lupalop nila nakuha ang number ko. So more tanong-tanong ako ganyan. ‘Nung una, more pacute pa si koya na kesyo na-wrong send genyan. Eh hindi naman ako tanga at ipinanganak kahapon. So napilit ko rin siya. P...

Life is a Dream

I dream that I am here of these imprisonments charged, and I dreamed that in another state happier I saw myself. What is life? A frenzy. What is life? An illusion, A shadow, a fiction, And the greatest profit is small; For all of life is a dream, And dreams, are nothing but dreams.  - from La Vida Es SueƱo by Pedro Calderon dela Barca ----- Life is a Dream is a 1987-film. A baroque mix of revolutionary politics, pop culture, and semiotics, loosely based on the play by Pedro Calderon de la Barca. A young prince learns that life is just a dream from which we wake when we die, and that dreams may be as real as life.